Kring...kring..kring...
Kumunot ang noo ko dahil sa tunog na iyon, ayaw ko mang bumangon ay hindi naman pwede.
Tumayo na ako kahit pikit pa ang aking mga mata at pinatay ang alarm ng aking cellphone.
Alas singko na pala..
Kailangan ko pang magluto ng almusal namin.
Buti na lang nakabili si Lola ng tuyo kagabi, tama na naman 'to para sa aming apat.Mag-aalasais na ng nagising si Lola at binuksan ang radyo para makinig ng balita. Ganyan lagi ang simula ng umaga ko basta marinig ko nang tumutugtog ang radyo ay gising na siya. Paniguradong ang halaman na naman niya ang aasikasuhin niya.
Naghain na rin ako sa lamesa at ginising ang kapatid ko dahil may pasok pa kami ng alas siete y media.
Pagkatapos maligo ay kumain na ako .
"Ano ba yan tuyo na naman! Diba kagabi 'yan din ang ulam natin?"pagrereklamo ng kapatid ko
" Huy Carl! Kumain ka na nga lang! Andami dami mong reklamo buti nga may kinakain pa tayo eh!" Sita ko sa kanya
Nanahimik na lang siya matapos kong pagsabihan. Nais ko mang bumili ng masarap na pagkain ay hindi ko pa naman kaya grade 10 pa lamang ako at hindi pa pwedeng magtrabaho.
Minadali ko na lang ang pagkain ko at nagsepilyo na.
"Carl!" Sigaw ko sa kapatid ko na marahil ay nasa banyo, naliligo
"Yung baon mo nasa lamesa ha? Bilisan mo diyan baka malate ka!"
Pinuntahan ko naman si Lola sa kanyang kwarto at nagpaalam na papasok na.
Araw-araw ay nilalakad ko lamang ang daan papuntang eskwelahan. Makakatipid nga naman ako kung lalakarin ko malapit lang naman kasi.
Maaga pa nang nakarating ako ng highschool.
Pagkarating ko sa classroom ay si Mark pa lamang ang naroon.
Nilingon niya lang ako at hilaw na ngisi lamang ang iginawad ko. Ganyan talaga siya napakatahimik palagi.
Kinuha ko na lang ang libro ko sa Math dahil doon lang naman ako medyo nahihirapan. Kapag kasi nagtuturo si Ma'am Alvarez ay wala akong maintindihan sa tinuturo niya. Ngunit nakakailang basa na ko't intindi ay hindi ko talaga makuha kuha.
"Good Morning Selena!" bati ng katabi kong si Angelie
"Mmm...Good morning din" sabay ngiti ko sa kanya
"Ang sipag naman talaga nitong katabi ko oh! ke aga aga eh nagbabasa ng Math! Napakaseryoso mo talaga sa pag-aaral!"
"Ganon talaga Angelie kapag hindi ako magsipag mag-aral eh wala akong mararating" paliwanag ko naman sa kanya.
Kailangan ko kasi talagang mag-aral mabuti para ma-maintain ko yung grades ko kailangan ko pa naman iyon dahil balak ko sanang kumuha ng scholarship sa Senior HighSchool.
"Ayan ka na naman eh! Lagi naman ganyan sinasabi mo eh kahit naman ata hindi ka mag-aral eh may maisasagot ka pa rin! Kaya nga ikaw ang laging nasa top students hindi ba?"
"Oh siya siya hindi na nga kita guguluhin at baka nakakaistorbo ako sa pag-aaral ni Little Miss Perfect!" sabay tawa niya
Nginisihan ko na lang siya at tinago nalang ang libro tutal hindi ko naman maintindihan.
Maya-maya rin ay nagsimula na ang aming klase. English ang first subject at nagquiz lang naman kami."Who got the highest score?" tanong ni Ms. Gomez matapos naming magcheck
"Sino pa ba ma'am? Edi si Selena na naman!" kantyaw ng isa kong classmate na lalaki
"Miss! Selena got perfect score!" sigaw ni Angelie habang winawagayway ang papel kong siya ang nag-check, hinila ko naman siya dahil nakakahiyang sinigaw niya pa talaga
"Very good Selena like how I expected" isang hilaw na ngisi lamang ang pinakawalan ko
"Anyone who also got perfect score? None? Then pass all the papers, class dismiss"
Pagkatapos makuha ang papel ay umalis na si Ms. Gomez
"Grabe ang talino mo talaga Selena! Ang hirap kaya nung quiz ni ma'am! Tapos ikaw sisiw lang sayo? Bilib talaga ko sayo! Dapat pala kumopya na lang ako para parehas tayo perfect!" ani Angelie dahil wala pang kalahati ng quiz ang score niya
"Hindi naman Angelie nagrereview lang talaga ako"
Tumayo na ako dahil sa Lab naman ang susunod naming subject.
"Sana ay ganyan din ako kasipag mag-aral" narinig ko pa ang buntong hininga niya.
Habang naglalakad kami sa corridor ay panay ang bati ko sa mga teacher na nakakasalubong namin. Ganoon talaga ang nakasanayan ko, ang sabi kasi ni Lola ay marunong dapat gumalang.
Lumipas ang oras at puro discussion lang naman ang mga sumunod na subject.
Nang pauwi na ko ay biglang nagring ang cellphone ko, si Carl pala tumatawag,
"Oh Carl?"
"Selena si Lola sinugod sa ospital!"
Tinakbo ko na lang ang bahay at nagbihis agad.
Oh shit! Wala naman sanang masamang mangyari!
