"ANO?!" Sigaw ko nalang bigla
"Oo ate, Buntis si ate Kate kanina lang niya sinabi sa amin ni mama." Sani ni kenn
Bali tatlo kaming mag kakapatid ako yung pangalawa sa amin, Si Ate Kate, Ako at si Kenn. Kilala niyo naman siguro kung sino ako? Klean Kath Rivendell That's mahh name. (Lol Xd)
"Asan si ate?" Tanong ko kay kenn
"Umalis siya kanina ate kasama bestfriend niya mag papacheck up daw siya." Sagot ng kapatid ko
"Ah, Ma wag na po kayong malungkot o magalit kay ate siguro papanagutan naman siya ng jowa niya diba?" sabi ko kay mama sabay kuha ng plato.
"Oo nga nak papanagutan siya, Pero nak naman kaka trabaho pa ngalang ng ate mo paano nalang magiging future niya?" Malungkot na sabi ni mama
"Ma kaya na po yan ni ate at sa magiging ama ng anak nila." Paliwanag ko kay mama
Tapos na kami kumain at niligpit ko na ang kinainan naming tatlo. Si papa nag tatrabaho sa ibang bansa si mama naman house wife lang, Yung kapatid kung bunso at ako nag aaral pa siya high school student ako college na pero next year gagraduate na ako.
bumalik ako sa kwarto ko dahil wala akong gana ngayon kumilos gusto ko lang humiga, Isipin siya "Hayssss, Riri naman kasi bakit mo pa kasi ginawa yun?" I miss him Everyday,
Gusto ko siyang yakapin at sabihin na mahal na mahal ko siya pero huli na ang lahat wala na siya hindi ko na masasabi sakanya lahat ng nararamdaman ko.
Napag isipan ko na puntahan siya sakanyang puntod.
"Riri I'm here kamusta ka na diyan? Masaya kana ba diyan? Ako kasi Ri hindi ko pa matanggap na nawala ka." Sabi ko sabay lagay ng kandila at sinindihan ito.
Basa? Tumingin ako sa langit " Hala ang dilim ng kalangitan ngayon, Ay umuulan na jusq naman wala pa naman akong dalang payong." Reklamo ko sa sarili ko
Tumayo na ako at nag lakad na papunta sa may puno para mag pasilong.
Bumilis nalang biga tibok ng puso ko napakapit ako sa dibdib ko, Basang basa na din ako ng ulan.
"Miss are you ok?" Sabi ng boses lalake
"No I'm not, Nakikita mo naman na basang basa na ako oh!"
"Ok? I'm sorry ito payong miss" Alok niya sakin ng payong niya
"Isa lang naman payong mo sayo nalang yan, tutal basa naman ako."
"Kahit na miss mag kakasakit ka niyan" Pamimilit niya sa akin
"Sige na nga napaka gentleman mo naman eh." sabi ko sabay kuha ng payong niya
"Saan kaba nakatira miss?" Tanong niya sakin
"At bakit ko naman sasabihin sayo?" Mataray na sabi ko sakanya
"Ah? Taga Rivendell ako"
"Tinatanong ko huh?"
"Sungit hahatid ko pa naman sana siya, wag nalang pala" nag paparinig na sabi niya
"Inaano kita ha? Salamat sa payong ah mauna na ako" Paalam ko sakanya
"Miss ano pala pangalan mo?" Sigaw niya saakin
Hindi na ako sumagot at pinarahan na yung taxi na dumaan.
Bat ba kasi ang taray ko ngayon? Nag mamabuti lang naman sakin yung tao eh.
Nakarating na ako ng bahay.
"Kenn buksan mo nga dito yung pinto bilis!" sigaw ko sabay katok sa pinto
"WAITT ATE!" Sigaw niya pabalik
"Bilis basang basa na ako"
Binuksan na niya yung pinto at " Ate, San kaba galing? ayan basang basa ka tuloy."
"Nanggaling kasi ako sa puntod ng bestfriend ko" Sabi ko sabay paakyat sa hagdan at pumasok na sa kwarto.
YOU ARE READING
He died, But he came back
RandomStarted : May 06,2018 Maniniwala ka ba na ang patay ay buhay pa pala?