flip - flip - flip
"Haaaayyy, ano ba to Asha, ang sakit naman sa ulo ng pinaggagawa sa atin ng mga teacher." pagcomplain ni Maya, ang nag iisang kaibigan ni Asha simula nung mga bata pa lang sila.
"Will you stop complaining. tumahimik ka na lang, maraming tao oh, saka nasa library ka baka magalit si Mrs. Garcia." tukoy ni Asha sa masungit na librarian ng school nila. Pumalumbaba naman si Maya at pilit na idinidilat yung mga mata niya. Wala rin naman siyang choice dahil nangako na siyang sasamahan niya si Asha.
"Eh bakit naman kasi may homework pang kailangan gawin, hindi pa ba sapat ang 8 hours ng klase?" mahina pa niyang daing.
Napairap na lang si Asha, alam kasi niyang wala rin patutunguan ang pagpapatahimik niya sa kaibigan.
"Haaayyy..." nakaka dalawang oras na sila sa library pero halos hindi matapostapos ang mga kailangan nilang gawin. May isang oras na lang rin at magsasara na yung library ng paaralan nila.
Matapos ang ilang minutong pagbabasa ni Asha, habang patuloy pa rin ang pag salita ng kaibigan, sa wakas ay tumahimik na rin ang paligid. Saglit niyang ibinaba ang librong binabasa niya para silipin si Maya at nakitang tulog na pala ito, kaya napairap na lang siya. 'At least na tahimik na, problema na niya kung hindi niya natapos yung assignment na pinapagawa samin.' isip pa niya.
Pero hindi pa man nakakalipas ang 5 minutes ay may narinig naman siyang pagvibrate.
bzzzt bzzzt bzzzt
"Hay! Ang ingay naman!" inis na sabi ni Asha habang lumilingon sa paligid para mahanap kung saan nanggagaling yung ingay.
"Kanino ba galing yung ingay na yon?" naiirita niyang tanong nang mahina sa sarili. Pinakinggan niyang mabuti yung tunog at tumingin sa ilalim ng mesa.
Doon nakita niya yung bag ng kaibigan niya. Nahanap niya yung phone ni Maya na umilaw kung saan nanggaling ang ingay.
"Hmmm?" mahinang ungol ni Maya matapos siyang iyugyog ng kaibigan para magising "Huy may tawag ka!" mahina pero halatang naiinis na sabi sa kanya ni Asha habang inaabot ang cellphone na tumigil na sa pagvibrate.
Kinuha naman ito ng kaibigan at ilang saglit pa ay muli na naman itong tumunog. "Si mama?" nagtatakang sabi ni Maya sa sarili at pinindot ang answer call. "Hello ma?" sagot niya.
'Seryoso ba siya? Dito niya pa talaga sa library sinagot yung tawag?' naiinis na sabi ni Asha sa isip.
"Huy!" Dali-dali biyang kinalabit si maya para sitahin ito. Baka palabasin sila ng librarian at hindi na talaga sila makakatapos.
Tinaas ni Maya ang isang kamay niya and mouthed 'Wait lang' pabalik.
"Anong wait lang?! Lumabas ka nga, bawal cellphone dito!" sinamaan niya lang ng tingin si Asha.
"Shhhh!" sabi ng mga nakaupo sa kalapit na mga table. Napalingon si Asha sa kanila at nag sorry bago ibinalik ang masamang tingin sa kaibigan.
"Oo na po, eto na, aalis na! Baliik na lang ako mamaya." sabi ni Maya nang nakatakip ang isang kamay sa cellphone sabay belat sa kaibigan bago siya tumayo at lumabas na bitbit na ang mga gamit niya.
Marahan siyang tinanguan ni Asha at ibinalik na ang atensyon niya sa librong binabasa.
-------------------
"Pare, party at my houe, game?" Tanong ng kaibigan ni Andrei habang naglalakad sila palabas ng classroom.
"Pre hindi pwede, kailangan ko pang mag-aral lagot ako pag bumagsak ako sa Math. Alam mo naman tito ko eh, baka mawala pa yung allowance ko. Next time na lang." .
BINABASA MO ANG
When He Breaks
RomanceMeet Ashanna Marie Mertines, or just Asha tulad ng tawag sa kanya ng mga kaklase niya. She's pretty, but simple at the same time, siya yung tipong mukhang tahimik at mahiyain sa umpisa lalo na sa mga hindi niya kakilala, pero once na makasangga mo...