Manhid

19 0 0
                                    

Lagi kitang tinititigan, lagi kitang pinapangiti
Walang ibang kahilingan, makita lamang ang kurba sa iyong labi

Nagsisilbing panyo sa t'wing ikaw ay iiyak, nagsisilbing alak para hilumin ang puso mong laging nawawasak

Hindi ka ba napapagod? Lagi ka nalang lumuluha
Lagi kang niloloko, hindi kaba nagsasawa?

Sana ako nalang, hindi kita pagtataksilan
Lahat ng puwang sa puso mo, aking pagtatakpan

Ngunit ang 'Sana' ay 'Sana'
di na ako aasa pa
Doon ako sa kung saan ka sasaya at wag kang mag alala,

Pagmamahal ko ay walang hinihinging kapalit
Walang patutunguhan kung sarili ko'y ipipilit

A/N: SANA ALL.  HAHAHAHA SORRY LATE UPDATE😂😘

PLAGIARISM IS A CRIME.  SOME WORDS CAN BE COPIED BUT MAKE SURE TO GIVE CREDITS.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula Mula Sa Babaeng BinaliwalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon