Napasandal si Chance sa sofa at napabuntong-hinga. Hindi niya alam kung paano niya matatapos ang pinapagawang nobela sa kanya ni Lean, assistant ng kanyang publisher—sa loob ng tatlong araw. Karaniwang mortal lang naman siya at hindi si Wonderwoman o ‘di kaya’y si Darna. Halos maging kapeng barako na nga mismo ang dumadaloy sa kanyang sistema sa halip na dugo. Ginagawa niya ng tubig ang kape para lang manatiling buhay at gising. Tatlong araw na lang at kukunin na sa kanya ang manuscript ng bagong istoryang kanyang sinusulat. Napakamot siya ng ulo’t napatingin sa kisame. Bakit nga ba siya nagpapakahirap ng ganito samantalang hindi naman siya ang nakikinabang sa mga nobelang sinusulat niya? Isa kasi siyang ghost writer sa sikat na manunulat na si Emi del Castillo. Romance ang genre ng mga sinusulat niya na minsa’y umaabot na rin sa erotica. Hindi niya nga lang lubos maisip kung saan siya nakakakuha ng inspirasyon samantalang NBSB naman siya. Talagang malakas lang siguro ang imagination niya. Well, yun lang naman talaga ang magagawa ng mga kagaya niyang hindi pa nagkakaboypren simula pagkasilang: ang mag-imagine.
“Mama,” isang mahinang boses ang pansamantalang nakagambala sa kanyang mga iniisip. Si Lyric. Ang apat na taong gulang na anak niya. Totoong NBSB siya pero siya’y isang single mom. Kahit siya’y nawewirduhan sa kanyang buhay. Ngumiti siya sa kanyang anak at ito’y agad na lumapit sa kanya. Ngumiti ito pabalik at kitang-kita ni Chance ang malalim na beloy na namana pa nito sa ama nito. Napabuntong-hininga ulit siya. Naalala niya ulit ang lalakeng ‘yon. Ang ama ni Lyric. Ang lalakeng naka-one night stand niya. Limang taon na silang hindi nagkikita pero hinding-hindi niya makakalimutan ang lalakeng pinagkalooban niya ng buong pagkatao niya. Halatang nagmana si Lyric dito. Maliban sa beloy ay nakuha rin ni Lyric ang mapungay nitong mata at kulay gatas na kutis. Napalunok siya. Ayaw niya nang maalala ang mga pagkakamaling—hindi. Hindi pagkakamali si Lyric. Kahit sabihin pang produkto si Lyric ng alak at maling pagdedesisyon, hinding-hindi siya nagsisi na pinandigan niya ang pagdadalang-tao niya noon dito. Kung makikita pa nga niya ang lalakeng nakabuntis sa kanya’y magpapasalamat pa siya sa pagbibigay ng isang anghel sa buhay niya. Si Lyric ang nagbigay liwanag sa noo’y madilim niyang buhay.
“Hi baby.” Kinandong niya ang bata at niyapos sa isang mahigpit na yakap. Ito na marahil ang sagot sa katanungan niya kanina kung bakit pa siya nagpapakahirap kahit parang napupunta naman sa wala ang mga pagsusulat niya. “Sorry, mama’s doing something pa. Bakit, ‘nak?” tinanong niya ang bata.
“Miss na mama. You don’t sleep in our bed anymore. Plus, hindi ka na ligo rin.” Inosenteng tugon nito. Napatawa si Chance sa anak niya.
“Mama misses you too, anak. But I have to do this because we will not have anything to eat anymore if I don’t. Gusto mo ba wala na tayo food? I explained this to you naman ‘di ba, ‘nak?”
“Opo. Pero ayoko na food. Gusto ko na lang ikaw mama.” Malungkot na ngumiti si Chance sa kanyang anak.
“Malapit na rin ito, anak. Babawi si mama, promise.” Pinatong ni Chance ang kanyang kamay sa ulo ng bata.
“Ligo na muna mama before making promises.” Tugon nito. Napatawa ulit si Chance.
“Sige na nga baby. Malakas ka sa akin, eh. Gusto mo punta tayo sa Mcdo? Let’s buy you a happy meal since good girl ka naman.”
“Talaga, mama?”
“Yes, anak.” Ngumiti siya sa kanyang munting anghel.
“I love you mama.”
“I love you too, baby.” At saka niyapos na naman ang bata.
