"DANVEILLL!" napairap nalang ako habang narinig ko si mama na pumuputak na naman.
"Ano hindi ka pa rin babangon dyan? Hay nako talaga napakatamad mo..."
Nyeh nyeh nyeh nyeh. Hindi ko na narinig ang mga susunod nya pang sasabihin kasi pinasak ko na ang earphones ko. Para ano pa't makikinig ako sa mga dada nya eh paulit-ulit lang naman yon. Kesyo ganto ganyan , bakit hindi ko raw gayahin yung anak ng kapitbahay namin na masipag. Tsss wala akong paki.
*BOGSHH*
Napatigil ako sa pagrereklamo nang bumukas yong pinto ng kwarto ko. "Ano! Hindi mo ako narinig?" Tss. Kitang may earphones eh.
"Bakit?" Sagot ko sa kanya na parang walang bahid ng takot
"Sabi ko maglinis ka ng bahay puro tulog at music nalang ang inaatupag mo. Dadating na ang papa mo ngayong gabi hindi mo parin sinusunod ang utos kong maglinis nang bahay".
Hindi nalang ako sumagot at lumabas nalang ako ng kwarto ko. As if naman malilinis tong bahay eh kada linis ko sya naman ang taga balik nang mga kalat.
So, gaya nang sabi nya nilinis ko nalang ang mga kalat na nakita ko kahit alam kong babalik din naman 'tong mga to pagkalipas ng araw. Tsk.
Pagkalipas nang kalahating oras tapos na ako sa paglilinis kaya umupo nalang ako sa sofa namin.
"Oh? Bakit nakaupo ka lang dyan? Tulungan mo ako sa kusina." Tss. Putek , hindi pa nga uminit yung pwet ko sa inuupuan ko eh. Tsk. Lechugas! Napabuntong-hininga nalang ako tsaka sunod nalang sa kanya para walang gulo.
Tinulungan ko lang magluto si Mama at sa paglalagay ng mga plato, kutsara at sa kung ano pang mga gamit pangkain. Nasa gano'n kaming scenario nang may busina kaming narinig sa labas nang bahay. Siguro sina papa na iyon kaya kahit hindi na ako pagsabihan ni Mama na buksan ang gate ay tumakbo na ako sa labas.
"Pa!" Sabay mano sa kanya. " Asan si Danly?" Sabay silip sa likuran nya kung may tao ba.
"Aba! Miss mo na yata ang isang yon?" Sabay tawa. Napairap nalang ako. "Tss. Eh asan na ba kasi sya?" Kunot na ang noo ko pagtanong ko sa kanya at basta ganyan na ang mukha ko kailangan na nya akong sagutin ng tama kasi ang meaning ng mukhang yan ay naiinis na ako. Bumuntong hinga si Papa at tumingin sa akin.
"Hindi pa daw sya uuwi eh. Busy pa daw sya."
Pagkasabi ni Papa nun ay mas lalong kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay atsaka padabog na naglakad papunta sa bahay.
"Oh? Ba't ganyan ang muka mo? Salubong pa ni Mama sa akin at tinanaw ang tao sa likuran ko. Tss nagtanong ka pa eh ikaw naman ang may kasalanan tsk.
"Pa! Halika na dinner is ready. Masayang bati ni Mama kay Papa sabay halik sa lips.
Yucks, hindi na nahiya. Hello! Get a room will you? My gas ang tatanda na pero kung makaasta parang teenager lang. Napairap nalang ako atsaka tumungo na sa kusina kasi kung manonood pa 'ko sa kanila ay baka masuka pa ako nang wala sa oras.
"Busy or talagang nagrerebelde yung anak mo?" Sabi ni Mama pagpasok nila sa kusina. Alam ko si Danly ang pinag-uusapan nila kasi hindi naman ako busy ngayon so si Danly nga.
"Busy talaga, pinuntahan ko may ginagawa nga sya." Pagtatanggol ni Papa kay Danly.
"Ha! Baka pag-alis mo nanonood lang yun ng korean." Bintang ni Mama na nakapagpasimot sa pasensya ko kaya hindi ko talaga napigilang tumayo.
"Busog na po ako. Papasok na ako sa kwarto" Sabi ko sabay hakbang papunta sa hagdan. Ngunit hindi pa ako nakatatlong hakbang nagraratrat na naman ang bunganga ni Mama.
"Anong kinabusog mo Danveil? Hindi pa tayo kumakain tapos busog kana? Tigil ni Mama sa akma kong paghakbang. Hinarap ko sila at tinignan nang mataman bago magsalita. Nag-iisip nang palusot. Yes! Ganyan ako mag-isip nang palusot, kailangang titingin sa mata nila para maniwala sila. Haha. Weird diba?
"Nagsnacks ako kanina sa kwarto kaya busog pa ako." Sabi ko Mama na mukhang totoo ang dating at pagkatapos ay tumingin ako kay Papa "Pa una na ho ako." Tumango nalang si Papa at yon ang signal ko para magpatuloy sa paglakad papuntang kwarto ko nang walang lingon-lingon.
Pagdating ko sa kwarto ko ay pabalibag kong sinarado ang pinto at pabatong tinapon ang sarili ko sa kama sabay kuha ng cellphone ko para matext ang bruha kong kapatid.
To: Danly Bruh
Abnormal ka ba? Sabi mo uuwi ka at dadamayan mo ako sa bunganga ni Mama? Wala ka talagang isang salita bruha ka. Tss
Sent
Nagtataka ba kayo sa ugali ko at kung paano namin ituring ang isa't isa dito sa bahay? Hahaha kung oo ay sasabihin ko sa inyo pero bukas nalang kasi inaantok na ako hahaha. ZzzzzZzzzz
BINABASA MO ANG
How To Love?
Storie d'amoreJust Love. Family is love. Mga salitang mahirap intindihin para kay Danveil. Isang babaing nabibilang sa isang pamilya kung saan sa paningin nang tao ay perpekto, sweet, buo at iba pang salita na maiiugnay sa salitang perpekto. Ngunit para sa kanya...