Tama Na

34 0 0
                                    

Noon ako'y alipin mo, baliw sayo kahit pa ako'y palaging niloloko
Pinapatawad lahat ng kasinungalingan mo, dahil dikayang mawala ka sa piling ko

Uuwi ka ng madaling araw, bangong babae ang umaalingawngaw
Kalasingan mo'y nangingibabaw, pulang marka sa iyong leeg ay lumilitaw

Ganito nalang palagi araw araw, kaya ako na ang magkukusang bumitaw
Nakakasawa ding unawain ka kaya ngayon ako'y susuko na

Pananakit mo ay sumusobra, puso koy lantang-lanta na
Pipilitin kong lumayo at arugahin ang sarili ko, tatayo mula sa pagkakandarapa sayo

Aayusin ko ang buhay ko, at magsisi kaman..

Hinding hindi na ako muling babalik sayo


[A/N: Oopppsxz. Nevah. Kawawa ka ate gurl kung babalik kapa. Haaaaynako.
Again, request for a theme/topic is open!

PLAGIARISM IS A CRIME! SOME WORDS CAN BE COPIED BUT MAKE SURE TO GIVE CREDITS.

Mga Tula Mula Sa Babaeng BinaliwalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon