Umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng gamit tsaka ng susuotin ko bukas. Kinakabahan talaga ako :( Kung pwede lang mag back out e. Kaso dagdag grade rin yun. Sayang naman diba?
"Nag paalam ka na sa mame mo dang?"Nandito kami ni Genei ngayon sa bahay. Actually paalis na kame!
"Opo. Sige ate inday a? Ikaw na bahala dito!"
"Sege engat ka dang a? Engatan mo yan Gene" Tumango nalang si Genei sa kanya at ngumiti. Si ate inday talaga Imbento nang pangalan lagi! Minsan di ko alam kung sinong tinatawag e.
"Bye. Ate inday!" Ngumiti nalang kami at lumabas na ng pinto.
~~~~~
"Ate bea!!" sigaw yan ni princess pag pasok namin ng gate nila. Grabeng bata ito namiss ako? Tumakbo naman sya sakin at binuhat ko.
"Hello princess! Na-miss kita" Sabay kiss sa cheeks nya. Ang cute netong batang to. Nakaka gigil!
"Ate bea your still beautiful. As always!" Sabay ngiti sakin. Grabeng bata to a? Nako isang bola pa na maganda ako maniniwala na talaga ako. Hahaha.
"Thank you sweettie! But your prettier than me." Kiniss ko uli sya sa cheeks at binaba dahil buhat ko sya.
"Enough na princess balik ka na kay yaya okay?" Sabi sa kanya ni Genei na mukang naiinis na sa kadaldalan ng kapatid nya.
"But? Ate I want to bake with ate Bea. I thought she's a good baker. Right ate bea?" Napuri nanaman ako neto :)) Tama na princess. Napapaniwala ko na sarili ko na almost perfect ako! Hahah. Joke xD
"Hahaha" Tumawa nalang ako. Kase naman to e. Masyadong mapag puri.
"Later na okay? We fix our things lang"
"Okay ate." Sabay takbo papunta dun sa may playground nila sa sa garden.
~~~~~
Nandito kame ngayon sa kwarto ni Genei. Nag liligpit ako ng gamit ko! Mamaya mag rereview na rin ako para bukas.
"Ahm. Genei can you tell me more about Zijan?" kumportable nako na mag open kay genei tungkol kay Zijan. May tiwala naman ako sa kanya e.
"About Zijan? Well, alam mo bang may pobia yan sa dark? Ayaw nyan sa madilim na lugar! Sobrang takot sya. One time nung bata kami nahulog sya sa may balon na walang tubig. Dun nag simula ang pobia nya"
"Ah. E yung mga hobbies, dislike and like nya?"
"He like playing basketball and badminton. Tuwing saturday pumupunta kami ng freedom park para mag badminton. Like nya? Song, magaling sya kumanta kaso bibihira lang talaga. Dislike? Onion, ayaw nya ng onion kase naiiyak daw sya"Pareho kami sa hobbies. I like pkaying badminton too!
"Diba captain ball sya sa varsity?"
"Yes!"
"Ah. Sobrang close ba kayo ni Zijan?"
"Sakto lang. Teka ano ba? Puro Zijan nalang?" Sorry. Interisado lang talaga ako sa kanya ^_____^
"Anong puro sakin?" Nagulat naman kami ng may nag salita sa may pinto banda. Naku! Si Zijan O.o Narinig nya ba lahat? Anong sasabihin ko? Baka malaman nya. Tss. Ano ba! ;3
Kasalukuyang naka tayo si Zijan sa may pinto at mukang gulat na gulat ng marinig ang pangalan nya. Anong sasabihin ko/namin? Wag naman sanang sabihin ni Genei.
"Ahm. W-wala ano kase e." Ramdam kong kinakabahan si genei habang nag sasalita. Nauutal na rin sya!
"Hahaha. Never mind it! Oh nandyan ka pala bea?" Buti naman naka ligtas na kami! :)) Kinabahan ako sobra.
"Ah. O-oo e! Nag papaturo kase ako kay Genei about sa i-lelesson natin bukas"
"Ah. E bakit di nalang tayo ang mag tulungan? Tutal partner naman tayo diba?"
"Yes! Your right cous, kayo nalang mag tulungan. Kase may gagawin pa ako e. Bye!" Lumabas agad si Genei ng kwarto nya. Alam kong sinadya ni Genei yun! Eto talagang babaeng to.
"Ahm. Bea pwedeng sa garden nalang tayo mag review para naman presko diba?" Presko? Ang lakas kaya ng Aircon dito -_-
"Ah. Sige ba!"
~~~~~
Nasa garden kami ngayon, kakatapos lang kase namin sa duguang review. Kasama ko si Genei, princess, kuya Josh at Zijan. Si kuya josh nga pala yung kuya ni Zijan! Katabi lang pala ng bahay nila Genei yung bahay nila Zijan. Nag tatawanan at kumakain kami dito.
"Ate bea? Ang cute ng eyes mo." Yan nanaman si princess. Binobola nanaman ako ng batang to!
"Ate bea ang cute ng eyes mo!" Inulit naman ni kuya josh yung sinabi ni princess at nag papatawa. Si princess naman naiinis kay kuya josh.
"Hahahaha." Tawa nalang ako ng tawa sa mga pinag gagagawa nila.
"Hm. Bea di ka pa ba uuwi? Gabi na a? Baka hanapin ka sa inyo. Gusto mo hatid na kita" Sumingit naman si Zijan na mukang seryoso ang muka.
"Zijan, kalma! Dito matutulog yan si bea. At alam ng mommy nya" Sabi ni Genei na nakakatawa yung muka. Pano ang OA.
"Ah. Nag aalala lang ako! Gabi na kase e"
"Tol. Concern? Hahaha. Ikaw a?" Mukang tanga si kuya josh. Baka mamaya mahalata ni Zijan yari ako ;3
"Sa loob na tayo. Malamok dito e" Pag rereklamo ni Genei habang nag kakamot sa paa.
"Ate movie marathon nalang tayo!" Pang aaya ni princess at sinang ayunan naman naming lahat.
"Sige pasok na kayo. Dito muna ako sa labas!" Medyo matamlay ako ngayon e. Gusto ko muna mapag isa! Di ko ren alam kung bakit.
~~~~~
Nandito ako ngayon sa may playgroud nila sa garden. Naka upo lang sa swing! Nang may na recieve akong message na qoutes galing sa BestFriend ko na si mariel. Hindi ko sya classmate but she still my bestfriend.
SmsBy: Mariel
Minsan sumasaya ka sa mga simpleng way na ginagawa nya.
Pero sana wag kang umasa, dahil habang nag eexpect ka sa kanya,
sya patay malisya! ~BadEvening. Dapat hindi ako masyado nag
Assume! Ang sakit sakit. Malay ko bang mabait lang talaga sya :(
#DontAssume
Bigla akong napaisip sa mga sinabi nya sa Gm nya. Oo nga no? Dapat di ako ganito. Sumasaya nga ako sa mga ginagawa nya pero? Sa kanya baliwala lang yun. Simpleng word nya lalagyan ko ng meaning. I Assume in simple way! But now? I realize, dapat di ako ganun ka OA. Well? I change it.
Habang nag iisip ako sa gagawin kong pag pipigil sa pag A-assume napatingin naman ako dahil may umupo sa kabilang swing. Si Zijan lang pala. Bakit sya nandito?
Hi Guys :)) Thank you for reading. Sorry kung medyo bored! Basta wait nyo mga UD ko. Pag hahandaan ko yun! Vote and comment po. Godbless <3