Adopted

2.4K 62 5
                                    

Part 4

Simula ng pangyayaring yun ay umiwas na ko kay Seig. Don't get me wrong hindi ako galit sa kanya, galit ako sa Mama niya at para iwas gulo ay umiiwas nalang ako.

"Anong problema?" Tanong niya.

Ewan ko ba pero napaiyak ako bigla at tumakbo sa lugar kung saan walang makakakita sakin sa school na to.

Naramdam ako ng paghawak sa braso ko at siya ang nakita ko. "Pwede ba Seig? Tigilan mo na ko. Pakiusap lang, 'wag mo na ulit akong lalapitan, kakausapin o tatawagin lalo na kung hindi naman tungkol sa Academics." Masakit para sakin na magsisimula ang semester na ito ng ganito ang nangyayare sa pagitan namin.

Pinahid niya ang luha sa pisngi ko gamit ang daliri niya at tumitig sa mata ko pero iniwas ko ito at tinabig ang kamay niya. "Okay naman tayo diba?"

"Ayaw na kitang maging kaibigan. Nagpapalipat narin ako ng dorm."

Nagsimula ng umagos ang luha niya. "Ba-bakit?"

"Ayaw ko na sanang magkaroon ng kahit anong koneksyon o kaugnayan sayo."

Bigla niya kong niyakap ng mahigpit. "Lorvin naman eh! Huwag naman ganito."

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya. "Mahal na mahal ko ang parents ko Seig at ayoko sa lahat yung nakakarinig ng insulto o kung ano pa mang makakasakit sa damdamin nila dahil nadudurog ako. Sila ang buhay ko at hinding hindi ako gagawa ng dahilan para masaktan sila ng kahit na sino!" Bago pa man siya magsalita ay umalis na ko dahil lalo lang bumibigat yung nararamdaman ko.

🍏

Nakatingin lang ako sa bintana. Katatapos ko lang ilagay sa kahon ang mga gamit ko dahil maya maya ay lilipat na ko ng dorm. Alam ko namang mamayang alas syete pa ang tapos ng last class ni Seig kaya naisipan ko munang tawagan sila Papa. "Pa, gusto kong lumipat ng school. Nahihirapan ako tuwing nakikita ko si Seig. Palagi kong naiisip yung sinabi ng Mama niya at hanggang ngayon, nasasaktan parin ako." Napahagulgol na ko. Sa mga oras na to, gusto kong yakapin sila Papa.

Napatingin ako ng biglang bumukas ang pinto at napatigil ng makita ko si Seig.

"Tuloy na tuloy kana pala. Wala kabang balak magpaalam muna sakin?" Tumingala siya at halatang nagpipigil ng luha.

Napayuko nalang ako at napaiyak.

"Ano Lorvin?! Ganun ganun nalang yun, iiwan mo nalang ako bigla pagkatapos mo ko sanayin na laging nasa tabi kita?" Nakatayo na siya sa harap ko at niyugyog ang magkabilang balikat ko. "Tang ina naman eh. Hindi mo man lang iko-consider yung nararamdaman ko?"

"Mga bata pa naman tayo Seig. Siguro, sa ngayon dapat yung studies muna natin yung iniisip natin. Im sorry." Tumayo na ko at lalabas na sana ng kwartong ito pero hinatak niya ako at hinalikan.

"Mahal kita Lorvin."

"Mahal din naman kita eh." Nagulat ako sa nasabi ko. Nakalimutang kong gamitin ang utak ko at inunahan ako ng nararamdaman ko.

"Mahal mo din pala ako eh, bakit hindi natin subukan?"

"Magiging kumplikado lang ang lahat."

"Masyado mo kasing mga negatibo yung iniisip mo. Nakakalimutan mo na yung happiness na dapat hindi mo pinagkakait sa sarili mo." Tumusok sakin ang mga salita niyang yun. Ganun ba talaga ako? Pessimistic? Siguro nga.

"Pero paano ang Mama mo?"

"Tutulungan mo naman ako diba? Kaya natin to. Huwag ka munang sumuko."

"Natatakot kase ako na baka hindi mag-work 'to." Napahagulgol na ko.

"Ano kaba?! Wag ka ngang mag isip ng ganyan. Tignan mo yung parents mo, diba nag-work naman. It's up to us, kaya dapat maging positibo tayo dahil ito yung magpapasaya satin."

Tama siya. Hindi porke mali para sa iba, it means mali talaga. Minsan mga mga bagay sa mundo na inaakala natin mali dahil naniniwala tayo sa ibang tao. Dapat maniwala tayo sa sarili natin, sa happiness natin.

"Kaya natin to Lorvin! I love you."

"I love you too Seigfried. Thank you."

The end. 💕

Sa isang Sulok ng Mundo IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon