Prologue

1K 36 11
                                    

“Ang INIT!” daing ng isang pasaherong nasa harap ko

Ganito ang paulit-ulit na reklamong naririnig mo mula sa mga bibig ng mamamayan ng Pilipinas. Sa tindi pa naman ng sikat ng araw, mabilis ka talagang pagpapawisan. Kagaya ko, kanina pa tumatagaktak ang pawis sa noo ko.

Gurl, pakiramdam ko basang-basa na ang singit ko. Hindi pa ako nakarating sa ina-applyan kong trabaho halos mabura na ang make-up sa mukha ko.

Hindi na nakakapanibago ang ganitong sitwasyon sa lugar namin. Araw-araw naman kasi ganito. Mas malala pa 'to kung pasko.

"Grabe naman! Mag tawas din kayo pag may time!" inis na puna pa ng isang pasahero habang nagsisiksikan kaming lahat sa loob nag bus.

Nang dumaan ang pasaherong iyon sa harap ko ay nalanghap ko talaga ang hindi ko maipaliwanag na amoy.

"Hindi na ba talaga afford ang deodorant ngayon? Mag proper hygiene naman tayo, please!" nandidiring bulong ko sa sarili.

Nang makababa ako, bumungad ang mainit na simoy ng hangin at maduming usok ng mga sasakyang nagsisibusina dahil sa trapiko.

Nagmadali akong pumasok sa building sa pag aakalang hindi na ako makahabol sa aking interview. Nakahinga naman ako ng malalim nang makita ang hindi gaanong mahaba pila ng mga applicants at nakipila nalang din ako.

School break kasi ngayon at kailangan ko talagang makapasok ng trabaho dahil ilang beses na akong paulit-ulit na naglilibot, wala paring tumatanggap sa akin.

"I'm sorry Miss, but we can't accept you," ang sabi ng makinis na babae sa aking harapan matapos niyang basahin ang resume ko.

"Po? Bakit po?" taka kong tanong.

"Because we need college graduates, not Senior High School." Mataray nitong tugon at inilagay sa mesa ang folder ko. "Nag cut off na din kami. Last na pala iyong babae kanina bago ka pumasok."

"Nagpapatawa po ba kayo? Edi sana specific ang nilalagay niyong post. Hindi yung 'We are hiring!' lang. Sige, your loss though," mataray kong sagot at inikutan ko siyang eyeballs ko.

Kawalan ako, gurl. Sa ganda, katawan, at brains ko, pwedeng-pwede na kaya ako sa trabahong 'to. Ang dali lang maging receptionist. Kayang-kaya ng powers ko 'yan.

Padabog akong lumabas sa opisina nila. Nagmartsa ako patungong exit at narinig kong magsalita ulit ang maarteng babae. Akala mo kung maganda, eh makinis lang naman ang kutis niya pero wala siyang maipagmamalaking mukha. She's nothing compared to me.

"Excuse me, hindi ka kawalan, and for your information sa dinami-daming nag-apply kanina, ikaw palang ang walang manners na pumasok dito," sigaw nito.

I sigh before turning my heel and face her annoying and cheap face.

"We'll see about that!"

"Talaga! Sana karmahin ka!"

Hindi ko na pinansin ang babaeng mukhang kabayo at nagpatuloy lamang ako sa paglalakad.

Halos masunog ang balat ko sa matinding tirik ng araw sa labas. Mabuti nalang nakasunscreen ako.

"Para," sabi ko nang may dumaan na taxi sa harapan ko.

"Saan po tayo?" agad na tanong ni manong kahit hindi pa ako nakapasok sa loob ng sasakyan.

"Po? Edi, dito parin. Hindi pa naman tayo nakaalis, kuya," sagot ko dito.

Humagikhik na lamang ito

Nakakatawa ba 'yun?

"Ang ibig ko pong sabihin, kung saan po kayo pupunta?" ulit niyang tanong.

"Korek kuya! Tama na nag question mo. Sa terminal po." I answered then my robotic smile reappears.

"Sige po. Sakay na po," tugon ni manong driver.

Habang nasa driveway na kami, may narinig akong salita na ikinairita ko lalo.

"Maganda ka sana, Miss. Kaso may saltik ka ata." Mahinang sabi ni manong pero narinig ko ito.

"Ano pong sinabi niyo? I'm sorry pero wala akong saltik. For your information kuya, mali po ang grammar ninyo. Tagalog word nga lang 'yon eh." Inikutan ko ito ng dalawa kong mata na halatang ikinagigil ng panga niya.

"Ang arte-arte niyo naman po. Mayaman po ba kayo para mag-inarte kayo ng ganiyan?" Tanong nito na ikinatigil ko. Parang bilang nag-zipper ng kusa ang bibig ko. "Parang hindi po ata kayo makasagot, hindi po kayo mayaman, no? Baka feeling mayaman lang," dagdag pa nito at humagalpak sa tawa.

"Manong, I'm only giving you corrections so you can correct yourself! Hindi para saktan ang damdamin niyo. Isa pa hindi ko po kayo tinawanan kaya kung ang akala mo tinatawanan kita nagkakamali ka," mahaba kong paliwanag "Oo, nagkamali ako kasi I'm being sarcastic. I'm sorry. I'm just having a bad day."

Napatahimik naman si manong dahil do'n. Nang makaabot kami sa terminal hindi parin ito makakibo. Kahit nga 'nong iniabot ko ang pamasahe ko sa kaniya hindi nga siya nagpasalamat eh. Pero, it's okay.

Nakakainis lang kasi talaga ang araw na ito.

Patay ako kay Tatay, wala akong nahanap na trabaho!

*.*.*

Prologue Ended

The Gay's Maid (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon