Pagmamahal

76 2 0
                                    


"Sorry na nga, Lea." Pagmamakaawa ko sa babaeng kaharap ko.

 "Kailan ko ba makukuha ang iyong loob? Lea, limang taon na akong nanliligaw sa'yo."

 "Kapag matino ka na." Sabi nito at saka umalis.

 Limang taon na rin nanaman akong naghirap, sa limang taon na iyon ngayon pa ba ako susuko?

 ---- 

 "Pumapayag ka na bang maging kasintahan ko?"Para akong pinagsukloban ng langit at lupa nang aking nadatnan and eksena.

 Isang lalaki ang hawak-hawak ang mga kamay ni Lea na tila'y masaya pa nang tinanong ng lalaki."Oo! Punapayag na ako."

 Sagot ni Lea bago siya niyakap nang mahigpit ng lalaki.Ito ay isang eksenang hinding-hindi ko gustong mangyari kay Lea pwera nalang kung ako ang lalaki na gagawa nito sa kaniya.Dahil sa galit na bumubuo sa loob ko, dali-dali akong umalis habang nakakamao na ang aking mga kamay.Hindi ito maaaring mangyari.----"Lea, parang awa mo na." Pagmakaawa ko ulit kay Lea pagkaraan ng gabi.Siya ay aking nadatnan sa kanto na papauwi palang sa kanila at hindi ako nagdalawang-isip na gawin ang dapat kong gawin. "Ano ba?!" Napasigaw siya sa inis habang nagpupumilit na makawala ang kaniyang braso sa pagkakahawak ko. "Bitiwan mo nga ako!""Bibitiwan lang kita kung lubayan mo na ang lalaking iyon." Sambit ko. "Hindi naman siya ang karapat-dapat sa'yo! Ako dapat ang pinayagan mong maging kasintahan!""Tumigil ka na nga!" Matagumpay niyang naalis ang kaniyang braso. "Kahit kailan, hinding-hindi kita magiging kasintahan dahil hinding-hindi kita mamahalin!"Kahit na napakasakit pakinggan ang mga sinambit niya, nanatili akong "blunt". "Ah, ganon ba?"----"Mahal na ata kita.---"----sa wakas.Sa wakas at nagbunga na rin ang mahigit anim na taon kong pinaghirapan.Hating gabi na ngunit di pa rin ako makatulog sa sobrang saya na aking nararamdaman.Tila sasabog na ang aking dibdib sa sobrang satispaksyon.lumipat ako ng puwesto sa higaan kung saan nakikita ko ang maamo niyang mukha sa kama."Sa wakas,nakuha ko na rin ang iyong loob"Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata haban hawak hawak ang kanyang----sariwang puso..



-----

Lame upddate

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon