Naalimpungatan ako dahil sa tawag sa akin ni Yaya Gina. Bigla kong minulat ang aking mga mata at dali- daling bumangon. Nakita ko ang payat na pangangatawan ni Yaya Gina.
"Rosali, hija, nagkaroon ka na naman ba ng masamang panaginip? Hay naku pawis na pawis ka." Agad ko namang pinunasan ang aking noo dahil dama ko ang pagtulo ng aking pawis. Nararamdaman ko pa rin na parang may nakalagay na kung anong bagay sa aking baga dahil hirap na hirap akong huminga.
"Heto ang tubig, inumin mo para mahimasmasan ka. Kukuha lang ako ng towel sandali"
Sinunod ko ang sinabi ni yaya Gina at ininom ko ang tubig na binigay niya sa akin. Medyo lumuwag na ang aking pakiramdam kaya ay naisipang kong pumunta sa veranda na katabi lamang ng aking kwarto. Mag aalas kwatro na pala ng umaga. Ngayon ko lamang napansin na may pasok pa kami mamaya.
"Hey, are you fine ate?" Nagulat ako dahil sa isang maliit at malambing na boses na narinig ko sa aking likuran. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang maamong mukha ng isang bata na halatang inaantok pa dahil sa pagkusot niya sa kanyang nga mata.
"You're calling my name earlier. I am afraid because something might happen to you ate. I called mama and papa on phone to tell them what's happening and they seem to be worried." Ngumiti lamang ako at nilapitan ko siya sabay niyakap
"Okay lang ako. Don't worry" hinigpitan ko pa ang pagkayakap sa kanya.
"Everthing's gonna be fine" paulit ulit na sabi ko sa kanya.
"I know. Cause you're strong ate. I know number 8 is your favorite number that's why I'm going to give you 8 kiss on your cheeks"
Nakita ko ang mga nagniningning na ngiti ni Mikael kaya napangiti na lang rin ako.
Sa tingin ko di naman magkakatotoo ang panaginip ko kanina.
=•=•=•=
"Uh yor der, Rose." Kakarating ko lamang dito sa canteen. Medyo malaki rin yung canteen ng school namin. Pagkapasok mo sa pintuan ng canteen, makikita sa left side yung mga paninda. Mostly yung part na kinukuha ng aming squad na table is yung sa mismong harapan ng mga tinitinda pero himala, nasa bandang likuran na table yung kinuha nila bandang left side.
"Ano nanamang trip mo Jojo" Natatawa ako sa way ng pagsasalita ni Nancy. Parang aso't pusa talaga 'tong dalawang to. Dumiretso naman ako sa upuan katabi ni Nancy. Nasa kabilang gilid naman ni Nancy si Joe. Katabi naman ni Joe si Henri na naka earphones then naglalaro ng kung ano ba yun. Bakante naman ang katabi kong upuan na katabi rin ni Henri.
"Duh, it's Joe as in JOWI with an e."
"Luh ang arte mo kala mo naman..." Natawa na lang ako kasi inirapan ni Joe si Nancy. May pagkaboyish tong si Nancy kaya maraming nanghihinayang sa kanya dahil sobrang ganda niya. Tama lamang yung pagkatangos ng ilong niya. Maputi at makinis ang kanyang balat, tama lamang ang haba ng kanyang buhok hanggang balikat, at makikinang rin ang kanyang mga mata. May dimples rin siya na nagpapadagdag sa kanyang kagandahan.
Hindi ko na lamang pinansin ang dalawa dahil iniisip ko pa rin yung mga nangyari sa panaginip ko kanina. Inihiga ang aking ulo sa aking kanang kamay na nakapatong sa mesa. Iniharap ko ang aking ulo sa kaliwa na kaharap ngayon ng pader.
"Wow nagsalita, Ikaw nga kapangalan at kamukha mo pa si Nancy Binay. Gigil"
"Ang kapal ah. Ikaw nga Jejomar Binay. May pa- Joe joe ka pa" bawi ni Nancy
"Ew. Ayaw kitang maging anak. Ang pang---"
"Shut up. If you two don't close your big mouths, I will close it by stitching your mouths together" Nagulat naman ako kaya umupo ako ng tuwid at nakita ang reaksyon ng dalawa na parang nakakita ng multo. Napatingin naman ako sa katabing upuan ko na ngayon ay may nakaupo na. Hindi ko napansin na nakaupo na pala siya dito.
BINABASA MO ANG
Her Lucky Number
Dla nastolatkówThe world really makes wonderful things. Some are things that people can't explain. I am wondering, bakit may mga bagay na ginawa para sayo pero di mo alam kung anong silbi nito. Maybe because it's not the way you think it is, maybe its more than yo...