Mataman akong nakamasid sa bawat taong naglalakad sa Ninoy Aquino International Airport habang naghihintay sa waiting area para sa flight ko pabalik sa United States. Hinihintay ko pa rin ang Dad ko. Hindi kasi niya ako naihatid dahil sa urgent meeting niya kaya hahabol na lamang daw siya. Almost half hour pa naman bago ang flight ko. Ito na siguro ang huling pagdalaw ko sa bansa. Nakapagdesisyon na akong sa US nalang tumira kasama ang Mom ko. Besides, may sarili na namang pamilya ang Dad. May mag-aalaga na rin naman sa kanyang pagtanda. Hindi kagaya ng Mom ko. Ako nalang ang palagi nyang kasama at si Jeremy. Kung itatanong nyo kung sino si Jeremy, siya ang matapat na German shepherd na alaga namin. Ilang linggo lang ako dito sa Pilipinas pero namimiss ko na ang alaga ko na yon lalo na ang Mom ko.
“Anak!” Tawag ng isang pamilyar na boses sa akin. Mabilis akong tumingin sa pinagmulan nito at nakita ko ang Daddy na papalapit sa kinauupuan ko. Agad akong ngumiti at tumayo para salubungin sya. “Pasensya na kung hindi kita naihatid kanina.”
“Okay lang Dad,” sabi ko naman. Alam ko na may ibang pamilya na si Dad at tanggap ko na yon dahil mababait naman ang stepmom at stepsister ko. Sila ang naghatid sa akin sa airport in place of Dad. Oo. Tama ang nasa isip nyo. Separated na ang mga magulang ko. Masakit tanggapin noong una pero lumalawak naman ang pang-unawa ko sa pagdaan ng panahon.
“Ilang oras pa bago ang flight mo?”
“Half hour nalang po,” sagot ko naman.
May iniabot na paper bag sa akin ang Dad na nagdulot ng curiosity sa mga mata ko. Inabot ko ito at agad na kinalas ang nakataling pulang ribbon dito upang tingnan ang loob nito. May isang box. Kinuha ko iyon at sinilip ang laman. Agad akong napangiti. Isang box ng cookies.
“Wala sa Massachusetts nyan.” Narinig kong sabi pa ni Dad. “Madalian lang ang paggawa ko nyan. Hindi ako kampante sa lasa kung magugustuhan pa rin ng Mom mo.”
Tumango ako. Tama nga naman siya. Wala sa Massachusetts ng ganoong cookies dahil tanging siya lang ang makagagawa ng mga ito. At sa lasa naman? Alam kong walang problema. Magaling kasi mag-bake ang Daddy. Kakaibang quality ng isang lalaki, hindi ba? Yon siguro ang dahilan kung bakit nahulog ang loob sa kanya ng Mommy. “Thanks Dad.” Muli kong ibinalik ang pagkakatali ng ribbon.
Nakita kong nakatitig sa akin si Dad. May nangingilid na luha sa mga mata niya. Biglang pumasok sa isip ko kung nalulungkot ba siya dahil yon na ang huli naming pagkikita? Nalulungkot ba siya dahil nanghihinayang siya sa pagkakawatak ng pamliya namin? Ilang sandali pa ay nagsalita na siya. “Sa tuwing tumitingin ako sayo, anak… nakikita ko ang Mommy mo. Kamukhang-kamukha mo sya.” Bakas sa boses ni Daddy ang panghihinayang.
Marami nang nagsabi na magkamukha kami ng Mommy. Ang pagkakaiba lang namin ay ang shade ng iris namin. Dark brown ang sakin, sa kanya naman ay light blue. Nagkakamali kayo kung iniisip nyo na half ako. Si Mommy ang half American. Ako siguro, one third lang. Kay Daddy ko siguro namana ang shade noong sakin. Maganda sana kung light blue hindi ba? I suddenly smiled. “Miss ka na rin niya Dad.”
“Wala ka pa rin bang stepdad?” Tanong ni Daddy na ikinagulat ko. Ni minsan kasi hindi naman niya tinatanong ang lovelife ni Mommy.
Agad akong umiling. “Masyadong busy si Mommy sa mga research nya. Isa pa, alam nyo naman na kayo lang ang nasa puso noon,” sagot ko saka pilyang ngumiti kay Daddy. Ramdam ko na mahal pa rin ng Dad ang Mom, but things cannot be undone especially if something untouchable had been utterly damage.
![](https://img.wattpad.com/cover/18547855-288-k20283.jpg)
BINABASA MO ANG
Extrasolar: Espejo de la Tierra [On-Hold]
Science FictionDo you ever wonder what lies beyond our planet Earth? Anong gagawin mo kung napatunayan mo na nag-iexists ang mga alien? Magpapanic ka ba? Matutuwa? Matatakot? O kaya ay magpapa-autograph sa isa sa kanila? Pwede. But what are you supposed to do if y...