V : Sehun pt. 3

27 4 1
                                    


Rea's POV



Hapon na, kakauwi ko lang mula sa part time job ko. I put down my bag on floor and plopped myself on the sofa. Pagod na'ko... pagod na pagod na'ko. Pero ewan, hindi ako matigil, hindi ko kaya... dahil hanggang ngayon nag-iintay parin ako sakanya. It's been what? Months? Since he left. Bakasyon na... at heto ako, working my ass off for my everyday expenses.

Habang nakadapa sa bangko ay may napansin ako sa ilalim ng coffee table, agad akong tumayo at kinuha ang bagay na yun. This box that contained all our happy moments... is all forgotten now. Binuksan ko ito at itapon ang unang bagay kong nakita, tsk. I turned on the TV and the DVD player, after that I played one of the CDs.

[ HI!!!!! ] Malakas na sigaw ni Sehun sa video. At that moment... ginusto ko ng umiyak ulit.

Naglalakad si Sehun sa video... lumapit siya sakin, niyakap niya ako at tumawa ng malakas. [ I love you, babe. ] I smiled, I love you too.

Bakit ko nga ba 'to ginagawa sa sarili ko? Tanga kasi ako. Masokista, bobo, masyadong mapagmahal? Di ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko.

Patuloy ko lang pinanood ang mga videos na ginawa ni Sehun, karamihan magkasama kami, minsan kasama niya yung tropa niya. Ang saya... naming lahat sa video, pero ngayon ba? Mukhang sila lang ata ang masaya. Alam kaya ng mga kaibigan niya na kami ni Sehun? O hanggang ngayon isang kaibigan lang ang pagkaka-alam nila sakin? Sehun was so cautious, pati mga kaibigan niya hindi niya sinabihan tungkol samin, sa relasyon namin.

Pupunta kaya sila? Syempre naman, bakit hindi eh, isa yung napaka halagang kaganapan.

Bakit nga ba hindi ko sila tinanong kung nasaan si Sehun? Ewan... siguro natatakot narin akong malaman ang sagot, na baka may kasama na siyang iba, na baka hanggang ngayon kaibigan parin ang pagkaka-kilala nila sakin at hindi girlfriend ni Sehun.

Another video was played, isa ito sa mga pinaka recent na video ni Sehun, nung ilang araw bago siya umalis... bago niya ako iniwan.

[ HAHAHA! ] Nakinig sa video ang mga tawa namin, ako ang may hawak ng camera at tinutulak ko si Sehun... pinipilit ko siyang sumayaw. You see... Sehun is a great dancer, mahiyain lang. [ Hahaha! Fine, but only because you wanted me to. Pero may bayad ha? ]

[ Ano naman po ang payment? ] sagot ko sakanya. Napangiti ako... I remember this moment. How can I forget?

[ Kiss. ] He smirked at me, [ wala ng bawian, sasayaw na'ko kaya ihanda mo na ang pang-bayad mo. Hahahaha! ] He laughed in an evil-like manner.

He played a random music in spotify, "The way you love me by JR Aquino" played, it has this really good beat that'll make you wanna dance to the music... and yet it's mellow.

He started dancing... sa una nahihiya pa siya at natatawa sa sarili, tinatawanan ko din siya while cheering him on. Maya-maya ay naging seryoso na siya sa pagsasayaw... nonchalant, chill lang, hanggang... HAHAHA! Winaso na niya yung sayaw! Loko-loko talaga ang mokong! Bigla niya akong hinigit kaya nabitawan ko yung film camera at nahulog ito sa sofa.

Bakit hindi ko pa napapanood itong mga film na ito? After the camera fell on the sofa, I thought the video will end but it didn't... it continued to film us.

We were laughing while slow dancing, even though the dance didn't fit the music. Yun na yun... dun na ako napaiyak, nami-miss ko na siya. Bakit... ba kasi... kami pa? I don't regret meeting him, it's just it seems like we really aren't meant to be.

LOVE SHOT (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon