Kabanata 3

4 1 0
                                    


Excited

"Ba't mo pa kasi naisipang doon bumili? Eh, may mas malapit naman na mall mula sa school n'yo ah? Pwede namang sa Ayala or kung mas malapit sa bahay niyo, sa SM! Anong nangyari sa paa mo't dinala ka pa sa LimKetkai? Oh, anong napala mo? Nagkasala ka, nagkautang pa! Oh gosh! Sa 'di mo pa kilala?! Hay naku, how awful!" Bungad ni Jam sa akin sa medyo boring na araw na ito. Magiging magulo lang yata dahil nandito na s'ya.

Kakapasok lang niya kasama sina Tito Jaime, Tita Juana at ang kapatid niyang sina James at Jade. Nananabik na mga itsura ang nakaplaster sa mga mukha nila habang iniikot ang mga mata sa loob ng masyadong makulay na boutique na ito kung saan dito napili nina Tita Anna at Tito Rence na magpasukat kami ng gown para sa nalalapit nilang kasal.

I glanced at Jam again. I flinched at her sudden reaction earlier. So what's the plan of this loud girl? Nag at me all day long? What the hell?

I rolled my eyes when Tita Juana began to comment about what Jam's saying. "Ano?! Nagkautang si Annie sa 'di kakilala?"

Halos magmura ako ng malakas nang napagtantong nandito nga pala sila ngayon, nakikinig. At mabuti nalang talaga at hindi ako tuluyang napamura ng malakas.

Kahit kailan naman talaga pahamak itong babaeng 'to!

"Ayy ah, maliit na halaga lang naman po 'yon Tita. Huwag na po kayong mag-alala." I tried my best to convince her pero parang walang epekto.

Sinamaan ko ng tingin si Jam na ngayon ay napakamot ulo na.

"Bakit? Anong nangyari't napautang ka?" Usisa pa ni Tita.

"Wala na 'yon Tita. Huwag mo nang alalahanin iyon. Wala na po iyon, tapos na po."

Pinilit kong tapusin ang usaping iyon sa paraang pagpunta ng banyo para magtigil na siya sa kakatanong sa akin.

I went back only to find out na nandoon na rin si Mama at Papa, kinakausap na ni Tita Juana. I couldn't hear what they are talking about though. I hope that it's not about me anymore.

Napakagat-labi ako. Walang ibang nagawa kundi ang maglakad patungo sa upuan ko malapit sa kanila.

What if they'll found out the truth? My heart pounded fast at the thoughts what if they'll open up about the book?

Let it be?

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na ako pinansin ni Tita Juana at nina Mama at Papa. Hindi ata nabanggit ni Tita sa kanila dahil ibang usapin na ang pinaguusapan nila kaya laking pasasalamat ko ng sobra.

Para hindi ako mapag-usapan at tanungin ulit o masulyapan man lang, lumapit ako kay Jam at hinila s'ya palabas ng boutique.

"Hoy! Saan tayo pupunta? Hindi pa ako nasusukatan oy!" Reklamo niya.

"Pareho lang tayo kaya mamaya na, sabay na tayo. Huwag na muna tayong pumasok baka tadtarin na naman ako ni Tita ng mga tanong. Ikaw kasi eh! Ang ingay mo."

"I was just wondering, okay? I'm sorry. Nadala lang." Sabi niya.

Sinimangutan ko siya. Nakakainis naman. Ngayon pa talaga siya inatake ng kabaliwan niya!

"Ang o.a mo! Hindi naman na nagtanong ulit si Mama. Pumasok na tayo, naiinitan ako!" Hinila niya ako pabalik ngunit pinigilan ko naman.

"Mamaya na nga eh! Samahan mo muna ako rito. Kasalanan mo kaya 'to!"

"Pumasok na kasi tayo! Kita mo naman na kadarating ko lang 'di ba tapos palalabasin mo ulit ako? Baliw ka ba?"

"Eh pa'no kung magtanong ulit si Tita? Anong sasabihin ko? Na napautang ako para matubos ang fines sa damages na nagawa ko dahil sa librong pang regalo sa'yo? Tapos tatanungin ako bakit ako nagkasala, ano ba kasing libro ang ipangreregalo mo sa anak ko, ano ba kasing nangyari? Tapos aamin akong may involve na lalaki at sinabihan akong 'Malibog' dahil sa malaswang librong nais ko sanang bilhin. Tapos pandidirihan nila ako, kwekwestyunin, tatanungin ng tatanungin, tang ina."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Cruel To Be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon