***⚜***
RAINNaninikip ang dibdib ko habang nakatitig sa puting tiles na parang nando'n ang sagot sa'king mga tanong.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. So what kung gusto niya ako? Damn, mi sa hinagap hindi ko maisip yun.
Nahilamos ko ang aking kamay sa mukha. Hindi ako sana'y sa ganito. First time kong may lalaking nagsabi sa'kin ng deretsahan na gusto niya ako! Juice colored! Ganito pala ang feeling. Parang tinutunaw ang lamang loob ko na gusto ko magtago.
Pwede naman akong lumabas rito sa restroom at takasan si Leandre. O di kaya'y harapin siya at anyayahin na lang na bumalik na ng studio.
O di kaya ay ayunan siya at umaktong parang walang nangyari.
Uhuh... Bakit kasi ang bilis ko'ng sumama agad? Hindi sana ako namomroblema ngayon! Kahit takasan ko si Leandre hindi ko naman alam ang daan pabalik ng studio.
Worst baka mawala pa ako sa malaking lungsod ng France!
Besides, I doubt kung matatakasan ko si Leandre. Eh nasa labas nga siya nakapwesto!
Option tumakas, erase!
Kung sabihin ko kayang may emergency at kailangan ko na agad makabalik agad ng studio?
Huminga ako ng malalim. Kaya mo'to Alesh! Aja!
Pinihit ko ang lock at lumabas na ng restroom. Sumilip ako sa labas ng cafe at nakitang naro'n pa rin sa mesa si Leandre, seryosong nakatingin sa kanyang hawak na cellphone.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Now na Alesh.
Kaswal akong lumakad pabalik sa aming inuokupang mesa. Parang nagulat pa si Leandre at mabilis na itinago ang kanyang cellphone.
Mabilis siyang ngumiti.
"Is everything alright?" Usisa niya.
Kalma Alesh.
Mukhang mabait naman 'tong si Leandre. Hindi kailangang mabahala. Konsinte ko sa'king isip.
"Yeah. Uhm, Trisha called and I think we need to go back." Hinaluan ko ng pagkabahala ang aking boses para naman kapani-paniwala.
Bahagyang napalis ang ngiti sa kanyang labi. Kapagkuway napalitan iyon ng tila peke. Yung tipong ngiti na ilang beses na niyang prinaktis sa harap ng camera.
"Why the sudden rush? You haven't even touch your food yet." Tila lambing niya. "Try the coffee. I promise you it's good."
Napatitig ako sa kaharap kong tasang may umuusok na kape. Wait. Did I stirred my coffee? Bakit nakapatong na sa platito yung kutsarita? At basa rin iyon na may bakas ng kape.
Biglang gumapang ang lamig sa aking batok.
Napapraning na ba ako? Hindi naman ako mahilig sa caffeine para maging nerbyosa ah. Pero bakit sinasabi ng utak ko'ng may inilagay siya sa aking kape nong umalis ako?
BINABASA MO ANG
Transitory Marriage
Literatura KobiecaNagsimula ang lahat sa isang kasunduan.. Meet Alesh Rain Castelo. Isang ordinary girl na may extraodinaryong pangarap. Matalino, palaban at halos lahat ng part-time jobs handa niyang sunggaban. Walking target man siya ng bullying dahil sa pagiging p...