Kabanata 3

47 0 2
                                    

Give in

"No way I'm gonna marry her lolo! Ano bang sinabi ng lolo niya para magdesisyon kayo ng ganyan? Nilalason niya lang ang utak ninyo."

Nakita kong tahimik lamang ang aking lolo na pinakikinggan ang paratang ng lalaking nasa harap niya. Na para bang napaghandaan na nila ang reaction ng lalaking kausap ngayon.

"Stop it Beau." Saway ng mommy niya sa kanya. Nakita kong bumaling si Beau sa kanyang mga magulang.

"You know about this, why didn't you talk with grandpa to disagree. You all know that this is a ridicilous plan. Why the hell will you let me marry that kind of girl?" Itinuro niya ako. I felt low with the way he addressed me.

That kind of girl. Bakit? Ano ba ako sa paningin niya? Isang mahirap. Isang dukhang naghahangad ng yaman ng pamilya nila? Gold digger? Hindi ko naman ito ginusto ah.

"Stop. All of you." Umalingawngaw ang boses ng Don sa buong silid. Muli akong umupo at binalingan ang aking ina at bahagyang bumulong.

"Ma, alam mo din ito?" Isang tango ang ibinigay sa akin ni mama. Kitang kita ko sa kanyang mata ang kalungkutan.

"Bakit hindi niyo po sinabi sa akin ma?" May halong hinanakit ang tanong na iyon. Hindi pa nasasagot ni mama ang tanong ko nang muling magsalita ang senyor.

"Chelz, iha, alam kong nagulat kita sa balitang ito. Napagkasunduan na namin ito ng lolo niyo noon pa man. At alam namin na ito ay isang desisyong makakabuti para sa lahat. Para sa iyo."

"Ano pong ibig niyong sabihin Senyor?"

"Let's just say this is all for your good lalo na sa iyo Chelz. In time, mauunawaan ninyo din ang desisyon naming ito. At isa pa I can see your potential in helping our business become more successful." Mataman nitong tiningnan ang apo.

Pulang pula na ang mukha ni Beau. It's like anytime, bubugahan na niya kami, ako ng apoy.

"What the hell Lo?! You shouldn't decide on whom I will marry. Dapat ako ang magdedesisyon sa bagay na 'yan. At papaanong makakatulong sa akin iyang babaeng 'yan kung ilang buwan lang naman na pumasok siya sa kumpanya? She's not even a rich kid to start with. Magdedesisyon din pala kayong i-arrange ako, hindi pa sa katulad ni Angel." Ang tinutukoy niya ay si Angel Zyxel Santoro. Nag-iisang tagapagmana ng isang chains of Hotel magnate na si Richmond Santoro. Siya din ang current girlfriend nito. Kung ikukumpara mo ako sa kanya maihahalintulad mo kami sa isang langit at lupa. Siya ang langit at ako naman ang lupa. Hindi ako mayaman gaya ng pamilya nila. Hindi ako kasing ganda ng babaeng tinutukoy niya. She is one of those girl na talagang tipo ni Beau. Eight glass figure, malaking boobs, matangkad, in short pangbeauty queen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Devil's Slave (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon