Kahit Kunwari

807 34 2
                                    

Nasa harapan ako ngayon ng aming eskwelahan at talaga namang kinakabahan ako dahil sa nangyare kahapon. Sa totoo lang, ayaw ko sanang pumasok ngayon pero kailangan kasi may exam kami at wala akong choice kundi ang harapin kung ano mang mangyayare ngayon.

Tinakip ko nalang sa mukha ko ang librong hawak ko at nakayukong naglakad papunta sa room.

Nagulat nalang ako nang biglang may humablot sa kamay ko at nakita si Mika. "Tara na! Okay lang yan."

"Pero..."

"WALA KAYONG PAKI-ELAM!" Sigaw ni Mika na talaga namang nagpatigil sa lahat ng taong nagbubulungan at alam kong ako ang pinag-uusapan.

Nagpatuloy kami sa paglakad pero napatigil siya nang sabihin kong, "mag-transfer nalang kaya ako?"

Tumitig siya sakin at binigyan ako ng masamang tingin. "Magtigil ka Chester! Sasampalin kita."

At dahil dun, hindi na ko nagsalita.

Pagdating namin sa room ay napatigil ang mga kaklase ko at napatingin samin.

"O ano?! Huhusgahan niyo din siya?" Atungal ni Mika.

Napakapit naman ako ng mahigpit sa braso niya at umiling. Habang sinasabi mula sa aking tingin na 'wag niya na kong intindihin.

Dumiretso na kami sa kanya kanya naming upuan at nagpatuloy nalang ako sa aking pagre-review.

Napansin ko nalang na parang huminto ang oras at napatingin silang lahat sa pintuan at dahil dun ay tumingin din ako.

Agad na nagtama ang aming mga mata.

Mukhang hindi nakatulog ng maayus si Tj at halata ang namamaga niyang mga mata at ang eyebags niya.

Agad akong umiwas.

Baka nag-away sila ni Angeline dahil sakin.

Natatakot ako na ako ang pagbuntunan niya at mabugbog ako bigla.

Shit.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sobrang kinakabahan ako.

Jusko.

Naramdaman ko nalang ang presenya niya sa gilid ko.

Susuntukin ba niya ko?

Pagsinuntok niya ko, aba! Susuntukin ko din siya.

Dahan dahan akong napatingin sa kanya. Nakikiusap ang kanyang mga mata.

"Chest..." mahinahon ang boses niya. "I'm sorry." At tsaka niya ako tinalikuran para pumunta sa upuan niya. Naiwan naman akong nagtatanong sa aking sarili. Anong nangyayare?

-

Pauwi na ko nang matanaw ko ang likuran ni Tj.

Gusto sana siyang tanungin pero wala akong sapat na lakas ng loob para gawin yun.

Napatalikod naman ako nang bigla siyang lumingon sa kinaroroonan ko.

Hala?! Anong gagawin ko? Baka nakita niya ko. Napasapo talaga ako sa noo ko. Nakaka-stress.

Nawindang ako nang humarap ako dahil nasa harapan ko na si Tj ngayon.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kame pero hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Nakatitig lang ako sa magkahawak naming kamay at napapangiti talaga ako.

Dumiretso kami sa library at tinungo ang dulong shelves kung saan wala ng tao.

Nanlaki ang mata ko nang sunggaban niya ako ng halik sa aking labi.

Sumabay lang ako sa paggalaw ng kanyang labi dahil first time kong mahalikan.

Para akong sinampal ng saya at gusto kong maiyak.

Tinitigan niya ako sa aking mga mata at sinabing, "gusto kong malaman mo na minsan sa buhay ko ay nahulog din ako sayo pero hindi ito ang gusto ko. Ayoko ng kumplikado Chester pero para sayo... kakapit ako."

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Mahal na mahal kita Tj, kung alam mo lang."

Muli niya kong hinalikan at sinabing, "mahal na mahal din kita."

Nalaman ko na kaya pala namumugto ang kanyang mga mata at kaya hindi siya nakatulog nang maayus ay dahil iniisip niya ako. Ang kahahantungan namin kung susundin namin ang aming mga puso.

Break na sila ni Angeline pero hindi pa siya handang ipangalandakan sa mundo ang nararamdaman niya kaya nirespeto ko yun at makukuntento nalang ako sa kahit kunwari na relasyon namin na itatago namin bilang pagiging matalik na kaibigan.

Sa ngayon, wala na akong mahihiling pa.

Masaya na ko sa buhay ko at kuntento na ko.

Masaya naman para samin si Mika at suportado niya naman ang tagong relasyon namin ni Tj.

Mahirap kalaban ang nakasanayan nating mundo na ang Lalaki ay para lamang sa Babae pero sa sarili naming mundo ni Tj, hindi na mahalaga yun. Masaya naman kami at hindi naman kailangan malaman ng mundo ang tungkol samin.

Ika nga nila, ang relasyon maraming nakakaalam, for sure maraming mangingi-elam.

End.

Please Vote and Share.

Thanks! 💕

#137 (05-06-2018)

Sa isang Sulok ng Mundo IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon