Chapter 16

598 21 3
                                    

Triz

"Oh bakit panay dabog mo jan? Pinag babasag mo na mga gamit mo sa condo mo ah"

Sa sobrang inis ko kasi lahat ng mahawakan ko tinatapon ko, nag wawala ako kumbaga

"Ano problema?"

'Kianna manahimik ka nga muna'

Nakakairita talaga, nakakagago tangina ang gago ko, Bwisit si Isabel Beatriz de Leon

"Dude, kalma, let's talk okay? Ayusin natin yan, c'mon spill that shit up para hindi ka nag wawala jan"

'Kianna kase, we were eating together ni Deine sa isang eat all you can tapos andun din si Sirona'

"Oh did she get jealous?"

'No, tinanong ko kasi siya kung nag eenjoy siya kasama ako. Tapos sabi niya: wag ka ngang ganyan, porket nandito ex mo e. Tapos nalito ako sa sinabi niya kaya tinuro niya saakin yung table nila Sirona. Pero habang tinatanong ko siya nun di ko naman alam na nandun din si Sirona e'

"Oh ano sinagot mo dun sa sagot sayo ni Deine?"

'Eto na yung pinaka gago. Sabi ko: Ya...you're right'

'Aray!'

Lakas ng batok saakin ni Kianna taena parang hindi to nag MVP sa women's volleyball ah.

"Napaka bobo mo, ano sabi niya after nun?"

'Nung ihahatid ko na sana siya sinabi niya na: let's stop seeing each other kesyo halata naman daw na mahal ko pa ex ko, bawiin ko daw siya sa lalaking yun'

"Tangina napaka bobo mo! Talitalino mo sa acads pero tarantado sa totoong buhay!"

"Oh ano plano mo ngayon?"

Teka bakit parang sa tono ng tanong ni Kianna e parang naka buntis ako.

'Idk, baka it's now time na layuan ko na talaga siya'

"Magka aminan nga tayo, mahal mo pa ba?"

'Sobra sobra'

"Edi go, clear yourself to her, explain"

'Baka eto talaga ang gusto niya? Siguro ibigay ko na lang. Kung kami talaga, tadhana ang gagawa ng paraan'

"Hoy wag mo iasa sa tadhana ang lahat, pano kung kayo pala talaga ang para sa isa't isa kaso inasa mo lahat sa Tadhana e nawala? Alam mo, Triz, kung mahal mo edi kabugin mo ang powers ng Destiny hahaha"

'Bye, lumayas ka na sa condo ko kasi for sure naka kain ka naman na'

"Che! Letchugas ka anak ka talaga ng tatay mo gago ka wala man lang pasalamat!"

Naka alis na si Kianna, humilata nalang ako sa kama ko, kahit napakarami ko pang aayusin dahil sa pag wa walang ginawa ko kanina.

Mahal na mahal ko si Deine, pero alangan naman ipag sisikan ko pa ang sarili ko sakanya. Maybe it's now the time to let her finally go.

-----

3 WEEKS HAD PASSED pero hindi ko na nakikita sa school si Deine after nung sinabi niya saakin na wag na daw kami mag kikita. I already called most of her friends pero wala daw silang alam sa pinag gagawa ni Deine lately.

Nakaka walang gana na mag aral, wala naman si Deine, wala yung babaeng mahal ko. Siguro eto talaga yung gusto ni Deine, ang magkaron ng distansya sa pagitan naming dalawa.

"Dude, is that Deine?" Turo ni Mj dun sa bintana

And yes, siya nga si Deine, pero....wait what!?! Si Zoe kasama niya!? Is she out of her freaking mind!?

"Dudee, baka malusay na sila kaka tingin mo, mala empyerno pa naman ang tinginan natin jan tol e hahaha"

'You know what, it isn't the right time to laugh your ass off in this situation okay? Tsk'

Wala na, sira na araw ko, bakit kaya sila sabay nag lalakad ni Zoe? May gusto na ba si Deine kay Zoe? Wait wait no!! I won't let that happen.

'Alis ako, ikaw na bahala mag explain kay Prof at sa iba nating katropa okay?'

"Where the hell are you going? Hoy barumbado ka gago! Playgirl kasi tsk tangina mamatay ka sa selos kay Zoe!"

Gago lakas ng loob, e naririnig ko pa siya

'Pasalamat ka Majoy Baron kaibigan kita at kung hindi baka napalayas ka na sa school na to, gago' sabi ko nalang sa isip ko habang umaalis papalayo sa classroom namin.

10:45 am na, malapit na din mag lunch, san kaya to pupunta?

I just decided na sundan sila... Ang saya ni Maddie kay Zoe ah, tsk ako dapat nag papasaya sayo at hindi yang bench player ng women's basketball team, ang saya mo Deine nakakainis tapos ako halos mabaliw na kung anong gagawin ko bumalik ka lang e.

--------

12:32 na at wala pa'kong lunch lunch kakasunod sakanila, wala ba silang balak mag lunch!? Gugutumin ba nito si Deine!? Aba dugyot tong bench player ah

Ay hayup! Ang ganda naman ng surprise ni Zoe kay Maddie, kaya pala pakahaba kahaba ng linakad namin kasi may naka ready na palang set up para sa lunch nila.

Siguro sa sobrang saya na din e napayakap si Deine kay Zoe, haha parang dinudurog ang puso ko. Game over na ba talaga ang Beaddie? Haha naluluha nalang ako sa nakikita ko.

------

Deine

Pabalik nako ng classroom ko ng may mga taong nag bubulung bulungan, i didn't bother naman it's just a waste of time e.

"Did you know what happened to Triz?"

Pambungad na tanong agad saakin ni Monique

'I don't care' malamyang sabi ko sakanya

"Hoy umayos ka nga! Baka marinig ka ng ibang tao sabihin demonyo best friend ko"

Pangaral saakin ni Monique

'What's the matter ba kase?'

"Hinimatay si Triz sa kalagitnaan ng init beh, ang sabi ng iba na nakakita sakanya bago siya nahimatay e iyak daw ng iyak si Triz tapos hinahawakan daw neto yung puso niya"

'Asaan siya?'

"Nasa clinic, pero maya maya din ata e dadalhin na siya sa ospital"

Wala na akong pakealam, dali dali akong pumunta sa clinic kung nasaan siya.

'Ate rose nasaan si Triz?' Tanong ko dun sa isang nurse ng clinic

"Ma'am nasa dulo po siya"

'Thanks'

Panay kabog ang dibdib ko, habang papalapit ako sakanya mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Ginalaw ko ang kurtina para makita si Triz. Di ako sanay na nanghihina siya at halos sobrang putla ng mukha niya. Siguro mas malala pa tong nangyari kay Triz kumpara sa mga ibang cases ng mga nahimatay, madami ang naka kabit sa kanya na kung ano ano sa ngayon e.

'Ate rose, magiging okay ba si Triz?'

"Hindi ko din alam sa ngayon Ma'am e, kanina pa siya maputal. Maya maya may dadating na ambulansya para malagay siya sa ospital para dun mas mabantayan siya"

Ganun kalala talaga? Triz, ano ba to, bat ayaw mo pa bumangon jan e andito naman na ako. Sabi ko sa isip ko



















Let's spread the love of Beaddie

Vote and comment please

Buhayin ang lumulubog na barko ng beaddie

It ain't over till it's over || Beaddie (ON GOING)Where stories live. Discover now