Chapter 3

275 8 12
                                    


Jaki opened her eyes after a while, matinding pagsakit ng kanyang ulo ang agad ang kanyang naramdaman matapos muling magkamalay. Nananakit ang kanyang buong katawan na tila niyanig nang paulit ulit. Sandaling hinimas ng dalaga ang kanyang sintido upang maibsan ang sakit na iniinda subalit hindi rin ito nakatulong.

Nakaramdam si Jaki ng pag agos mula sa kanyang kanang kamay, dahil sa nanlalabo pa nitong paningin ay sadaling iniyuko ang ulo at ipinikit ang kanyang mga mata. Nang may maaninag na ang dalaga ay pilit nitong inalala ang mga pangyayari.

,,"D-du...go?.." mautal utal na sabi nito
Nagtaka ang dalaga dahil sa napansin nitong tila nakabaligtag ang lahat ng bagay sa paligid niya. What the hell...
Nabigla ito nang madiskubreng siya pala ang nasa di ayos na posisyon. Nakabaligtad ang kotseng kaninang sinasakyan nila at ang umaagos na dugo ay nagmumula sa natamo nitong sugat sa kanyang ulo. Nasa loob parin ito ng sasakyan, naka seatbelt parin ang dalaga.

Sirang sira ang sasakyang kanilang sinasakyan dahil sa matinding pagbangga nito sa isang malaking puno matapos mahulog mula sa tamang linya ng daanan.
Nanghina ang dalaga matapos muling maalala ang nangyari bago ang aksidente.

Pauwi na sana sila ng kanyang kasintahan matapos ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Magkasabay silang naghhum sabay sa tono ng awit na nagpplay sa radio. Kinabahan ito nang mapagtanto niyang katabi niya ang kanyang nobyo bago ang insidente. Inilibot ng dalaga ang kanyang paningin.
Nasa kanyang tabi ang pinakamamahal nyang nobyo, nakaseatbelt parin ang binata at ang mga braso nito ay pirmeng nakayakap sa dalaga, wala itong malay at may dugong umaagos mula sa kanyang bibig.

"M..ahal?.." nanginginig na pagtawag ni jaki sa nobyo.

Pilit na niyakap at pinakiramdaman ng dalaga ang walang malay na binata. Nabigla ito dahil sa malamig nitong katawan. Naisip niyang isang bagay lamang ang ibig sabihin pag ganito na ang kalagayan ng isang tao.

"Hindi...di pwede..." muling niyakap ng dalaga ang nobyo at pilit niya itong ginising. Matapos ang ilang minutong pagtapik at pagpisil sa ilang bahagi ng katawan ng binata ay isang amoy ang kumuha ng kanyang atensyon...

Petrolyo. Mabilisang kumalat sa paligid ang malakas na amoy nito dahil sa malaking pagtagas mula mismo sa kanilang sasakyan. Nagpanic ang dalaga, hindi niya malaman ang unang gagawin kaya't dali dali syang akmang tatayo nang dumiin sa braso nito ang isang basag na salamin mula sa sasakyan.
Dahil sa sakit isang malakas na pag iyak ang pinakawalan ng dalaga. Mga hikbing walang ibang nakakarinig dahil sa nasa liblib silang bahagi ng gubat at malayo sa bayan.

Hinila ng dalaga ang katawan ng nobyo at napagtantong may pulso pa ito. Nahirapan siyang mailabas ang binata dahil di hamak na mas malaki ito sakanya.
Patuloy parin ang pagkalat ng tumagas na petrolyo sa paligid, patindi ng patindi ang nakakasulasok na amoy sa loob ng kanilang sasakyan.

Madaliang dumampot ang dalaga ng isang basag na salamin upang putulin ang seatbelt na nakakabit sa nobyo. May iniinda mang sakit at mga sugat sa katawan ay pinilit nitong makalabas kasama ang nobyo bago pa sumabog ang sasakyan.

********
Sa isang sikat at prestihiyosong hospital sa Maynila, nakataas ang alarma rito dahil sa tatlong katao na biktima ng aksidente. Maraming doctor at nurse ang nagsasalimbayan matapos matanggap ang tawag mula sa mga sumaklolo sa tatlo.
Ang pinakamahusay at may pinakamataas na posisyon sa nasabing hospital ay nakaabang na para sa biktimang nagngangalang Viceral. Kilalang kilala ang pangalan nito, bukod sa halos araw araw nitong check up na isinasagawa sa mga pinaka pribadong kwarto ay kilalang kilala din sila sa kanilang yaman, kapangyarihan at mga di mabilang na koneksyon sa ibat ibang matataas na tao sa lipunan. Kayang kaya nitong sirain ang reputasyon ng kanilang hospital kung may mangyaring masama sa nasabing pasyente.
Marinig lamang ng mga tauhan sa hospital ang apelyido ng kanyang ina ay tila nanginginig na sila sa takot kaya't kaylangan pa nilang humugot ng lakas ng loob upang ipaalam dito ang nangyaring aksidente sa anak.

FLUKE (ViceJack)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon