💍9

67 1 0
                                    

******
RAIN

"Congratulations!"

"Congrats Rain!"

"Ang swerte mo naman Castelo. Best wishes sa'yo!"

Maang akong napapatingin sa bawat estudyanteng bumabati sakin pagpasok ko. Hindi ko alam kung anong meron at bigla-bigla na lang ay naging mabait sa akin ang buong school. Dati-rati naman palagi akong iniirapan at sinusungitan pero ngayon, panay bati nila at ngiti na hindi ko maintindihan.

May napanalunan ba akong hindi ko alam?

"Alesh!!" Dinig kong tawag ni Trisha sa unahan kaya iniwasan ko yung iba pang estudyanteng kasalubong ko at tinungo siya. Halos mapunit ang labi niya sa lapad ng kanyang ngiti na para bang hindi mapakali.

"Ahhh!!" Biglang tili niya ng tuluyan ko siyang malapitan at tumalon-talon pa habang hawak ang aking kamay. Nanlaki na lang ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Grabe! I still can't believe it! Gosh! Kinikilig ako!" High-pitch niyang sigaw.

"T-Teka lang. Teka lang! Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Hindi ka ba nanonood ng tv?! You're on the news!"

"WHAT?!"

"Here oh, take a look." Inabot niya sa'kin ang hawak niyang magazine at itinuro ang isang pahina ng article. Lumuwa ang mata ko sa nakita.

Nakalagay doon ang ilang nakakamanghang picture ni Art na may nakalagay na caption sa ibaba. Famous Magnate, Soon To Tie The Knot.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang mabilis na binasa ang ilang nakasulat do'n.

Heir and acting CEO of Alarcon Global TeleCommunications.... Art Iñiguez Alarcon has finally decided to settle down.... According to reliable sources.... the lucky lady is a student of an all-girls school... Lady Prestine Academy.... Alesh Rain Castelo...

Tumigil ako sa pagbasa dahil parang akong nahilo bigla. Shįt! Paano 'to nakarating sa balita?

"Alesh I'm so happy for you! Ang haba ng hair mo girl! Abot hanggang Quiapo. You have to make me your Maid of Honor!"

Hindi ako sumagot. Natuliro ang utak ko kaya agad kong dinukot ang aking cellphone at nagdial. Sumagot siya after a few rings.

"I'm guessing you already heard the news?" Bungad niya sa linya.

"Paano nangyari 'to?! Bakit hindi mo man lang ako sinabihan? Bakit pati pangalan ko isinama sa news?!"

"Calm down. Wala rin akong alam sa balita. I wasn't even aware about it until this morning."

"Eh, sino nagpakalat ng tungkol sa kasal?!" Halos sigaw ko.

Transitory MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon