Malayo pa lang ako sa bahay namin sa Boston, tanaw ko na ang aso naming si Jeremy. Kahit na napakaaga pa lamang, nakaabang na ito sa may gate at waring may hinihintay. Aaminin kong hanga ako sa aso naming yon, para na siyang tao kung mag-isip. Balik tayo sa bahay, hindi nga pala kalakihan ang bahay namin. Kahit na sabihin pang nagtatrabaho sa isang malaking government agency ang Mom ko mas pinili naming mamuhay ng isang simple at payak na matitirhan lamang. Dalawang palapag lang ang bahay namin. Kung mapapasyal ka sa kahabaan ng Bremington Street, tiyak na makikita mong hindi naman kapansin-pansin ang bahay namin. Mas malaki pa ang mga katabing bahay nito. Pero may isang katangian ang bahay namin na gustong-gusto ko. Ito ay ang napakalawak na hardin sa harapan. Mahilig kasi ang Lolo at Lola ko sa mga halaman. Nga pala. Botanist sila pareho. Kaya siguro nahilig na rin ang Mom ko sa science dahil sa impluwensya niila. At ng pumanaw sina Mr. and Mrs. Jennings — ang dalawa sa pinakamalapit na tao sa buhay ko, sa kaisa-isang anak na nila ibinigay ang bahay na walang iba kundi ang aking ina.
“Stop right here.” Para ko sa driver sabay abot ng bayad ko. Pinagbuksan ako ng driver ng pinto saka ibinaba ang maletang nasa likod na compartment ng taxi. “Thank you, sir.”
Mabilis akong sinalubong ni Jeremy na alam kong tuwang-tuwa ng makita ako. Panay kasi ang galaw ng buntot nya at may patalon-talon pa. Agad kong niyakap ang nakababata kong kapatid. HAHAH. Oo. Kung minsan lalo na kapag nalulungkot ako, nakababatang kapatid na ang turing ko kay Jeremy. Wala naman na kasi akong bunso. Tingin ko nga, nasa lahi na nina Mom ang kakaunting pamilya. Alam nyo ba na noong bata pa lamang ang alaga naming yon, nagkaroon sya ng sakit at kailangan pa namin syang i-bottle feed ng gatas. Ganoon namin sya kamahal ni Mom. Hindi porke aso lamang siya, hindi na nya kailangan ng pagmamahal ng mga kagaya nating may mataas na intellectual capacity.
“Kamusta ka na?” Waring naintindihan naman nito ang tanong ko at agad na kumahol, nagpaikot-ikot sa harap ko. “Binantayan mo ba si Mom?” Kumahol ulit ito at umikot na pabalik naman. Nakakatuwa talaga ang alaga naming iyon.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng tili mula sa loob ng bahay. Agad akong kinabahan. Alam kong si Mom yon. Hindi ko na nakuha ang maleta ko. Mabilis na akong tumakbo papasok sa loob ng bahay namin sa pag-aalalang baka may masamang nangyari na sa Mama ko. Malas pa at hindi ko kaagad mabuksan ang lock ng pintuan. Mahirap kasi talaga buksan ang pintuan namin mula sa labas. “Mom!” Tawag ko. Walang sumasagot. Halata ang pagpapanic sa boses ko. Maging si Jeremy ay kahol ng kahol sa tabi ko. Ano bang nangyari sa Mama ko? Rinig ko talagang may tumili sa loob ng bahay namin. “Mom! Ok ka lang ba?” Kainis naman kasi yong pintuan na yon ang hirap buksan kong hindi ko pa pihitin ng mabuti sabay tulak gamit ang buo kong pwersa hindi ko iyon mabubuksan. Tahimik ang buong kabahayan. Walang kaingay-ingay. “Mom! Nasan ka?” Walang sumasagot. Nasaan si Mom?! Hindi kaya dinukot na siya ng mga alien. Agad ko namang sinabunutan ang sarili ko. Anong alien? Imposible. Hindi lang naman ang Mom ko ang nag-iisang tao na pwedeng madukot ng alien!
Agad akong umakyat papanhik sa hagdanan. Chineck ko ang kwarto nya ngunit walang tao roon at malinis na malinis ang loob. Lalo akong kinakabahan. Ano ba!? Nasaan ang Mom ko? Chineck ko ang bawat kwarto pati kusina at banyo. Wala. Wala roon ang Mom ko. Isa nalang ang pwedeng kinaroroonan nya. Sa basement. Ito ang ginawa niyang personal research lab. Bakit hindi nga ba pumasok kaagad sa isip ko yon? Patakbo akong pumunta sa pinto na maghahatid sa akin sa basement. Nakasunod sa akin si Jeremy. Pagkabukas ko sa pinto ay dali-dali akong bumaba ng hagdan.
“Mom!” Sigaw ko ng makita ang Mom ko na nakaupo sa working table niya kaharap ang tatlong malalaking monitor. Dalawa sa mga ito ay naglalabas ng digital simulation ng outer space at mga planeta sa loob ng Milky Way galaxy. Galing ang mga impormasyon sa NASA at ito rin ang kasalukuyang pinag-aaralan ng Mom ko. Hindi ko pa alam ang buong detalye dahil baguhan palang naman ako sa industriya ng astrobiology at astrochemistry.

BINABASA MO ANG
Extrasolar: Espejo de la Tierra [On-Hold]
Fiksi IlmiahDo you ever wonder what lies beyond our planet Earth? Anong gagawin mo kung napatunayan mo na nag-iexists ang mga alien? Magpapanic ka ba? Matutuwa? Matatakot? O kaya ay magpapa-autograph sa isa sa kanila? Pwede. But what are you supposed to do if y...