Simulan natin sa tulang ito ang pag-kakaiba ng crystal at bato.
kung saan ikaw ang crystal at ako naman ang bato.
parehas lang naman tayong mineral pero bakit ikaw pa din ang hinahanap ng mga tao.
Sabagay masyado na akong normal sa paningin ng mga tao hindi tulad mo.
ang presensya mo'y kakaiba at ang itsura mo ay napakaganda sa paningin ng kanilang mga mata.
Hindi tulad ko na makikita mo lang na nakakakalat sa kalsada, Bakit ba nila ako papansinin eh wala naman akong halaga.
At ikaw na hinahanap at pinag-aagawan pa nila na makamit at malagay sa mga kamay nila.
Hindi lang yan ang diperensya at pag kakaiba nating dalawa, marami pa pero ayoko na ikumpara mag mumuka lang kasi akong tanga...

BINABASA MO ANG
Poem is my Home
PoetryA hobby of mine that I'd like to share :) It's not much but please enjoy