Chapter 1

17 1 0
                                    

Bartender

"Hello?" Sambit ko nang biglang mapatawag si Rachel, pinsan ko.

"M-Maddie." Unggol niya at dinig na dinig ko ang inggay mula sa phone. Mukhang nasa bar na naman siya.

"Are you drunk? Gosh. I'll pick you up. Just stay there." Ibinaba ko na ang tawag at nagmamadaling bumaba sa sala.

Natanaw ko si Yaya Flor na busy sa pagpupunda ng mga unan sa sofa. Bakit ba kasi naglasing yang bruhang Rachel na yan? Jusko. Ako na naman sisisihin ni Dad dahil sa masamang gawain ni Rachel.

"Oh, Maddie, Saan ka pupunta?" Tanong ni Yaya.

"Susunduin ko lang po si Rachel."

"Ganun ba. Sige. Papatawag ko lang yung driver para ihatid ka." Iniwan na ni yaya ang kanyang ginagawa at tuluyan nang lumisan.

Pumasok na ko sa kotse at naghintay na lamang sa aking pupuntahan. Aist. Pasalamat talaga si Rachel at naging pinsan niya ko, dahil kung hindi, baka saan na lang siya pulutin.

"San po natin pupuntahan si Rachel, Ma'am?" Tanong ni Manong driver kaya nawala ako sa ulirat.

"Sa Grackle Bar po."

Kalahating oras lang ang naging biyahe namin papunta sa aming distinasyon. Nagmamadali akong lumabas sa kotse at mukhang mapapasubok ako dito. Ang wild ng lugar na to. God, gabayan niyo po ako sa aking paglalakbay.

Pumasok na ko sa loob ng bar at tumambad sakin ang mga nagsasayawang tao na parang nakawala sa kulungan. Mausok ang paligid at amoy na amoy ang alak. Dim lang ang light at halos mangisay na ko kahit nakatayo lang ako sa gilid.

Kahit labag sa kalooban ko, pinilit ko pa ring hanapin si Rachel. Mansinsin kong hinagilap ang pinsan ko. Tinititigan ko din ang bawat table kung nandun ba siya o wala.

Sobra sobra ang kaba ko ngayon. Alam ko namang baguhan lang ako sa ganitong klaseng lugar. Di ako sanay na makipag laklakan at makihalubilo sa ganitong mga tao. Para silang mga asong ulul at iniwan ng mga amo sa ere.
Naku. Naiisip ko tuloy si Rachel kung ano na ba ang nangyari sa'kanya.

Tinry ko siyang tawagan sa phone niya pero naka off ito. Nagiwan na lang ako ng message sakaling makita niya.

Gustuhin ko mang umuwi na, hindi ko magawa gawa. Kailangan ko sunduin ang lokaret kong pinsan. Naku. Umupo na lamang ako sa high stool katapat ng bar tender

"Order?" He asked with his charming smile. Tsk. As if naman na magugustuhan ko tong hinayupak na to.

"Ahmm...juice na lang."

"First time mo sa bar?" Tanong ng bar tender at napatango lang ako. "Well, you should try this."

Kumuha siya ng baso at sinalin ang kulay red na tubig. Tsk. Sabi ko na nga ba. Hindi ako makakalabas hangga't di ako nakakalasa ng alak.

"Here." Inilapag ng bar tender ang baso sa harap ko.

Inamoy ko muna ito at tuloy tuloy na nilagok. Arg. Ang pait sa lalamunan. God. Anong alak kaya to?
Tatayo na sana ako nang bigla sumakit ang aking ulo. Napatingin ako sa paligid at agad din namang nahimasmasan.

"Don't worry. Di naman masyadong matapang yang ininom mo." Sabi ng bar tender. Di mo aakalaing ganito ang trabaho niya. Mukha pa nga siyang may ari ng bar na to.

Ngumiti siya at bumalandra ang kanyang dimples.

"Want more?" He asked again.

Napatango ako sa kawalan at nagsalin ulit siya ng alak sa baso. Di ko alam kung tama pa ba tong pinag gagawa ko, but I think wala namang masama kung susubukan ko.

Nilagok ko ang alak at halos mapamura na ko sa sobrang tapang.

