*Yira Torres*
["Pumunta ka dun sa kusina at silipin mo kung buhay pa si Yaya Mina. Kung buhay pa siya, sabihan mo na dalian niya na at nagugutom na kami dito, kung patay na siya, buhayin mo siya at sabihan mo na hindi pa siya pwedeng mamatay dahil gutom na gutom na kami dito."]
"Ah...ehh...kasi..." paputol putol na sabi niya
"Oh, kasi ano? Gusto mo pahirapan rin kita? Ha?" galit na sabi ko sa kanya. Simple-simple na nga lang yung pinapagawa ko sa kanya, di pa magawa! Hay nako! How pathetic!
"Ah...este...sabi ko nga, Miss Yira. Pupuntahan ko na po si Mina. Hehe..." sabi niya sabay alis at pumunta na siya sa kusina. Tsk! Akala ko pa naman, gusto niya rin ng pagpapahirap katulad ng ginawa ko kay Yaya Mina. Haha!
Nagulat ako ng may biglang kumalabit sakin...
"Ay, si Chuwi nahulog sa kanal!" gulat kong sabi sa taong kumalabit sakin. At, oo, yan ang sinasabi ko kapag nagugulat ako. Kaya wag ano, my fellow readers!
"Grabe ka naman Yira. Kumalabit lang naman sayo yung tao, si Chuwi nang nabanggit mo..." sabi sakin ni Ma'am Finne. Eh? Si Ma'am Finne lang naman pala...kala ko yung kaluluwa ni Yaya Mina. Haha!
"Tanga ka ba? Ha? Eh, ikaw na nga yung pesteng nakagulat sakin, ikaw pa yung mag rereact ng ganyan..." mataray kong sagot sa kanya. Aba'y totoo naman ah? OA lang ang peg! Hay nako! People this days...
"Sorry na, tao lang. By the way, hanggang kelan mo ba papahirapan si Yaya Mina?" sabi niya
"Hangga't sa gusto ko." sagot ko sa kanya
"Pano kung, mag sumbong siya sa daddy mo?" bwelta niya
"Edi, magsumbong siya. Samahan ko pa siya eh..." bwelta ko rin sa kanya
"Magagalit nanaman sayo yung daddy mo niyan..." sabi niya. Aba'y, who cares! Duh!
"Tsk! Ok lang. Wala namang nag bago eh, tsaka pareho lang kami ng nararamdaman. Ayaw niya saken, edi ayaw ko rin sa kanya." sagot ko sa kanya. Mag MU kaya kami ni daddy.
"Eh, sa mommy mo?" sabi niya
"Hah! Isa pa yun. Wala pa akong ginagawa, galit na yun sa akin. Atleast, ngayon, sulit na yung galit niya." sagot ko naman sa kanya. Yup! Wala pa akong ginagawa, sasabihan na ako nun ng "Hoy, Yira! Magwalis ka nga, katamad tamad mong bata...","Yira, tulungan mo nga si Ate Chuwi mo sa mga gawaing bahay. Kahit na may mga yaya ka, kailangan mo pa rin tumulong dito sa bahay...","Yira! What in the world are you wearing?! Is that a Croptop?! Magpalit ka nga ng damit! We're going on a FORMAL PARTY, NOT TRASH PARTIES, like the ones you always frequently go to...", at kung ano ano pang mga walang kwentang bagay ang pinagsasabi niya saken. Atleast ngayon, nasa China na siya. Malayong-malayo saken dito sa Pilipinas!
"Eh, kung kay Chuwi siya magsumbong? Baka nakakalimutan mo Yira, na yaya niya pa rin ang pinapahirapan mo ngayon." sabi niya. Hah! Edi, maganda! For sure, uuwi yun dito para pag sermonan niya nanaman ako...haha! I miss my EVIL SISTER! (Not)
"Yun nga yung gusto ko eh. Ang magsumbong si Yaya Mina sa amo niyang walang kwenta. Para sa ganon, umuwi yung amo niyang ANGHEL, dito sa Pilipinas. It's payback time Ma'am Finne, can't you see?" sabi ko sa kanya sabay killer smile at taas kilay with matching patawa tawa pa...haha!

BINABASA MO ANG
Highschool Love
Ficção AdolescenteMay isang gangster na nagngangalang Yira Torres. Maganda at mayaman siya, kaso mahirap kaibiganin. Simula nung nagbreak sila ng boyfriend niya, nag iba ang ugali niya. Sabihin na lang natin na, from a nice nerdy girl nagi siyang bad asshole gangster...