SPOKEN WORD #5

5 0 0
                                    

NGITI

Narito na naman ang buong barkada.
Kailangan ko na naman maging masaya.
Kailangan ko na namang magpatawa, itatago na naman ang lungkot kong nadarama.
Ang araw-araw na sakit, hapdi, at mga luhang kung lumabas ay baldi-baldi ay kailangan ko na namang itago sa nag iisa at napaka mapanlinlang kong ngiti.

Magpapatawa, kahit na ang nga biro ko ay gasgas na. Mga birong naririnig na nila sa iba.
Gagawin ko pa ding katawa-tawa ang mga bagay, wag lang mag mukhang madrama sa harapan nila.
Isang araw na namang magpapanggap, na akala ko kaya ko na, akala ko lang pala.
Yung tipong ako nalang yung nakakaalala.
Ikaw kaya?
Naaalala mo pa ba?

Hindi mawawala sa kwentuhan ang nakaraan.
Ang ngalan mo'y iikot na naman sa aking isipin.
Mag iisip ng mga bagay na malabo namang mangyari kahit kelan.
Lilipad na naman ang isip kung saan,
At ikaw, ikaw na naman ang laman!
Tangina.
Hanggang kelan ba kong magpapanggap na masaya?
Yung tipong wala ng pekeng ngiti sa araw-araw.
Magpapanggap na sana madaling kalimutan na lang ang lahat.
Nakakasawa na.
Sawang sawa na!
Ramdam ko na ang pagod ngunit di to iniinda.
Ayoko kasing makalimutan ka. Nang agad agad.
Walangya!
Bakit ba kasi di ko kaya..

Madami man silang sabihin sayo o satin man lang dalawa.
Hindi iyon pakikinggan.
Hindi maniniwala sa kung anong alam nilang lahat.
Hindi maniniwala kahit na sa feeling ko'y tama na at lubos ng nagpapakatanga.
Ayokong iwan ka.
Ayoko!
Sana aware ka.

SPOKEN WORDSWhere stories live. Discover now