Constancia Celeste Ledesma Raymundo, 'yan ang buong pangalan ni Chance. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap lamang--ang maging isang sikat manunulat. Lumaki bilang isang ulila, siya ay namulat sa isang malungkot na buhay. Sa kabila ng lahat, natuto siyang tumayo sa sariling mga paa at alagaan ang kanyang sarili.
Palaban at may prinsipyo, nang mabuntis si Chance ng isang estranghero, pinili niyang 'wag na lang hanapin ang ama ng dinadala. Sa halip, pinalaki na lang niya ang bata ng mag-isa. Dahil sa pagiging single mom, napilitan tuloy siyang wag muna suyuin ang kanyang pangarap at sa halip ay naging isang ghost writer muna.
Earl Miguel Lopez del Castillo. 'yan naman ang pangalan ng tagapagmana ng Royalty Publishing House. Mula sa pamilya ng manunulat, si Earl ay paulit-ulit na pinapayuhan ng kanyang mga magulang na ipagpatuloy ang magandang pangalan ng mga del Castillo sa larangan ng panunulat. Sa kasamaang palad, siya ay hindi sang-ayon rito 'pagkat ang puso niya ay nasa larangan ng musika.
Subalit dahil sa isang tempting na offer ng kanyang Lolo, si Earl ay napilitang pasukin ang larangan ng paggawa ng nobela. Hindi niya nga lang alam paano. Ngunit palagi namang may paraan kung gusto, hindi ba?
Kagaya na lang ng pagkuha ng isang ghost writer.
BINABASA MO ANG
The Prince of Chance
RomancePwede nga bang maiba ang sequence ng pagmamahalan? Kaya nga bang maging happy ending kapag nauna ang ending kesa sa beginning?