#1: Continuation

27 0 0
                                    


Samantha's POV

I thought, this is it, I can finally be happy, that whatever pains and sufferings happened in the past will compensate whatever is bound to happen in the future. I thought this is my happy ending. Until....

* * *

Busy ako sa pagluluto nang biglang umalingawngaw ang malakas na iyak ni Astin

Nagpanic ako. Nagmadali akong hawakan ang takip ng kaldero nang...

"AAAH!" Napasigaw ako ng malakas, sa sobrang pagmamadali, napaso ako pero di ko na yun inalintana dahil tuloy pa din sa pagiyak si Astin, hinugasan ko nalang ang kamay ko saka napansing bigla siyang tumigil sa pag-iyak.

I was about to head upstairs when I saw Natary carrying our 10 months old Astin.

Humikab si Natary habang tinitignan si Astin na dala dala niya sa braso niya. Ang inosente at bilugang mga mata naman ni Astin ay blanko lang na nakatitig kay Natary na akala mo ay sinusuri niya ito habang subo niya ang isang kamay.

Namumula pa ang ilong, pisngi at mga mata nito habang may mga bakas pa ng luha sa bilugan at pumuputok niyang pisngi.

My heart melted at the sight. Mukhang nagising pa ni Astin si Natary sa iyak nito. I smiled secretly then as if on cue, Natary turned his attention to me.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa labi.

"Hi. Good morning." Masayang bati ko sa dalawa na nasa kabilang dulo ng hagdan.

Ngumiti pabalik si Natary sa akin saka hinawakan ang kamay ni Astin at winave ito.

"Hi mommy good morning!" Bigkas ni Natary saka pilit na inipit ang boses tulad ng bata. Natawa ako sa ginawa niya. Nang makita ako ay itinaas ni Astin ang mga kamay nito na para bang gustong pumunta sakin.

Napahinto naman si Natary saka nagpout at bumaba ang tingin sa buhat na si Astin.

"Aww. Baby you don't want daddy?"

Umiling naman si Astin na para bang naiintindihan niya ang sinabi ni Natary.

Natawa nalang ako sa reaction ni Natary na parang nasaktan.

"Good morning love." He softly whispered to me then kissed my forehead. I held back my smile as I hug him.

Humiwalay na siya saka umupo sa counter habang tinuloy ko naman ang pagluluto. Nang isinasalin ko na ang ulam...

"What's that?" Hinila niya ang kamay ko at dahil doon ay nabitawan ko ang sandok.

"Ah eto napaso kanina. Ehe." Pilit kong tawa para hindi na siya mag-alala ngunit kabaliktaran ang reaksyon niya. Naningkit ang mga mata niya at matalim akong tinitigan.

"How many times do I have to tell you to be careful?"

"Nag-iingat naman ako." Depensa ko.

"Do you wanna go to a hospital?" Halata sa mukha niya ang pag-aalala.

Natawa nalang ako sa pagiging OA niya. Sumama naman lalo ang tingin niya ng gawin ko yun kaya natigil ako.

"Aapplyan ko lang to ng ointment okay na." Pag rere-assure ko kaso mukhang di pa convinced ang loko.

"You sure?" Tumango ako at mukha nag-ease naman siya ng konti. Tinuloy ko nalang ang paghahanda sa mga pagkain habang nilalaro naman ni Natary ang anak namin.

Nang matapos ko ang pagluluto ay biglang pumasok sa kusina ang pumupungas pa na bagong gising na 4 years old na si Zoey. Sa kaliwang kamay niya ay hawak niya pa ang favorite na rabbit stuffed toy.

He's My Why (Book 2 of He's My What Series) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon