JILLIANA'S POV
"Good morning ma!" Bati ko kay mama na nag-aalmusal pagbaba ko."Good morning 'nak!" Bati ni mama pabalik sa akin. Umupo ako sa tabi ng kuya ko at kumain. Sinulyapan ko ang wall clock, its 6:01 in the morning. Kinain ko ang bacon at nginuya ito ng 'kay bilis.
"Jillian! Hinay-hinay lang! Baka mabilaukan ka diyan!" Saway ni kuya na malaki ang ngisi. Inirapan ko siya at ipinagpatuloy ang pagkain.
"So Jill, ayos na ba a-
"Ayos na po ang bag, baon, notebooks, libro, lapis, ballpen, intermediate paper, at susuotin ko." Suhestiyon ko. Ngumiti sa mama at pinagpatuloy ang pagkain.
Tinapos ko ang pagkain at pumunta ng itaas para magbihis. Sumulyap ako sa relo ko. 6:19 a.m. na! My gulay!
Tumakbo ako pababa.
"Ma! Gotta go!" Sabi ko at bumaba. Hinalikan ko siya sa pisngi at umalis.*****
Eeeehhh!!! Ang tagal-tagal naman nila! Nakakainis! They promised na maaga ang punta rito pero tingnan ninyo, mas nauna pa yung palaging nalelate.
Nakakastress sila sa bangs ha! Nagpa-rebond pa ako, baka kumulot 'tong buhok ko, jusmeyo!Tiningnan ko ang entrance door, baka sakaling may dumating na guwapo. Tumaas ang sulok ng aking mga labi ng may makitang babaeng naninilaw dahil sa mga suot na alahas at lalaking parang isang anghel dahil nasisilawan ng araw.
"Mhercy! Jenon!" Sigaw ko at tumakbo palapit sa kanila. Binigyan ko sila ng malaki ngunit malambing na yakap.
"Ang aga yata ng babaeng may hepatitis." Biro ni Jenon sa akin.
"Susunduin ko na ang lolo kong may arthritis na kailangan ng barbeque stick para makatayo at lola kong mas maliit pa sa nuno sa punso." Biro ko naman sa kanila. Tumawa kami.
"Ikaw talaga ha, Jill!" Saway ni Mhercy sa akin. Himala! Ang dating boyish ay naging miss universe na rin ang peg! Ang dating nagsusuot ng loose everything ay ngayon fit na fit na! Mhercy's wearing a pink floral dress na may mini skirt. Jusko! Mas malandi pa pala toh kaysa sa leon na nagmemate over fifty times a day! Ang puti-puti ng katawan! While itong si Jenon na dating maitim, maliit at parang skeleton ay ngayon matangkad, kayumanggi at muscular. For short, tall, dark and handsome. Nakasuot ito ng orange na t-shirt at brown shorts. May pa-neckplace pa siya.
"Umupo na nga lang tayo! Baka mabali tong skeletal system ni lolo Jenon! Wait lang, mano po lolo!" Nagmano ako at umupo. Tumawa si Mhercy. Umupo kaming dalawa ngunit kaming dalawa lang ang nakaupo maliban kay Jenon.
"Teka! Ako?! Matanda?!" Itinaas niya ang t-shirt at nakita ko ang anim na pandesal! Oh. My. Gulay. Nakakalaway! Hindi man ako pervert, ginawa niya akong isa. Ang init noh! Ang init-init!
"Tapos mo na bang pagpiyestahan ang katawan ko Jilliana? Ano? Matanda?" Tanong ni Jenon na nakangisi.
"Oo na nga, lo. Titigil na po ako sa pag-asar sa iyo basta tumigil sa paggawa ng eskandalo sa harap ko." Sabi ko at umiwas ng tingin. Bwisit!
Bumuntong hininga muna ako bago tumingin sa entrance. May nakita akong itim na sasakyan na tumigil sa harap. Alam ko na kung sino ito.
"Uy guys! Si Mhartial!" Sigaw ni Mhercy. Inunahan ako! That was supposed to be my line!
Lumabas si Mhartial sa pinto ng sasakyan. Ang guwapo pa rin niya! Kahit malayo, obvious na obvious na fresh at mabango ito. He is so cute and hot!
He is wearing a white polo shirt at naka denim jeans. Naka rubber shoes ito ng blue. Ngumiti ito bago lumapit sa amin.
"Hey guys. What's up? Sorry for being late. Its really traffic out there. Hey Jill." Bati nito sa akin. O. M. G!!!!
Nag-hello siya sa akin! Nag-hello siya sa akin! Okay, deep breaths Jill. Hindi ka dapat niyang mapansing nanggigigil sa pagkaguwapo niya.
"Hi guys!" Sigaw ng isang chinita. Ngumiti ako at nakalimutang nasa harap ko pa pala si mister guwapo.
"Kim chu-- este Achiko! Ang ganda ng peg mo ha! Saan ka nagpagupit? Sa barber shop? Sa junkshop? Baka sa petshop? Long and curly? Best choice!" Sabi ko. Tumawa si Achiko.
"Ikaw talaga! Bolera! Natatakot na ako sa iyo ha! Baka tibo ka!"
"Baliw! Hindi ako tibo noh!" Sabi ko at ginulo ang kanyang buhok.
"I hate you Jill!"
"I hate you too!" Tumawa ako at napangiwi si Achiko.
"Eto na nga oh!" Sabay kuha sa suklay sa bag ko.
"Thanks but no thanks. Baka may kuto pa yan, eeewwww! Hindi kaya dandruff, eeewww dirty!" Malanding tugon niyaat inihulog ang suklay. Maka-eeww parang maganda, 'ung bahay ay septic tank, mas ewww...
"OA nito!" Saway ko at kinuha ang suklay. Bago ko man kunin ito, may kamay na maputi na nakahawak sa kamay ko. Ang
l-lambot ng kamay! Tumingin ako sa lalaking nakahawak sa aking kamay. He seem's too familiar pero hindi ko matandaan. Think! Saan sa balat ng lupa ko nakita ang isang anghel na nakasuot ng itim na polo shirt na may buwaya sa tabi ng polo shirt niya. Nakasuot ito ng fitted skinny jeans at may red na rubber shoes. At teka... Rolex ba yang relo niya? Ang rich kid ni kuya ah!"Hey Jill! Nice to see you!" Bati nito sa akin at ngumiti. He has the most white teeth and perfect smile.
"H-hi? S-sino ka?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. Tumawa ito at kinurot ang ilong ko.
"You're already old!" Sabi nito. Napangiwi ako. Sino ba siya?
"I don't wanna be road, pero sino ka ba mister?" Tanong ni Achiko na ang mga matang chinita ay lumiit. 'Your road', hehe!
"You seriously don't remember me at all?" Tanong niya na parang gustong tumawa pero pinipigil niya.
"Seriously? Hindi kami nakikipaglaro sa iyo mister? Kung sekretong boylet ka man nitong friend of mine ko, sabihin mo na lang. Tutal, guwapo ka naman!" Suhestiyon ni Mhercy. Namula ako siguro sa sinabi niya kaya yumuko ako para itago ang simpleng kilig. Kung siya man ang boyfriend ko, nagpapiyesta na ako sa buong Pilipinas. Sana ganito na lang si Yeun, ang nakacrush sa akin dati pa nung elementary. Siya na sana toh!
"Its me! Yeun!"
"HA?!"
BINABASA MO ANG
We're Just Friends
JugendliteraturAno kaya ang feeling na kung saan alam mo nang nahuhulog ka na sa isang tao na matagal mo nang kasama? Kung saan siya ang shoulder mo kung umiiyak ka? Kung saan down ka tapos siya ang up mo? Di ba ang sarap isipin na nasa tabi lang ang iyong makakas...