Nagdesisyon muna si Chance na maglakad-lakad sa labas kasama si Lyric, tutal wala namang pumapasok sa isip niya para sa kwento. Dalawang chapter na naman lang ang kulang niya. Sadyang hindi niya lang talaga alam paano magtatapos ng masaya yung mga tauhan sa aklat niya. Readers dig happy endings pa naman. Sa tatlong taon niyang pag-ghoghost write, yun ang isa sa mga gintong aral na natutunan niya sa kanyang mga tagapagbasa. Sa ganung paraan, naging advantage pa kasi na hindi siya ang kinikilalang tagapagsulat ng mga kwento niya. Nakikita’t naririnig niya kasi ng walang halong bola ang perspektibo ng ibang tao sa mga sinusulat niya. Honest opinions kumbaga. At ‘yon naman talaga ang pinakamalaking reward para sa kanya. Ang marinig na nagustuhan ng ibang tao ang mga aklat niya. Ang malamang nakapagpasaya siya ng ibang tao. Sabihin man na hindi siya ang sikat na awtor na si Emi del Castillo, at least, sa loob niya, alam niyang siya ang totoong manunulat sa likod ng mga aklat nito.
She was never really fond of happy endings herself though. Simula pagkabata pa lang kasi ay namulat na siya sa masalimuot na realidad ng buhay. Kung iisipi’y wala naman siyang pinagkaiba sa isang batang ulilang lubos. Bunga ng isang pagkakamali, ang mga magulang ni Chance ay agad siyang pinamigay pagkasilang sa kanya. Siya’y pinagpasa-pasahan ng mga kamag-anak na ayaw naman sa kanya. Hanggang siya’y mapadpad sa ninong niya na si Atty. Francis Martinez. Siya’y sampung taong gulang na noon. Si Ninong Francis ay may dalawang anak, si Francheska at Philip. Naalala niya kung paano tuwing pasko, maswerte na siya kung makakuha siya ng kendi o di kaya’y mga damit na galing bangketa. Tuwing kaarawan naman niya, maswerte na siya kung maalala ng pamilya ng ninong niya na bertdey niya at makakakuha siya ng maliit na keyk. Kadalasan, hindi kasi. Hindi naman sa pinagmalupitan siya ng pamilya ng Ninong Francis niya. Sa totoo lang, makatao naman ito sa kanya. Pinag-aral siya, dinamitan, pinakain at pinatira sa isang magandang bahay kapalit ng konting pagseserbisyo nito sa kanila. Siya ang nagiging tagapangalaga ng bahay sa tuwing may family outing sila. Hindi naman niya ito dinamdam. “Family” outing nga naman. Hindi naman siya parte ng pamilya nila. Sapat na sa kanya na hindi siya minamaltrato at pinag-aaral pa siya ng mga ito. Maswerte na siya sa ganun. Yun nga lang, lumaki siyang malaki ang inggit kila Francheska at Philip. Kahit minsan ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang.
Kaya nga nung nalaman niyang buntis siya ay hindi na rin siya nagbalak na maghabol sa tatay nito. Maliban kasi sa hindi naman niya ito kilala ay wala siyang balak ipasok ang magiging anak niya sa isang pamilyang hindi nabuo sa pagmamahalan—kagaya niya. Pinangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi mararanasan ng anak niya ang pagkukulang at kalungkutan na naranasan niya. Siya na lang ang magdudusa pero hindi ang batang nasa sinapupunan niya noon. Kaya’t pinaliguan niya ng pagmamahal si Lyric. Siya ang nagsilbing nanay at tatay nito. She was 22 when she had her. Pero hindi niya hinayaang ang batang edad niya ang maging kakulangan sa bata. Gradweyt naman siya ng Creative Writing sa Philippine National University kaya’t natatanggap naman siya sa mga freelance jobs. Sadyang, three years ago ay nagkasakit ng malubha si Lyric at napilitan siyang kumapit sa patalim at mag-ghostwrite para sa isang Emi del Castillo na anak ng may-ari ng Royalty Publishing House. Sakto kasing nangailangan si Emi ng ghostwriter sapagkat nagquit na ang previous ghostwriter nito. Nakapagpasa naman siya sa kumpanya ng Royalty Publishing House ng sample ng kanyang mga sinusulat kaya’t maswerte siya na siya ang napili. Five years ang contract niya with Emi. Hindi ito ang nakipag-usap sa kanya kundi assistant nito na si Lean. Kaya’t hindi pa niya talaga nakikita ang writer na si Emi del Castillo kahit isang beses. Hindi na rin naman mahalaga sa kanya na makilala ito. Ang mahalaga sa kanya’y may pera siya sa bawat librong natatapos niya. Chance Raymundo ang pakilala niya sa kanyang employer ngunit ang kumpletong pangalan talaga niya ay Constancia Celeste Raymundo. Or kapag trinanslate ay “Constant Stars of the Earth.”
![](https://img.wattpad.com/cover/18589153-288-k85100.jpg)
BINABASA MO ANG
The Prince of Chance
RomancePwede nga bang maiba ang sequence ng pagmamahalan? Kaya nga bang maging happy ending kapag nauna ang ending kesa sa beginning?