CHAPTER 9

273 28 5
                                    

Kinabukasan ng pagkatapos ng kasal ni Ana at dylan.

Maaga na pala 7am na haist napasarap ata ang tulog ko.haiii! Ang sarap ng higaan ko sabay unat ni Ana sa kanyang paa at kamay. Huh? Bakit nasa bed ako ang alam ko sa sofa ako natulog kagabi sabi ni Ana sa sarili niya sabay tingin sa kanyang katawan at nilingon kung may katabi ba siya natulog. Nang lumabas siya ng kwarto nakita niya si dylan na humihiga sa sofa na habang nagbabasa ng news paper.

Hi! Good morning! Ba..bakit nasa kama ako?
Good morning! Ganda ng tulog mo ah! Parang sarap na sarap ka sa posisyon mo ah!!!
Ah! Bakit nasa kama mo na pala ako?
Sa tingin mo bakit nasa kama ka? Tumabi ka sa akin kagabi eh di mo naalala sagot ni dylan na napa smile habang nakatalikod pa ito sa mukha ni Ana.

Ano? Ako tumabi sayo hoy! Dylan hindi ko ugaling maglakad habang tulog. Seryoso bakit nasa kama mo na ako magkatabi ba tayo talagang natulog?
Hindi! Sa lakas mong humilik di ko kaya tumabi sayo pagkukunwari ni dylan. Nilipat kita sa kama kagabi dahil naawa lang ako sayo.
Ok lang naman sa akin yon dylan sanay ako kahit saan matulog.
Ok lang yon kagabi lang yon mamaya dito kana sa sofa. And by the way kumain na tayo nag breakfast kanina Pa ang breakfast naka deliver eh tulog kapa kaya di na kita ginising inantay ko na lang gigising ka sabi ni dylan kay Ana.Di nalang si Ana umimik at tumahimik na lang siya.

Nang uupo na si Ana sa upuan sa mesa para mag breakfast bigla siyang natisod sa isang upuan nito at muntikan ng matumba ng biglang nasalo siya ni dylan.At napayakap siya kay dylan,nagtagal ng ilang mga segundo ang yakapan nilang dalawa.
Are you ok Ana? May masakit ba? Tanong ni dylan na habang yakap si Ana.
Huh! Im fine dylan thank you! Utal na sagot ni Ana. At umupo na ito pero ramdam ni ana ang pagbilis ng tibok ng puso niya ng niyakap siya ni dylan.

Kumain ka ng marami Ana.
Kasi ang payat mo para kang walang sustansiya.
Huh! Eh! Malakas naman akong kumain siguro ito na ung katawan ko talaga. Sagot ni Ana na habang sa pagkain nakatingin.

Ahm! Talaga katawan mo na yan? Ang payat mo kasi oh! Ito french toast masarap ito sabay abot ni dylan kay Ana.

Ah! Thank you! Dylan kaya ko naman abutin ako na. Sagot ni Ana na tila naiibahan na siya sa kanyang reaction pag nahawakan o tinitingnan siya ni dylan.

Ana oh! Fresh milk masarap to sariwa talaga ito abot ni dylan kay Ana ng pagabot naman ni Ana sa kamay niya nagsingabot ang kamay nila at naghawakan sila ni dylan at 3 segundo din sila nagtitigan.

Huh! Ah!!! Thank you! Dylan sabi ni ana kay dylan at mabilis niya na iniwas ang kamay niya agad sa kamay ni dylan. Habang tinitingnan lang siya ni dylan sa kanyang mga reaction.

Nang matapos sila mag breakfast nagpaalam si Ana kay dylan na lalabas sa hotel at naboring ito.

Haist! Ano nangyayare sa akin bakit ako nagkaganito. Bakit hindi ako comfortable na kay dylan ang bilis ng tibok ng puso ko kung kasama ko siya. Mali mali ito hindi ako dapat mahulog o magkagusto sa kanya. Sa isip ni Ana na habang naglalakad sa harap ng swimming pool ng hotel. Nang biglang may lumapit sa kanya.
Hi! ANA nagkita na nman tayo. Kumusta? Bati ni alexander kay Ana ng makita niya ito sa pool at nilapitan niya ito agad.

Oi! Alexander ikaw pala ok lang! Oh! Bakit nandito ka anong ginagawa mo dito?

Ah! Dito ako nag cheak in pag pumupunta ako ng korea. Anong iniisip mo bakit sa tuwing magkikita tayo lagi kitang nakikita malalim ang iniisip mo? May problema kaba tanong ni Alexander ng makita niya si Ana sa pool na parang tila wala sa sarili niya.


Ah! Ganon bah! Ako wala! Ganito lang talaga ako. Pagkukunwaring sagot ni Ana.
Ah! Ganon bah! Ikaw huh di mo sinabi na.... naputol ang usapan ni Ana at alexander ng mag ring ang phone niya.
Exuse muna Ana huh at sasagutin ko lang tawag ko. Paalam ni alexander kay Ana at iniwan na niya ito.

Oh! Pare! Asan kaba banda? Kanina pa kita inaantay sa restaurant eh! Oh sige papunta na ako sagot ni alexander sa kausap niya sa phone.


Oh! Pare! Dylan saan kaba galing kanina pa kita inaantay.
May pinuntahan lang ako saan kaba pumunta noong kasal ko at bigla kang nawala.
I meet a important client. Kaya di na ako nagpaalam sayo. Oh kumusta ang bagong kasal pangaasar ni alexander kay dylan. Bilisan muna at ng maging ninong na ako.

Hahahaha! Buang sira ka talaga! tawa ni dylan na sagot ky alexander.

Oh! Bakit ka tumawa huh? Talagang ganon naman ang pupuntahan ng buhay may asawa.
Oo nga pare! Pero ayaw muna namin magmadali enjoy muna namin yong kaming dalawa pa lang sagot naman ni dylan kay alexander.

Ng biglang Naputol ang usapan ni dylan at alexander ng makita ni dylan si ANA na papasok sa restaurant ng hotel at tinawag niya ito.

ANA, Ana, tawag ni dylan sa kanya at lumapit naman agad si Ana sa mesa kung saan may kausap si Dylan.
Oh! Bakit dylan may kausap ka bakit mo pa ako tinawag ayaw kung maka disturbo sagot ni Ana kay dylan na habang si Alexander nakatalikod naman kaya di siya nakikita ni Ana.

Bestfriend ko to Pare! Si Ana ang asawa ko pagpakilala ni dylan kay Ana at sabay lingon naman ni alexander kay Ana.

Alexander! Sambit ni Ana na parang nagulat sa reaction.
Ana, ano kaba umupo ka ako pala ang bestfriend ng asawa mo since bata magkasama na kami niyan.

Wait wait! Pare magkakilala kayo ni Ana? Tanong ni dylan ng makita niya reaction ng dalawa na magkakilala na ito.

Yes! Pare, we meet twice first on the mall nakita ko siya doon na parang may iniisip and now before ako pumunta dito I meet her sa pool.
Ganon parin parang wala sa sarili na parang laging may iniisip ang mrs mo pare! Happy ba siya sayo pare? O baka naman ginamitan mo ng matalim na bagay si Ana para pakasalan ka lang. Pagbibiro ni Alexander kay dylan.

Nakakatawa ka pare! Ganyan lang talaga mrs ko pare may iniisip lang tungkol sa mom niya ata. Diba Ana sabay hawak ni dylan sa kamay ni Ana. At pinaupo niya ito kasama sila sa mesa.

Huh! Ah! Alexander iniisip ko kasi mom ko may sakit kasi yon kaya lagi mo akong nakikitang malalim iniisip. Sagot ni Ana na pagkukunwari.

Ah! Ganon bah bakit di kayo pumunta ng pilipinas kayo ni dylan and pare! Bisitahin mo naman ang mother in law mo.
Ah! Don't worry pare! Bibisitahin namin si mommy sa pilipinas. Para sabihin ko sa kanya na masaya ako nakilala at nakasama ko ang anak niya. Diba Ana sabay haplos sa mga kamay ni Ana si dylan. Na tiningnan lang sila ni alexander dalawa.

Alam mo dylan ang swerte mo kay Ana akala ko nga noong una naming meet sa mall dalaga siya.

Oo naman pare swerte ko sa kanya mabait. Maganda. Maalagain halos na sa kanya na nga pare lahat eh kunwareng sagot naman ni dylan na tinitingnan na lang siya ni Ana sa kanyang mga sagot. Sa isip ni Ana
Sos! Ang galing mo talagang magsinungaling tao ka?

Maya maya ng matapos ang paguusap ni alexander at dylan nagpaalam na si alexander kay Ana at dylan na babalik na ito sa room niya.At umalis na din si Ana at dylan.

Ana, di ko alam ah na magka kilala na pala kayo ng bestfriend ko bakit wala kang binanggit sa akin.

Bakit alam ko ba na magkaibigan kayo? Binata pa pala yon no sambit naman ni Ana na kinaiba ng reaction ni dylan.

Oh! Yes kung binata ano ngayon?
Tandaan mo di ka pwede maglalandi habang alam ng lahat ng asawa kita. At wag na wag mong ipaalam sa kanya ang tungkol sa contrata natin.

Bakit kaba galit? Huh? Sinabi ko lang naman binata ano bang mali doon. Wag kang magalala alam ko ang contrata natin. Sagot ni Ana kay dylan sabay alis ni Ana sa harapan ni dylan at pumasok na agad sa kwarto nila.





JUST A CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon