Chapter I

11 1 0
                                    

Chapter I

Alexandria's POV

*kring*kring*kring*

"Hay ano ba naman! Ang aga aga tsk!" First day of school ngayon kaya nakakahiya kung mala-late ako, kaya kahit maaga bumangon na ako, kahit ganto ako masipag ako duh!

"Hinanda ko na yung uniform mo kaya maligo kana, ihahanda ko lang ang almusal sa ibaba" sabi ni manang fe. Siya nag alaga sakin simula 7 years old ako. Sa lahat ng maids dito sa bahay sa kanya ako sobrang malapit, para ko na nga syang lola eh.

"Ok manang, paki sara nalang ho yung pinto, susunod nalang ako sa baba" sabi ko.

Nag bihis na ako pagkaligo ko at bumaba na. Naabutan ko sa baba si manang fe habang naka ngiti.

"Oh anak kumain kana" sabi nya. Ang ganda niya talaga pag naka ngiti ng ganito.. Hindi maipag kakaila na maganda siya nung kabataan niya.

"Salamat po" sabi ko at ngumiti sakanya.

Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako.

"Manang, alis na po ako" Sabi ko at tuluyan na akong umalis.

-

Pag dating ko sa school taas noo akong lumabas ng kotse ko at luminga linga sa paligid.

"Hindi na din masama. Maayos naman kesa sa dati kong school" sabi ko. Nasipa kasi ako sa dati kong school sa kadahilanang pinukol ko yung teacher ko ng ruler sa ulo. Ang daldal kasi. Okay enough na kwento.

Nandito ako ngayon sa tapat ng isang building, i think puro IT's ang nandito, ok ok hindi dito. Nag lakad lakad pa ako ng bigla akong may narinig na lalaking sumisigaw.

"Fvck! Get the hell out of my way!" sabi nung lalaki. Sabay tungo ng babae. Huh seryoso? Isang babae sinisigawan netong tuod na lalaki?

"Hm, walang respeto tsk!" sabi ko at papalapit ako sa direksyon nila.

xxx

Pasensya na po kung eto lang muna. Nag a-adjust pa po kasi ako at yan lang muna yung nakayanan ko.. Babawi ko ako promise hehe.. Leave po kayo ng comment/ suggestions. No bad comment please. Thanks! :)))

You're my Forever LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon