Nakita ko ang bestfriend ko na naglalakad palabas ng campus na mag isa. Dahil sa kuryosidad, sinundan ko siya. Nag taka naman ako dahil ibang direksyon ang kanyang dinaanan."Kaya pala di niya ako sinundo kanina may pupuntahan pala siyang iba!" Bulong ko sa sarili ko. Sa matagal na pag lalakad nakita kong huminto siya sa isang abandonandong building.
" Ito na yung hinihingi niyo!" Sigaw niya nalang bigla sa isang Abandonadong lugar na walang tao.
Bat andito sya? Anong sinasabi niyang Hinihingi nila?
"Sigurado ka ba na yan na ang hinihingi namin?!"
Biglang sigaw ng boses lalake na hindi pamilyar, nakikinig lang ako sa sigawan nila.
"Oo Kumpleto na ang hinihingi niyong pera basta wag niyo lang siyang sasaktan" What? Sasaktan sino? May tinatago sakin ang walanghiyang lalaking to!
"Good, kunin niyo na ang pera!" Nag lakad ang isa pang lalake para kunin ang dalang pera ng kaibigan ko, sumenyas ang parang boss nila sa kumuha ng pera.
"A-ack! t-tama na!" Pangaawa ng bestfriend ko sa lalaking bumaril sakanya, Hindi ko na kaya ang sakit makita bestfriend mo na pinapatay na wala man lang kasalan.
Kahit nanginginig na ako sa takot sinubukan ko parin tumawag sa mga pulis, Pero bago pa mangyari ang lahat na kita ako ng isang lalake na kasama ng bumaril sa kaibigan ko.
"Anong ginagawa mo dito ha??!" sigaw sakin ng lalake
"K-kuya parang awa n-niyo na po pakawalan niyo na po kaibigan ko" Hindi ko na talaga kaya ang takot ko pero para sa kaibigan ko gagawin ko ang lahat.
"Boss! may babae dito!"
"Patayin mo na yan bago pa tayo mahuli dito" Sabi ng boss nila
Wala ng malay ang bestfriend ko at naliligo na sa sariling dugo.
"Kuya wag po maawa po kayo samin!" Sigaw ko
*Bang*
"Manahimik ka!"
"A-ack!" napakapit ako sa braso ko na dugo an na, Napaupo nalang ako sa sahig at pinagmamasdan ang kaibigan ko sinubukan kung lumapit sakanya.
"D-da.." Maraming dugo na ang nawawala sa braso ko
"G-gumising k-ka!" pinipilt ko parin mag salita kahit masakit na
Nakarinig pa ako ng sunod sunod na putok ng baril.
"M-mah.."
And everything went black that day.
YOU ARE READING
He died, But he came back
RandomStarted : May 06,2018 Maniniwala ka ba na ang patay ay buhay pa pala?