"Kulang pa ba?" Gosh. Anong kulang dun? Ayaw ko na ngang uminom tapos itatanong niya sakin kung kulang pa ba?

"Uhmm...n-no. That's e-enough." Nauutal na ko at ramdam ko na ang side effect ng alak. Nakakahilo na animo'y gumegeweng ang bar.

"Oh, you should try more, darling." Sinalinan niya ulit ang baso.

Aayaw na sana ako kaya lang masyado siyang mapilit. Pangatlong inom ko na ito hanggang sa naparami ako. Nawala na ko sa sarili. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Ang sakit. Ang sakit na ng ulo ko. Gosh. Ganito ba talaga pag nakatikim ng alak?

Nasapo ko ang aking noo at tuluyan nang napahilig sa lamesa. Rinig ko pa rin ang mga taong nagsisigawan habang nakikisabay sa agos ng music.

"Tsk. You're beautiful. Sobrang inosente ng itsura mo, pero kahit na ganun, gusto pa rin kitang dalhin sa kama." Napamulat ako at natanaw ko ang bar tender na nakangisi. Masama ang balak
nito.

Kahit nahihilo na ko, sinubukan ko pa ring tumayo. Dehado ako dito. Lasing na ko at wala na sa tamang wisyo. Baka kung ano pa ang mangyari sakin.

Bago pa ko makaalis sa high stool, bigla kong naramdaman ang paghawak ng bar tender sa hita ko. Nagpumiglas ako ngunit nagiging malabo na ang aking paningin. Di ko na kayang magpumiglas at sumigaw para humingi ng saklolo.

"You can't get away from me. Bakit ba ang chossy mo? Bibigay ka din naman eh." Kahit di ko gawain ang magmura ay nagawa ko pa rin. Natatapakan niya na ang pagkababae ko dahil lang sa mga putragis niyang salitaan.

"Let me go! Are you freaking stupid?! Di ako tanga para pumayag sa gusto mo! Bitaw!" Hinawakan niya ang braso ko nang napakahigpit kaya napaaray na lamang ako.

"Ayaw mong sumama sakin? Why? Kapag sumama ka sakin, You'll feel heaven. You'll feel my sensation————" hinawi ko ang kamay niya sa aking braso at hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Sensation mo mukha mo! Kala mo ba bibigay ako sayo? Duh! I'm not a girl na kinakama lang nang kung sino!" Nahimasmasan na ko kahit papano.

Galit ang kanyang reaksyon at halos lapain na ko sa sobrang pagtitig niya. Hindi siya natinag. Hinawakan niya ulit ang magkabilang braso ko at pilit inilalapit ang mukha niya sakin.

"GLEN!" Napalingon siya sa gilid at napabitaw na sa braso ko.

"F@ck! Bat nang gugulo ka na naman, Raziel?!" Naiiritang tanong nitong si Glen (yung bar tender).

"Stop it, dude! Nasasaktan mo na yung babae!" Sabi nung Raizel.

Di ko makita ng maayos yung itsura ni Raizel dahil sa nanlalabo kong mga mata. Parang sasabog na ko sa alak na ininom ko. Gosh.

"Okey. Madali naman akong kausap, Raizel." Sabi ni Glen.

"Good. And one more thing....bakit ka naka uniform ng pang bar tender?" Naguguluhang tanong ni Raizel.

"Tsk. Para makasungkit ng babae, dude." Natatawang saad ni Glen at agad naman siyang napatingin sakin. "Opps. I'm sorry, miss beautiful. It's my mistake." At tuluyan na siyang lumiban paalis.

Napaawang ang bibig ko sa nangyari. Aalis siya na parang walang nangyari? What the heck! Ang lupit din ng lalaking yon. Arg. Inaatake na naman ako ng hilo. Shit! Ang sakit sa ulo.

Ito na ang huling beses na iinom ako. For pete's sake, para akong tinutusok ng karayom sa ulo. God. Istupido talaga yang Glen na yan. Ang lakas ng loob na magpanggap bilang bar tender para lang makasungkit ng babae. Err!

Tinulungan ako ni Raizel but I insisted. Umalis na rin ako sa bar counter at hinanap na si Rachel. Buti na lang at medyo nahimasmasan na ko. Aist.






Please don't forget to vote and comment.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm not enough Where stories live. Discover now