GUpROgresibo
[Tula]Sa paglipas ng panahon, ang mundo
Ay patuloy at unti-unting nagbabago
Kasabay ng bawat minuto o segundo
Na matikas at pustura kang nakatayoSa harap ng libo-libong mga mata
Ni isa ay di mo man lang kilala
Ni kadugo, ni kasundo, ni kapamilya
Ngunit handa mo paring alalayan silaSila na sa araw-araw ay naging
Parte na ng problema sa buhay at dilim
Bukas palad mong tinanggap ng walang daing
Kaya't pangalawang magulang, ikaw ay itinuringDakilang ama o ina na labis ang tuwa
Na kahit hindi nauna, palaging nariyan ka
Iaalay ang mga kamay at puso upang turuan sila
Pagkat hangad mo ang tagumpay at kinabukasan nilaNais mong mapaunawa na sila na lamang
Ang maari niyong paunlarin at asahan
Sa pagbabago at pagyabong na inaasam
Magpapatuloy sa daang inyong sinimulanKayat handa niyong ibahagi sa bawat tenga
Na makikinig sa mga salita at letra
Na pinaghirapan niyong buuin at maitula
Maisulat sa mga makahulugang tanikalaPanulat at kaalaman na bibitbitin namin
At magsisilbing tulay at salamin
Ng mga sakripisyo at paghihirap na tiniis mo
Upang gabayan ang magiging dahilan ng progreso ng mundo.Date: October 3, 2017
Author: Bannie M. Bandibas
Theme: Gurong Pilipino: Kaabay sa Progreso
Genre: Inspirational/Commemorative
Award: 2nd PlaceRamon Magsaysay Memorial Colleges General Santos
Teachers' and Employees' Day 2017 CelebrationIsang tula na alay ko para sa ating mga dakilang guro. Napapagod man ay hindi ninyo kami sinukuan 'pagkat tunay na hangad niyo ang aming tagumpay. Salamat sa pagtitiyaga at walang sawang pagbabanat ng buto upang kami ang maturuan. Isang malaking parte ang naibabahagi ninyo sa progreso ng mundong ating ginagalawan at aming pamumunuan, mga kabataan, bukas Pagpupugay para sa inyo, mga totoong alagad ng edukasyon.
BINABASA MO ANG
GUPROGRESIBO
شِعر[Tula] Isang tula na alay ko para sa ating mga dakilang guro. Napapagod man ay hindi ninyo kami sinukuan 'pagkat tunay na hangad niyo ang aming tagumpay. Salamat sa pagtitiyaga at walang sawang pagbabanat ng buto upang kami ang maturuan. Isang mala...