Bestfriend Or Boyfriend?

9 1 0
                                    

  

-AILA-


Naglalakad kami ng Kaibigan kong si Ella sa Hallway papuntang Food Express booth ng school namin, February 14 ngayon at foundation day din ng school namin kaya may event din sa school, kakatapos lang naming sumayaw para sa playground demo kaya nagutom din kami

 "Asan na ba yun?! " gigil na sabi ko nalang. 


"Wala naman atang food express booth eh! Sa Book-Cafe nalang tayo! " sabi ko at hinarap si Ella 


"Hindi Pwede! Dapat sa Food Express Tayo! Kyaaaaaah" sabi niya naman at tumili na parang kinikilig 

"Ayun na pala!" Sigaw na naman niya at tinuro ang isang room sa dulo 

 "Jusko Ella! Sa Book-Cafe nalang tayo! Tignan mo, Ang Haba haba ng pilaaaa!!" Inis na sabi ko 


"Dito na kasi tayo, nandyan si Zach Eh! " napatigil naman ako sa sinabi niya Si Z-zach? Hala Oo nga pala! Ang gaga mo Aila! 


 "Ella! Naiihi ako, ikaw nalang kumain hintayin kit--" Hindi ko natapos yung sinasabi ko ng may tumawag samin 


 "Aila! Ella! Kakain kayo?" Biglang lapit saamin ni Lee, Kaibigan ni Zach 


 "Hindi!" "OO!" Sabay na sabi namin ni Ella 

 "Eh?" Naguguluhang tanong ni Lee 


 "Kakain kami! Andyan ba si Zach?!" Excited na tanong ni Ella 

 "Oo, By the way Aila, Kailangan namin ng kakanta para sa Entertainment ng Food express Booth, Pwede ka ba?" Tanong ni Lee 


 Jusko naman! Mababaliw na ako nito! 


 "PWEDE SIYA! PWEDE SIYA!! DIBA AILA?! PLSSS!" Pagpupumilit ni Ella 


 Napabuntong hininga nalang ako, alam kong ginagawa niya ito para magtagal kami sa Food Express booth para mas matagal niyang makita si Zach, haaay. 


 "Ok fine" sabi ko nalang at pumasok na sa booth nila ng walang pila pila kasi, singer nga nila ako diba? Alangan naman pipila pa ako, mahiya naman sila sakin no.


Pagkapasok ko sa booth ay agad na nagtama ang paningin namin ni Zach at napatigil naman ako sa Pagpasok


"Kyaaaaaah! Hi Zach Baaabe!" Sigaw naman si Ella at tumabi sakin kaya napa-iwas siya ng tingin sakin at nginitian si Ella


 "Mygod! Mygod! Ang Hot mo sa ngiti mo Zaaach ko!" Nagtatalon na sabi ni ella, haay, hindi man lang nahiya sa mga customers dito.


 Habang nag-uusap sila Ella at Zach ay nauna na akong umupo at napasubsob sa mesa.


 "Anyare sayo Aila? Parang problemadong problemado ka ah?" Natatawang tanong ni Lee "Wala,gutom lang. May Libre naman siguro akong pagkain no? Kapalit ng pagkanta ko, you know" tanong ko at nginisihan siya


 "Bwahahahaha Syempre naman! Ano bang gusto mo?" Natatawang tanong ni Lee



 "Lahat kung pwede,Bwahahaha"


 "Ehem!" Napatigil kami sa pag-uusap ni Lee ng biglang may sumingit, sila Ella at Zach lang pala.


Tinignan ko si Zach at nakapokerface lang ito na nakatingin sakin Nagseselos na naman siya.


"Kakain muna kami Z-zach, bago ako kakanta ah?" Putcha, di ko masabi ng diretso ang pangalan niya!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend or Boyfriend? [one-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon