Prologo

775 40 0
                                    

Maraming bagay ang hindi sigurado rito sa mundo. Maraming bagay ang ikasasakit mo. Actually, mas maraming bagay ang ikalulugmok mo kaysa mga bagay na ikasasaya mo. Minsan, dahil sa sarili mong katangahan. Madalas, minana mo lang naman sa angkang kinabilangan. Kung may pagkakataon lang akong kausapin ang batang bersyon ko, baka sasabihin ko na sa kaniyang dapat sa una pa lang — hinayaan na lang sana akong masagasaan noon at hindi na sinagip pa ng isang estranghero.

"Eh tangina, Ate!" singhal ni Allen.

Binalibag ang maleta na hawak niya. 

"Bakit ka ba nangingialam? Problema namin ng girlfriend ko 'to, pwede ba!"

"Problema niyo nga, pero hindi mo dapat siya pinagsalitaan ng ganoon!" sigaw ko rin at halos maramdaman ko nang mapuputol ang litid ko.

"Wala ka na ngang paki roon! Kung anong gusto kong sabihin sa kaniya, sasabihin ko!"

"Paano kung sa akin ginawa iyon?! Kung ako 'yung minumura o pinipisikal? Ha? Sige nga, Allen!"

"Tangina, wala akong paki kahit magpatayan pa kayo sa harapan ko!" aniya at padaskol na dinampot ang binabalibag niyang maleta.

My heart was hurt at that, but instead of letting it affect me, I thought og Carlea. Nilingon ko si Carlea na noon ay iyak lang nang iyak sa gilid, malapit sa maliit naming sala. Kanina, kung hindi ko pa napigilan, halos masaksak na ni Allen ito. Ngayon ay nagkalat pa rin ang bubog sa sahig.

Bubog.

Hindi ko alam ang dahilan pero kahit ano man ang rasong pinagmulan niyon, hindi wastong nananakit ka ng tao.

Napaalma uli ako nang pasugod uli si Allen. Naninigas pa rin ang kaniyang katawan kaya alam kong gigil siya.

"Kumalma ka, Allen!" singhal ko at sinubukan siyang lapitan.

Palapit siya sa kaniyang nobya at kinakabahan ako sa pwede niya uling gawin. Gusto niya na itong palayasin, na gusto ko sanang pigilan dahil malaking parte na rin ng buhay ko si Carlea. Ilang taon na rin sila at halos sa puder ko na ito tumira ng ilang taon. Isa pa, alam ko rin naman ang mangyayari! Kaunting sorry lang nitong kapatid ko, babalikan niya!

Kahit naman gusto kong dito na siya tumira, hindi ko naman kukunsintihin ang panananakit ng sariling kapatid.

"Allen ha!" banta ko.

Hinagis ng kapatid ko ang maleta ng nobya na agad naman nasalo ni Carlea. Umiling ako.

"Lumayas ka na rito, tangina kang hayop ka! Bumalik ka na sa pamilya mong mga adik!"

"Allen!"

Bago ko pa masampal ang kapatid ko ay mabilis niya na akong binangga para lampasan at magkulong sa kaniyang kuwarto. Ang sumunod na narinig ko ay ang malalakas na hikbi ni Carlea, kaya napatingin uli ako sa banda niya.

Maliit na bahay lang ang inuupahan namin. Maayos at kongkreto naman kaya lang, sa reyalidad, pang isang tao lang ang mga espasyo. Maliit ang nag-iisang kuwarto na nilaan ko na lang para sa aking kapatid, may sala kung nasaan din ang kainan at ang tanggapan. Maliit din ang banyo. Walang tiles. Walang pintura. Maliit lang pero at least, kaya kong bayaran buwan-buwan. Kaya lang, kapag problema ng isa, problema na rin ng lahat dahil kahit anong ingay, rinig na rinig.

Sigawan ang gumising sa akin sa araw na ito. Sigawan din ang dinatnan ko mula trabaho. Gusto ko na lang talagang pumalakpak.

"Carlea, iwan mo na ang kapatid ko kung masyado ka nang tinatarantado," pakiusap ko sa dalaga.

Sumasakit na rin ang ulo ko sa kanilang dalawa.

"Ate, ang sabi niya po kasi..." 

Pinunasan niya ang luha at pinakawalan ang isang hikbi. 

Hearts on a String (Valleser Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon