Chapter 1

750 16 2
                                    


Mataas na ang araw at ang maliwanag na sikat nito ay tumatagos sa bintana ng isang mamahaling kwarto. Isang binata ang komportable at mahimbing na natutulog sa isang king sized na kama na masyadong malaki para sa isa o dalawang tao, bahagyang magkalayo ang dalawang binti nito sa isat isa at tanging ang puting kumot lamang ang nagsisilbing saplot nito.

Dahil sa may kalikutan sa pagtulog ang binata, tuluyan nang lumilis ang kumot pababa sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Makalipas ang ilang minuto unti unting nagambala ang binata sa kanyang pagtulog dahil sa sikat ng araw na tumagos na sa mga makulay na kurtina ng silid.

Dahan dahang nagbukas ang mga pilik mata nitong sing haba tulad ng sa isang dalaga at sumilay ang maamo at maliwanag nitong mga mata, nagdadalawang isip pa ito kung babangon ba sya o magpapakasasa nalang buong araw sa malambot na kama, hanggang sa bigla niyang naisip ang bilin ng kanyang ina noong nakaraang araw na kaylangan sya nitong makausap. Napilitang bumangon ang binata at panadaliang sinuri ang sarili sa isang malaking salamin na nasa pintadong pader ng silid.
Hinaplos ng binata ang makinis at maputi nyang balat na masasabing alaga ng mga mamahaling pampalambot at pampakinis sa balat at ng isang propesyonal na doktor.

Bahagyang napangiti ang binata at nagpakita ang isang mukang inosente at gwapong lalaki. Tama, isang gwapong lalaki na ginagamit ang kanyang karisma upang makuha ang loob ng mga kababaihan, walang hindi nakatiis sa taglay nitong halina.
Pagkatapos ng maikling pagpuri at pagtingin sa sarili, dali dali itong pumasok sa banyo at naglinis ng kanyang katawan. Sinepilyo nito ang pantay mapuputi at kumpleto nitong ngipin at sandaling naghilamos.
Pagkalabas ng banyo ay dumiretso na ito sa kanyang closet at may nakahanda na roon isang suit na sa isip niya na ang kanyang manager ang may dala, at nagustuhan nya ang design at style nito. Malaki ang sense nito sa fashion at mahilig sa mga trending at eleganteng styles.

Palabas na sana ng pintuan ang binata nang tumambad sakanya ang isang dalagang naka itim na pantulog pa.

Nakangiti ang dalaga kaya't napangiti na rin ang binata bilang sukli. Mission Accomplished! wika ng binata sa isip. Eto lamang ang hinihintay nya upang masiguro na nabigyan nya ng masayang gabi ang dalaga.

Akmang hahalikan ng dalaga ang binata ngunit pinigil sya nito gamit ang kanyang daliri.

"Sorry, pero di ko gustong makipaghalikan after a one night stand." pabulong nitong sambit sa tenga ng dalaga at bahagyang tumawa at lalabas na sana ng kwarto nang hawakan sya sa braso ng dalaga.

"Where the hell are you going?, hindi moko pwede iwan nalang basta matapos lahat." nagtitimpi nitong sabi.

Inayos ng binata ang nagusot niyang damit at tinitigan sa mata ang halos maiyak na, na dalaga.

"I already gave you the best sex youve ever had, isnt it embarrassing to ask for more from me?" ngumiti itong muli naparang nang iinsulto na mas lalong nakapagpainis sa dalaga sabay lakad palabas ng kwartong pinagsaluhan nila ng dalaga ilang oras palang ang nakalipas at muling pinigil ng dalaga sa kanyang paglabas sa pamamagitan ng pagharang nito sa kanyang daraanan.

"Kung yan ang gusto mo pero pwede bang makuha ang number mo? atleast may contact tayo sa isat isa?" pilit nitong pagpapakalma sa sarili at pagkumbinsi sa binata.

"What for? I do not date same woman twice, I dont think na kaylangan pa natin ng contact sa isat isa" seryoso nitong tugon at marahang tinabig ang dalaga.

Tuluyang naiwang gulat at nagtataka ang babae dahil sa asal ng binata.
Nasan na ang gentleman at mabait na lalaking nakasiping nya kagabi lamang. Galit nyang itinapon ang mga bagay na mahawakan niya sa silid.

Rinig na rinig naman ng binata ang mga mura at tunog ng mga basag na gamit na likha ng dalaga ngunit wala siyang pakealam, sanay na ito sa mga ganitong eksena sa gabi gabing niyang pagpalit palit ng mga babae.

Eksaktong pagbaba niya ay nagring ang kanyang telepono, gaya ng kanyang inaasahan, ang kanyang ina ang nasa kabilang linya.

"Hello, Mom.." malambing at masaya niyang bati sa ina.

"Mom your face! Nasan ka na ha? I told you na umuwi kagabi pero di ka dumating.. tell me where are you?" halos makagat nya ang dila dahil sa gigil sa kanyang anak at alalang alala sya dito.

"Hey calm dow---" nang putulin sya ng isa nanamang tanong ng kanyang ina

"Did you spend the night with another nobody again?!" nang iinsulto nitong tanong sa binata sa kabilang linya.

Tuluyang nawala na sa mood ang binata dahil sa mapang insultong tanong nga kanyang ina.

"Dont call them nobody mom, tao rin sila just like us" tugon ng binata.

"Oh look who's talking? Do you even remember kung anong pangalan ng mga babaeng nakakasama mo bawat gabi?." sabay bahagyang tumawa na lalong mas nakapagpainis sa binata.

"Mom??!! what the fuck are yo--"

"Just go home, bukas na ang second appointment mo, Kaylangan natin maagapan yan, Please Vice kahit ngayon lang sundin mo naman ako.." may tampong sabi ng kanyang ina at binaba na ang telepono.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ng binata.

HI THIS IS MY FIRST (and last jk) STORY, thanks for reading!!!

FLUKE (ViceJack)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon