Chapter 2
=Kathryn’s POV=
Maaga akong gumising ngayon. First time nga eh . Pag may pasok kasi palagi akong late nagigising . Siguro dahil may pupuntahan kami ni Mommy ngayon.
Tiningnan ko yung clock sa desk ko. 9:30 na pala . 10 am yung alis naming ni Mommy . Tapos na din naman akong maligo at inaayos ko nalang sarili ko .
Simple lang naman ang suot ko ngayon . Maong short,Fuschia na Geek shirt at Vanz na Pink . Girly lang diba . Hihihi
Tiningnan ko ulit itsura ko sa salamin at tumayo na para bumaba. Gutom na ko eh . Di ako naka dinner kagabi dahil nakatulog na nga ako.
Pagkababa ko, nakita ko si Mommy pero bakit parang aalis na siya? Suot niya na kasi shoulder bag niya eh .
“Mom, aalis na ba? Sorry po huh nalate ako ng gising . Tara na po.” Sabi ko kay Mommy.
Napansin ko namang Ngumiti si Mommy. Anyare mommy ?
“Baby, Sorry pero hindi ako makakasama sayo ngayon may emergency meeting lang kasi yung company natin. Pero pwedi ka namang pumunta sa Salon at magpa spa ka parin.”
Nalungkot naman ako bigla. Kala ko makakasama ko si Mommy ngayon L
“But mom . Ayokong umalis ng mag isa.” Hindi kasi ako sanay na umaalis ng bahay na walang kasama . Usually kasi kasama ko si Pare. Ehhh ! Bat ba nasali nanaman siya sa usapan? Kabanas lang eh >_<
“Bakit ? Who told you na ikaw lang mag isang aalis? Di naman ako papayag na mapahamak ka BabyJ”
Si mommy talaga . Sobrang thoughtful . She really make me feel na she Loves me so much . Pero ano naman ibig sabihin niya ? Ayy . Slow talaga ako =__=
“What do you mean mom ?
“ Alam mo anak , just go at the kitchen and you’ll find out.” Nakuha pang ngumisi ni Mommy . Naku ! Naguguluhan na ko >_<
“Sige Anak, I have to go. Enjoy J”
Nagbeso lang kami ni Mommy. As she said, pumunta ng ako sa kitchen at nakita ko andaming nakahanda . Wala naman akong natatandaang occasion ngayon ah . September palang ngayon and my birthday will be on January . Kay mommy tapos na nung August . Kay Daddy ? February pa . Bwisit !! Ayokong mag isip.
“Ehhh ! Wala namang occasion ngayon eh. Bat maraming nakahanda?”
“Bakit kailangan bang may occasion para maghanda ng marami?”
0.0
“Ay Butiki ka!”
Putek ! Sino ba kasing nanggugulat na yun.
Napatingin ako sa likod ko . Nakatalikod kasi ako .
“D-Daniel??”
P*ta! Bat b ako nauutal?
“Grabi ka pare pinagluto pa naman kita tapos sasabihan mo lang akong butiki. Masakit yun pare alam mob a? Ouch !” May palagay lagay pa ng kamay sa left chest nya at umaarteng nasasaktan . Natawa naman ako kaso naalala ko naman yung ginawa niya kahapon. Ehhhhh !!!
“Pakialam ko? Ano ginagawa mo dito??” Pagsusungit ko.
“Ganyan na pala ngayon magpasalamat?” Tapos bigla siyang nag pout >3<
Grabi ang cute niya .
Ay hindi hindi . Ano ba Kathryn yang mga iniisip mo?
Erase. Erase
“Edi thank you huh . Thank you talaga.”
Yung pagkasabi ko ng thank you ay yung nang-aasar na tono. Tss. Bat b ako nagagalit sa kanya?
“You’re welcome Pare” Ayan na naman yung smile niyang pagtoothpaste commercial . Ang puputi ng mga ngipin niya .
D*mn! Erase that thought Kathryn.
*BRRRRRRR* (Mahal ang sound effects eh :p)
Napatingin ako sa tyan ko . Gutom na ko . Sino ba namang hindi magugutom , hindi ako nakapag merienda kahapon tapos di rin ako nakakain ng Dinner last night . =__=
“Oh! Gutom ka na pala Pare eh. Haha. Tara na kumain kana.”
Tatanggi pa ba ko? Gutom na ko eh.
Umupo na ko tsaka kumuha ng pagkain.
Ansarap talaga magluto ni Daniel pwedi na siyang maging chef.
Napatigil ako sa pagkain nang marinig ko siyang magsalita.
“Kath, I’m sorry.”
Napatingin naman ako sa kanya at nalaman kong nakatingin din siya sakin . Nagkatinginan kami.
Bakit ganun? Bakit parang merong spark?
Dug.Dug.Dug
Eto nanaman . Naabnormal ang puso ko . Kailangan ko na yatang mag pacheck up -_____-
“Kath, sabi ko sorry . Galit k aba talaga sakin ? Sorry na Pare.” Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko namalanyan bigla nalang akong napangiti.
“ Deej, ako nga dapat humungi ng sorry eh . Masyado akong naging O.A .”
Totoo naman eh . Masyado akong nag Over react.
“ Hindi Kath, dapat di ka naming tinawanan. Di sana di ka magagalit.”
“Ok nga lang yun . Tama na nga ok na yun bati na tayo . “ Then I Smile at him .
Nginitian nya lang din ako tsaka tinuloy na naming yung pagkain .
Para makaalis na din kami. Sabi niya kasi, ininsist nya daw kaya mama na siya nalang yung sasama sakin.
Masaya ako ngayong araw kasi bati na kami ng Bespren ko J Pero bakit ganon? Bakit iba yung nararamdaman ko pagkasama ko siya. Pagkausap ko siya .