Bagyo

3 0 0
                                    

Bagyo
Salitang mayroong kakabit
Kakabit na ligaya, lungkot, at hirap
Hirap dahil pinipilit ko pa lamang tumayo mula sa pagkakadapa
Ngunit dumating na naman ang isang bagyo
Bagyo na tila'y hindi na matatapos ang pagdating nito

Minsan nais ko ng sumuko
Sumuko at magpatanggay na lang
Ngunit naiisip ko din na ang mga bagyo ay titigil din
Kahit mahirap ay sinisikap ko na maging maligaya

Maligaya dahil sa gitna ng bagyo ay nakilala ko kayo
Kayo na nagbigay kulay ng buhay ko
Na batid kong kasama ko sa bawat pagtakipsilim at pagbubukang liwayway
Upang muling makipagsapalaran sa mundo
Sa mundong ito na puno ng hirap at hapis

Broken Hopes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon