Chapter 4
=Kathryn’s POV=
“May mogo-mogo po kayo Ate?”
Napatingin naman ako sa left side ko. Mogo-mogo? Favorite niya din siguro yun .Masarap kasi yung Nata de Coco eh.
Napatingin naman ako na mukha nung lalaki.
Ang ganda ng pilik mata niya. Hindi kahabaan pero bumagay sa mata niya. Yung ilong niya napakatangos tapos napadako naman ang tingin ko sa labi niya. Grabi! Ang ganda ng curve tapos may pagka redish. Yung natural yung pagka red niya. Tapos mataas din siya, mga kasing taas din ni Dj.
Di ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya.
“Miss? Are you okay?” tanong niya sakin.
Nabalik naman ako sa sarili nung kina-usap niya ko. Tsk. Napaka epic siguro nung mukha ko kasi medyo natatawa pa siya sa tanong niya. Ehhh ! Nakakahiya! >_< Waaaaaaahhhhh!
“Ahm, y-yes I’m okay. Sorry.” Peste! Nauutal ako.
“No. It’s Okay. By the way, I’m Enrique. Enrique Gil.You can call me QuenJ” Nagsmile sya sakin and inabot niya sakin yung right hand niya.
“I’m Kathryn Chandria Bernardo. You can call me Kath nalang.” Ngumiti ako sa kanya then ngumiti din siya. Grabi yung mga binibitiwan nyang ngiti nakaka laglag panty. HAHAHA. Joke Lang.
“So favorite mo pala yung mogo-mogo?” tanong niya sakin at Naglakad nadin siya pagkatapos niyang makuha yung mogo-mogo niya.
“Isn’t it obvious. Haha. Yeah.”
Narinig ko namang medyo tumawa siya.
“Ahm, Quen, transferee ka diba? Dun ka nalang sa table namin ni Dj. Kung gusto mo lang naman.Hihi” Tanong ko sa kanya. Mukha naman kasing wala pa siyang masyadong kilala dito sa Wilford. Tsaka ang arte naman niya pag hindi niya tinanggap yung offer ko sa kanya na sumama samin. Ako kaya si Kathryn Chandria Bernardo. >:D
“Dj? So that Dj is your boyfriend?” Nabigla naman ako sa tanong niya kaya napatigil ako. Hinarap ko siya.
“Si Deej? No !He’s my bestfriend.Hahaha”
“Ah I thought he’s your boyfriend.” Sabay kamot ng batok niya. Natawa naman ako ng konti.
“No! So come on?” Nagsmile at tumango lang siya sakin. Sheet ! Yung smile niya parang smile ni Dj, pang toothpaste commercial. >_<
Naglakad na kami papunta sa table namin. Yung mga estudyanteng tsismosa nag umpisa nanaman.
“Who is he?”
“Sino?”
“That Hot boy. Yung kasama ni Kathryn?”
“OMG! He’s so cute!”
At ayun , mga ulo nila parang mababali na dahil mukhang hindi naman sila nagbubulungan. Halos sumugaw na sila eh . -___-Tumingin lahat ng nakarinig nun. Including Dj. Nakita ko namang napatingin samin si Dj. Napakunot naman ang noo niya.
“Problema non?” bulong ko naman . Bigla bigla nalang kukunot yung noo. Hayyy .
“Did you say something Kath?”