Chapter 2

391 9 10
                                    

• Sorry kung may errors, pogi lang di perpek.


Matapos makasakay sa kanyang kotse ay si Vice naman ang unang tumawag sakanyang ina. Naiinis man ay alam nyang sya rin ang may kasalanan at nag aalala lamang sakanya ang ina.

Niring nito ang telepono na agad rin namang sinagot ng nasa kabilang linya,
"Why..." malamig nitong tanong sa anak.

"Mom.. I-m sorry..." halos pabulong na sabit ni Vice.

Hindi naman na nagdamdam ang ina dahil mahal na mahal nito ang nag iisa nilang anak, halos buong buhay niyang pinagpapasalamat ang pagdating ng halos perpekto nilang supling ng kanyang asawa.

"Did you take your medicine this morning?."

"Ye..ah." it was a lie, sawa na si vice sa mga ganitong bagay, paulit ulit na gamot, check ups at kung ano ano pang makakapag paayos sa kanyang kalagayan.

Simula noong bata pa lamang sya ay may abnormal nang kondisyon ang kanyang  puso, pabalik balik sya sa hospital at palaging binabantayan ng kanyang mga magulang.
Ngayong 22 years old na sya ay nais na nyang mabuhay bilang isang normal at walang iniindang sakit sa katawan. Gusto nyang maranasang pumarty, magtravel at kung ano ano pang kadalasang ginagawa mg normal na kabataan ngayon.

Matapos ang ilang minutong pakikipag usap ay dumiretso na ito sa kanilang kompanya kung saan ang kanyang ama ang CEO. Si Vice ang nakatakdang hahalili sa ama di dahil sa sya lamang ang nag iisang anak nito, dahil na rin sa pagiging matalino, confident na parang ipinanganak na bilang maging leader.

********

Samantala, tumatama  ang sinag ng araw sa isa ring kwarto ngunit di gaya ng nauna ay mumurahin at maliit lamang ito, mayroong kama na eksakto lang para sa dalawang tao, ngunit may komportable ring higaan.
Dumilat ang mga mata ng isang dalaga, may mapusyaw na kulay tsokolate ito at aakalaing mong nagpapaawa kung titignan.
Automatikong napangiti ang dalaga dahil tumambad sakanya ang kanyang nobyo na nakaupo sa kanyang tabi na kanina pa siya pinagmamasdan sakanyang pagtulog.

"Goodmorningg, mahal." masayang bati nito at nagbigay ng isang matamis na ngiti na kitang kita ang dalawa nitong dimples na mas lalong nagpaganda sa kanya.

Isang mabilis ngunit matamis na halik naman ang ibinigay ng binata sa kasintahan.
Tumayo ang binata at kinuha ang kanyang pinag ipunang bilin para sa kanyang nobya para sa kanyang espesyal na araw.

"Happy Birthdaay, Mahaal!!.." Make a wish mahal.." excited na sabi ng binata.

Naluluha naman ang dalaga sa tuwa dahil hindi niya ito inasahan.

Alam nyang nag effort talaga ang kanyang nobyo upang mabili lamang ang paborito nitong flavor ng cake.
Hindi man sila ganun kahirap ngunit sakto lamang ang kanilang parehong kinikita sa kani kanilang trabaho.

Dahil sa walang kalagyang kasiyahan ay nawalan ito ng sasabihin kaya't isang mahigpit na yakap nalamang ang kanyang ibigay sa nobyo.

Agad din namang tinugunan ng binata ang yakap ng dalaga sabay halik sa noo nito.

"Thank you, Mahal... di mo naman kaylangan ng ganito e, magkasama lang tayo okay nako..." malambing na pahayag ng dalaga.

"Pero espesyal na araw to mahal, espesyal na araw ng pinaka espesyal na tao sa buhay ko..."  sabay ngiti ng binata at hinalikan ang kamay ng nobya.

Dahil na rin sa bugso ng masayang damdamin unti unting naglapit ang dalawa at naglapat ang kanilang mga labi. Dahan dahan ang bawat galaw na tila sumasabay sa tibok ng kanilang mga puso, hindi naman nagtagal ay sabay ring bumitaw ang dalawa sa halik at nagpalitan ng matatamis na ngiti sa isat isa.

FLUKE (ViceJack)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon