"Andito na ang bride mag ready na kayo!"Sigaw ng organizer ng kasal,nang marinig ko ang sigaw na yun parang di na tumigil ang malakas na pagbayo ng puso ko.
Di ko maiwasang kabahan habang nakatayo sa gilid ng altar,hinihintay ang pagbukas ng malaking pinto ng simbahan.
Ng bumukas ang malaking pinto, halos hindi mo makita ang taong nakatayo dun dahil sa sobrang silaw.
Pero ng unti unti itong nawala,makikita mo ang isang diyosang nakasuot ng wedding gown at belo.
Habang unti unti siyang naglalakad sa aisle,di ko maiwasang maisip ang lahat ng alaala namin ng babaeng naglalakad ngayon patungo sakin.