Chapter 1
Sunshine
Bakit ba gumigising pa? Mamamatay din naman. Di ko talaga alam kung ano ba talaga purpose ng tao sa mundo. Same shit everyday. Gising, Kain, Do something productive (optional) tapos matutulog. Parang ang Black and White ng buhay. Wala na bang bago? These are my thoughts every morning.
Pinatay ko na ang aircon at bumangon mula sa kama.
"Ember!!! nakapag luto ka na ba?"
Pota Seen. Wala sumasagot. Naunahan ko nanaman yata gumising. Ano ba kasi pinagkakaabalahan non pag gabi at lagi nalang puyat. La namang jowa. Ako na nga magluluto. Pumunta ako sa kusina namin at dumeretso sa ref . Ugh. Katamad mag luto tapos magsasaing pa. So much effort may cereal naman.
"Ember gising naaaaa" sinabi ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto nya.
"Wait lang nagbibihis ako." sagot nya.
"Magdadamit pa, maghuhubad din naman." Ganda ng logic ko noh?
"Ano gusto mo kainin?"
"Kahit ano basta ikaw magluto."
Yan nga pala si Ember. Siya lang kasama ko sa bahay na to araw araw mula nung mag grade 5 ako at nagpunta ng Canada mga parents ko. Na adopt namen siya nung grade 1 ako. We were born only 2 months away from each other. Yun nakalagay sa birth certificate nya na walang nakalagay na apelido. Idk why pero i never ask. Natatakot ako baka mahurt siya pag nagtanong ako about sa family nya.
"Naunahan nanaman kita gumising" Sabi ko sakanya habang nagbebreakfast
"Sorry na, Di ako makatulog lagi, Di ko alam kung bakit." Aniya
Kaya kami lagi late pag may klase e. Lagi kami wala pag first period sa klase. Yamuna, Di naman yon major subject. Di ko kailangan ng ESP. Alam ko naman kung ano ang tama saka mali. Ganon lang naman yon diba?
"San ka ba natuto magluto?" Tanong ko kay ember, hoping na makapag start ng conversation tungkol sa kanyang nakaraan.
"Alam mo Blaire, Mommy mo lang nagturo saken. Sabi nya dapat daw katulad ng style nya kasi ganun daw gusto mo." Reply nya
Well hindi yon inaasahan kong answer pero i guess she was just telling the truth. Biruin mo kasi. 5 years na kami magkasama sa bahay na to tapos di ko parin alam storya ng buhay nya. Basta alam ko kinuha sya ni mama kasi ayaw ni mama na magisa lang ako sa buhay. Wala nga pala ko kapatid skl.
Pero still. Sana one day magka heart to heart talk kami kasi feel ko na madami sya gusto ilabas na damdamin about sa parents nya. Ikaw banaman kasi iwan sa orphanage habang bata ka pa.
I see Ember as my Twin sister. Kahit na kinuha lang sya ni mommy para gawin na parang kasambahay. Ew. I hate that word. pakiramdam ko na tuwing may nagsasabi non feel ko ang yabang yabang nya.
I dont want anyone calling ember that word. She is special to me kahit ganon lang tingin sakanya ng iba. She's the closest i've ever had to a Sister or a sibling.
I made sure na nobody knew that she was adopted and isn't my real sister. I even told people na nauna sya mag start ng school kaya kami same grade level. Surprisingly lahat naniwala.
She's Kind. Sobrang bait nyang tao. Ang Ganda din nya pero mas matangkad ako siguro ng mga 5 inches. She has her Long Hair that's always ponytailed.
Our classmates think of us as 2 sisters na independent at kaya ang sarili kahit sino lumaban. Even though mom thinks of her as our (K Word).
"Nagtanong mommy mo kung ano gusto mong phone. Magpapadala daw sya ng pambili since sinagot mo naman daw ung pambili mo ng school supplies and uniform." sabi nya sakin
"Kahit ano okay lang. Basta nagagamit. di naman ako maarte. Ikaw ba pano gamit mo?"
"May padala din sila para don." sabi nya. "Di kita maintindihan minsan haha. You have it all. May pera ka, sikat ka tapos ang ganda mo pa. Pero bakit feel mo na ordinary parin buhay mo."
Pinagisipan ko ng mabuti sasabihin ko. Sasabihin ko sana na I Don't have my parents then naalala ko si ember nga pala kausap ko. Baka ma feel nya na niloloko ko sya. Madami nga nagsasabi na swerte ko sa buhay pero para sakin normal lang naman. Maybe because eto ung buhay na nakasanayan ko diba?
"Pakiramdam ko kasi may kulang parin sa buhay ko."
"Ano naman sa tingin mo kulang?"
"Di ko alam. My life has no color. Black and White lang."
"Try mo kasi lumabas ng kwarto para ma enjoy mo naman buhay. Lagi ka naka kulong. Namimiss ko na nung bata tayo. Lagi ka masaya. Lagi tayo naglalaro sa labas..... I miss the old Blaire. Ano ba nangyare sayo?" Malungkot nyang sabi
"Di ko din alam"
Di ko din talaga alam. Dati ako ung lagi naka ngiti kahit wala naman nangyayare. May nangyare sakin. May nagbago sakin. Di ko alam kung ano pero okay lang naman saken kung ano ko ngayon. Siguro ganon talaga habang tumatanda.
I love to hate my life and everything about it.
Maybe pag dumating ung kung ano man ung kulang sa buhay ko. I'll be Happy again.
Anyway
Inubos ko na pagkain ko tapos bumalik sa kwarto. Hayyy. Isang buong araw nanaman ako nakahiga tapos wala ginagawa kundi mag cellphone tapos manood ng TV. As if i have anything better to do. Life is so boring and i hate it!
Buong bakasyon na ako ganito! Nakakulong sa kwarto, pabrowse browse lang sa social media. Wala naman special sa buhay ko. Simple lang. Ordinary na tao, Ordinary na Buhay and Ordinary na Storya. Well Atleast ganon tingin ko sa buhay ko.
Btw I'm Leia Blaire Dizon. Nice to meet you.