"Kayo na ba?" tanong ni Celine kay Paul at Jane.
Ngumiti lang ang huli habang si Paul ay ngingisi-ngisi sa gilid ng dalaga.
"Ano nga, kayo na ba? Tagal-tagal niyo nang mag-kabarkada oh.." muling tanong ni Celine.
Kalahating dekada na mula nung huling nakita ni Paul at Jane ang kababatang si Celine. Kung hindi pa ikasal si Sarah, isa rin sa mga kabarakda nila, ay hindi ito magpapakita sa kanila. At tila ba tuwang tuwa ito na asarin ang dalawa.
"Alam mo Paul, kung ayaw mo kay Jane, edi ako na lang!" muling wika ni Celine.
"Kami na." mabilis na sagot ni Paul. "Kaya nga kami ang partners eh. Punta muna kami sa photobooth." sabay hila ng binata sa kapareha.
"Sira ulo ka talaga. Gumagawa ka na naman ng issue." sambit ni Jane nang sila ay nakalayo na sa mesa.
"Hayaan mo siya. Pumila ka na lang muna diyan. May kukunin lang ako sandali sa kotse."
"Bilisan mo ah. Baka mamaya mag-isa akong picturan dito, mukha akong tanga."
Pag balik ni Paul ay may inabot itong papel sa dalaga.
"Ano gagawin ko dito?" tanong ng dalaga.
"Meryendahin mo.." sabay ngiti nang makitang nanlilisik ang mata ng dalaga dahil sa kalokohang sagot niya. "Buksan mo lang, gawin mong props habang nagpipicture tayo."
"Ano kaya yun, ano ako, model ng invitation?"
"Hindi, joke lang. Basahin mo lang.."
"Eh pipicturan na tayo after nito eh.."
"Edi mas maganda.. Basta basahin mo kahit pinipicturan tayo. Tapos kapag panget yung pic, ulitin na lang natin." may pagkindat pang sagot ni Paul.
"1-2 Ma'am tingin po kayo sa camera.." wika ng photographer.
"Ok lang yan kuya, tuloy mo lang.." sagot ni Paul habang patuloy sa pagbabasa si Jane sa papel na binigay niya. Pagkaraan ng ilang segundo ay tumingin ang dalaga sa binata na parang di makapaniwala.
"Hindi naman kita minamadali pero kung gusto mo sumagot, ok lang din naman." at humarap ito sa dalaga na hanggang ngayon ay nakatitig pa din sa kanya. "Wag mo kong titigan, baka malusaw ako."
"Joke na naman ba to?"
"Hindi. Seryoso ako."
"Weh? Maniniwala na ba ako"
"Ma'am, Sir, last shot na po."
"Oh, last shot na daw." wika ni Paul.
At nagulat ang dalaga nang bigla siyang hinalikan ng binata. "Seryoso ako."
"Sir, ok na po."
"Tara na, balik na tayo sa table." akay ni Paul kay Jane.
"Bakit pulang pula muka mo Jane? Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Jason sa dalaga. Isa rin ito sa mga kababata at kabarkada nila ni Paul.
"Ah.. Oo.. Ok lang ako. Medyo napagod lang ako sa pagpila." kanda utal na sagot ni Jane.
"Dapat pala ako na lang pumila eh. Tapos tinawag na lang kita kapag turn mo na."
"Ok lang naman.. Hindi lang talaga ako sanay sa get-up ko ngayon, ang taas ng heels."
"Jane, tubig oh." sabat ni Paul.
"Thank you.." hindi makatingin ang dalaga sapagkat naaalala niya ang ginawa ng binata habang nasa photobooth.
Sa buong gabi ay hindi na muling pinag usapan ni Paul at Jane ang mga nangyari sa photobooth. Pero hindi rin ito nawawala sa isip ng dalaga.
"Nilagay mo na ba lahat ng gamit mo sa kotse?" tanong ni Paul kay Jane. "Baka mamaya may maiwan ka.. In 15 minutes uuwi na tayo. Papaalam lang tayo sa kanila.." Dahil magkalapit lang naman ang bahay ng dalawa ay napagdesisyonan nila na magsabay na lang papunta at pauwi para hindi na mahirapan mag-drive si Jane.
"Oo. Dinouble check ko na lahat. Paalam na tayo sa kanila." sagot ng dalaga.
Eksakto naman na lumapit si Celine sa dalawa. "Oh, aalis na kayo?"
"Oo. Pagod na din ako eh. 3 am pa lang gising na kami para sa preparations." sagot ni Jane.
"Bakit di ka na lang sumabay kay Jason para naman mag enjoy pa si Paul sa afterparty? Pauwi na din naman daw siya eh."
"Sinabi ko kasi kay tita na ihahatid ko si Jane. Nakakahiya naman kung nag-promise ako tapos iba yung tutupad diba." sabat ni Paul. "Tsaka pagod na din ako. Mula morning hanggang ngayon, wala pa kaming pahinga."
"Ahhh.. Ganun ba?"
"Sige Celine. Una na kami." paalam ni Jane.
"Ahhh.. Paul, yun pa din ba ang number mo?" pahabol ni Celine.
"Hindi, nagpalit na ako. Matagal na."
"Gusto ka pa din niya." wika ni Jane nang nakapasok na sila sa sasakyan.
"Hayaan mo siya." masungit na sagot ni Paul.
"Bakit di niyo itry. Tutal nagkagusto naman kayo sa isa't isa diba?"
"Matagal na yun. Iba na ang gusto ko." turan ni Paul habang nakatingin sa mata ng kasama. Ilang saglit pa ay yumuko ito at inilapit ang muka sa dalaga. Napapikit na lamang si Jane at naramdaman ang seatbelt na dumampi sa katawan niya. Sa pagmulat ng mata ng dalaga at nakita niya na nakangisi muli ang binata.
"Gago ka talaga." wika ng dalaga.
"Bakit kasi may papikit pikit ka pa?" pang aasar ni Paul.
"Ayoko kasing makita yang pagmumuka mo!" sabay irap ng dalaga.
"Ouch ah!!! Nagpapogi ako tapos ayaw mong makita?? Ouch!!"
"Puro ka kagaguhan ahhh. Uwi na tayo. Pagod na ako."
"Yes ma'am!"
![](https://img.wattpad.com/cover/147395405-288-ke75137.jpg)
BINABASA MO ANG
Eversince
RomanceBata pa lang ay magkaibigan na sina Paul at Jane. Hanggang sila ay naging mga binata at dalaga na ay hindi pa rin mapaghiwalay ang dalawa. Ang kulang na lang ay maging sila nga talaga. Pero paano magiging sila kung may ex na umeextra?