Simula

30 1 2
                                    


Last subject nalang sa araw na ito at uwian na. Medyo nababagot na ako sa kinauupuan ko habang nakatanaw lang sa labas mula sa bintana ng aming classroom habang nakapangalumbaba ako.

Maingay sa loob ng classroom at ang tanging nakakagaan sa aking pakiramdam ay ang simoy ng hangin na marahas na umiihip sa buong paligid dahilan ng pagsayaw ng mga dahon sa itaas ng puno.

Hindi namin alam kong dadating pa ba ang teacher namin sa subject na 'to dahil sampung minuto na ang dumaan ngunit wala pa rin s'ya.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtanaw sa mga taong dumadaan sa hallway na nasa tapat lamang ng room namin.

I like watching students wearing their complete uniform at school. It seems like they were really following the strict rules they were really serious about it.

Well, everyone should follow the rules and regulations and no one is an exception. We are bringing the reputation and image of the school and that's how it should be.

I can't hide my smile everytime I find it clean and organized.

"I'm losing my weight this past few weeks at natatakot ako na baka ma-malnourish ako! Gosh!" dinig kong sabi ng kaklase kong si Cathy na nag-iinarte sa harap ng mga kaibigan niyang babae habang nakaupo sa ibabaw ng mesa.

Gusto ko s'yang irapan ngunit 'di ko ginawa. Ang arte kasi. Nagkibit na lamang ako ng balikat.

"Psst? Annie!" Napalingon ako sa tumawag at nakita si Cathy na nangingiti.

"Ha?" marahan kong tugon.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin at bahagyang ngumuso. "Pahingi," sabi niya.

Kinunotan ko s'ya ng noo. "Ng ano?"

Humagikhik muna s'ya bago sumagot. "Pahingeng fats." Sabi niya tapos nagtawanan silang lahat.

Napapikit ako ng mata at bumuntong hininga. "Tss..." sabay iling ko.

Mean girls...

Kung wala silang magawa, hahanap sila ng taong mapagkatuwaan.

I admit, yes I'm fat. And they always make fun of me because of that.

Like, hello? What's wrong with being fat? There's nothing wrong about it!

This is what God gave me, and so what?

E kung inabala nalang kaya nila ang mga sarili nila sa pagpapasalamat sa Diyos dahil binigyan sila ng magagandang biyaya (not that this is not a good blessing) at huwag nalang mangealam sa iba?

They're hurting someone's feelings and that's not how it should be!

I hope they'll learn how to put theirselves to others so that they'll know how it feels like to be bullied.

"Oy Annie?" tawag niya pa ulit.

Tiningan ko s'ya at sumalubong na naman sa akin ang pilyo niyang ngiti. Hindi ko s'ya sinagot. Nag iwas nalang ako ng tingin at ayaw nang marinig ang maaari niya pang sabihin. Ngunit 'di nakatakas sa aking pandinig ang sunod niyang sinabi.

"Balita ko, nagtitinda daw kayo ng bigas at feeds sa inyo? Marami daw kayong tindahan lalo na sa palengke. Totoo ba 'yon?" mapanukso niyang sabi, tila nandidiri.

This girl is really getting into my nerves!

Nagtaas lamang ako ng kilay habang hindi nakatingin sa kaniya.

Ano naman kong nagtitinda kami ng bigas at feeds? Wala kayang masama do'n. Sa katunayan nga eh nang dahil sa negosyo naming 'yon kaya kami nabubuhay hanggang ngayon. Kaya bakit niya pandidirian? Wala namang madumi do'n.

It's Cruel To Be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon