Prologue

1 1 0
                                    


Katrina's POV

Inaayos ko ang mga papeles ko sa folder habang inaantay matawag ang nasa unahan ko.

Kailangang matanggap ako sa trabahong toh. I really need this job. Monday to Friday ang pagiging Secretary ko dito. Saturday and Sunday ng umaga ay nagbe-bake ako sa isang bake shop. Tuwing gabi naman ay cashier ako sa isang fast food restaurant.

Ako na, ako na desperada. Para naman ito sa kinabukasan namin eh.

"Miss Katrina Ferrer? Ikaw na po ang sunod" tawag sa akin ng isang babaeng hindi katandaan. Maganda ito at makubra ang katawan.

Agad Kong inayos ang sarili Ko bago pumasok sa pintuan.

"Good luck Ma'am" nakangiti niyang sabi kaya sinuklian ko din siya ng matamis na ngiti.

Pagpasok ko ay agad kong napansin ang isang lalaking abala sa pag aayos ng mga papeles niya at pinipirmahan ang ibang mga papeles.

Agad na nahagip ng mga Mata ko ang perpekto nitong mukha. May mahabang pilik mata, matangos na ilong, mapulang lagi at nakakatusok na panga.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya na nangyari naman. Nag angat siya ng tingin at agad na napatayo.

May nakita ako sa mga Mata niya. Galit? Pagkagulat? Lungkot?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya na ikinagukat ko.

Aba? Obvious ba?

"Ah m-mag a-apply po sana sir"

Agad na kumunot ang noo niya.

"Stop pretending that you don't know me" natawa siya ng bahagya dahilan ng pagkunot ng noo ko. "Wag na tayong maglokohan dito Katrina, c'mon. Bakit ka pa bumalik?" Medyo iritado niyang tanong.

Ha? Anong pinagsasasabi nito? Di niya ba nabasa yung informations about me? I have a freaking Amnesia! Kaano ano ko ba toh? Is he my brother? Cousin? A friend?

"I'm sorry, I can't remember anything. I have Amnesia. Naaksidente po ako." Mahinahon kong sabi.

Humalakhak siya at sumandal sa mesa niya.

"Gasgas na iyang linya mo Katrina, manloloko ka."

Aba't, inaano ko ba to? May utang ba ako dito?

"Sir, I'm telling the truth. Kung ayaw niyo akong i hire okay lang, maghahanap ako ng ibang trabaho" sabi ko at inayos ang sarili ko. "Good day sir"
Dagdag ko pa at tumalikod na para umalis.

What a waste of time.

"stop" sabi niya kaya agad akong napatigil sa paglalakad pero di ako agad lumingon.

"What?" Tanong ko habang nakatalikod.

"You're hired"

----*----*----*----

The Unforgotten LoveWhere stories live. Discover now