"Miss ano pong kailangan nila?"
Tanong ng nurse na nasa information desk sa akin
"May dinala po ba ditong Luciana De Vega?"
Nag-mamadali kong tanong sa pangalan ng aking lola
"Ah kanina ay may sinugod ditong matanda, kung di ako nagkakamali ay De Vega ang apelyido, nasa susunod na kwarto lang siya"
Pinasalamatan ko ang nurse na iyon. Habang naglalakad nagdadasal ako na sana ay hindi malala ang nangyari sa lola ko, nananalangin na sana okay na siya.
Pagdating ko, naroon si Carl, nakaupo malapit sa kama kung saan ay nakita ko ang aking lola na wala pa ring malay.
"Carl! Ano nangyari kay lola?"
"Ang sabi ng doktor inatake na naman daw siya ng sakit niya sa puso dahil sa mainit na panahon ngayon, tumaas din ang blood pressure niya kaya nahimatay siya kanina habang naglalako ng paninda"
Nanlumo ako sa sinabi ni Carl na iyon, may parte sa akin na sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi sana mangyayari ito kung hindi niya kami inaalagaan ni Carl. Dapat kasi ay nagpapahinga na lamang siya pero dahil sa pagmamahal niya sa amin, hindi niya matiis na maupo na lamang.
"Ganoon ba? Mabuti na raw ba ang lagay ni lola?" pagtatanong kong muli habang nakahawak sa kamay ni lola
"At sinabi rin ng doktor na mahina na ang puso ni lola, Selena, baka kapag inatake daw siya ulit ay hindi niya na kayanin. Ang payo niya ay kailangan daw niyang magpa-heart transplant para hindi na siya atakihin ulit."
Napapikit ako sa sinabi niyang iyon, kung ganoong kailangan ng heart transplant nasisiguro kong malaki ang gagastusin. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera sakaling maoperahan si lola. Paano?
"Anong gagawin natin? Wala naman tayong pera para mapaoperahan si lola Selena" napasabunot sa buhok si Carl sa turan niyang iyon,
Tama, wala kaming pera dahil kami na lang ang pamilya ni lola. Hindi naman mayaman ang pamilya namin kung manghihingi kami ng tulong sa malayong kamag-anak.
"Hindi ko din alam Carl"
Kinabukasan, nagising ako dahil sa nurse at doktor na nagpunta sa kwarto para tingnan ang lagay ni lola
"Maayos na po ba ang lagay niya?"
"Ikaw pala Selena, mabuti na lamang at nasugod agad dito ang lola Luciana mo kung hindi baka may masamang nangyari na sa kanya"
Kilala ako ni Doctora, dahil madalas kami rito kapag may sakit ang lola. Siya lang naman kasi ang Doctor sa puso dito sa ospital na ito.
"Pero iha, kung hindi maooperahan ang lola mo baka ikamatay na niya ang susunod na pag-atake ng puso niya."
Pagkokompirma niya sa sinabi ng kapatid ko kahapon.
Nang dahil sa mga narinig, muli na naman akong nanlumo, nakadagdag pa ang gutom dahil hindi pa kami nag-aalmusal gawa nga ng kagigising ko lang.
"Pero Doktora paano po iyon? Wala naman po kaming sapat na pera para mapaoperahan si lola"
"Gagawin ko ang lahat ng pwedeng maitulong ko sa inyo iha, alam ko naman ang inyong katayuan sa buhay pero kailangan niyo talagang makahanap ng heart donor para sa operasyon sa lalpng madaling panahon kung maaari para hindi na lumala pa ang kanyang lagay"
"Gagawa po ako ng paraan Doctora, maraming salamat po"
"Sa ngayon pwede na siyang umuwi na muna, pakiusap lang na huwag niyong hayaan na mapagod siya dahil baka atakihin na naman siya, bilhin mo itong mga gamot kailangan niya iyan"
Sabay abot ng reseta sa akin, napakaraming nakasulat roon na hindi ko naman maintindihan ang sulat, nangangamba na ko sa mga presyo noon.
Pagkatapos ng ilang pagtingin kay lola, tinanguan ako ni Doctora at lumabas na sa kwarto.
Kapag nagising na si lola uuwi na kami. Hindi pwedeng manatili kami rito, mahal ang isang gabi sa kwartong ito. Mabuti na lamang at may naipon akong pera kahit papano.
Dumaan ang ilang linggo at wala pa rin akong mahanapan ng mahihiraman ng pera at heart donor para kay lola. Napapagod na rin ako dahil kinailangang ako ang maglako ng paninda naming kakanin dahil hindi na pwede si lola mapagod.
Bago ako pumasok naglalako muna ako. Sa kakarampot na kinikita ko, iyon ang pinambibili ko ng mga gamot ni lola pati ang pang-gastos namin.
Salamat naman sa Diyos dahil medyo naging okay naman na si lola, hindi man siya lubusang magaling pero sapat 'yong nakikita kong hindi siya nahihirapan ng masyado .
(To be rewritten)