Chapter 1

125 14 4
                                    


Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto... Kwarto ni Nathaniel.

Bumukas ang pinto at iniluwal non si Thaniel na may dala dalang maliit na palanggana at towel.

"Hey, gising ka na." May ngiting naka ukit sa mga labi nya.

"Ay hindi. Hindi pa ako gising" Puno ng sarkastimo ang tono ko.

He pouted. Anuba Thaniel!?

"Stop being sarcastic, babe." He rolled his eyes at me. Cute

"Stop rolling your eyes, too. Mukha ka kasing bakla." Inirapan ko din sya.

"Sa pag kaka alala ko, sabi mo, cute at mas nakaka attract ang mga bakla." Inilapag nya ang palanggana sa side table nya atsaka sya umupo sa gilid ng kama.

I nodded.

Why!? Gays are really cute for me. Pero, mas cute yung mga lalaking mag ba-bakla-bakla-an just to make their girls happy.

"Maiba nga ako, babe, nahihilo ka pa ba?" Alam kong nag aalala sya, halata sa tono ng boses nya. I shook my head.

"Hindi na." Medyo nalang.

"Sigurado?" He cocked a brow.

"Yep?"

"Siguradong sigurado?" Mas lalong umarko ang kilay nya.

"Oo nga!" Inirapan ko sya. Tignan mo to! Nag tatanong tanong tas pag sinagot, ayaw maniwala. Hmp!!

"Iniisip ko, bat ka kaya dinugo ng ilong?"

"Hmp! Hayaan mo na yun, mainit kasi kanina diba? Tirik na tirik kasi yu--" He cut my words.

"Kailangan bang mahimatay pati?" Oo nga naman. Dati naman, dumudugo lang ang ilong ko.

"Hayaan mo na nga." Niyakap ko ang mga braso nya tsaka sumandal sa balikat nya. This position is so comfy. Napabaling ako ng tingin sa dala dala nyang palanggana tsaka sa twalya. "Teka nga, Thaniel, para saan yang mga yan?" Tumuro ako sa dala nya na nasa side table.

"Pupunasan sana kita. but, since gising ka na naman, ikaw nalang mag punas sa sarili mo, babe." Umangat ang tingin ko sa mukha nya. Nakita kong nakatingin sya sa akin ng nakangiti.

I pressed my lips against him. Medyo mahirap dahil mas matankad sya sa akin pero, syempre di nya ako hinayaang mahirapan. Hehe. Yumuko sya ng kaunti tsaka tinugon ang halik ko.

Bago pa lumalim ng sobrang lalim ang halik namin, agad ko na iyong pinutol.

"I love you" I smiled

"I love you too" He smiled at me, too. Aww. Those smiles.

"I love you more, Thaniel." I smirked.

"Oh? I doubt that" He grinned. Then, he kissed me, again.

Agad na humiwalay ako sa kanya ng tumunog ang phone nya. Tinignan nya ako.

"Can you check it for me, Babe?" I smiled because he's trusting me.

"Yah, sure" Kinuha ko ang phone nya na nasa side table din.

From: Tita Rina
Yes, anak. Jan mo na patulugin.
Baka nahihilo pa.

I smiled after reading my mom's text. Anak. Kyut.

"Why you smiling?" Naka kunot na ang noo ni Thaniel ng mag angat ako bg tingin sa kanya.

"Wala lang, ang cute lang pakinggan pag tinatawag ka ni mommy ng 'anak'" I said, chuckling.

Everyday I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon