Chapter 9:

86 5 0
                                    

Renz's P.O.V.

Nagising ako sa sinag ng araw at sa alarm ko.

Tumingin ako sa alarm ko.

"7:08 am"

Bigla akong napatayo at tumakbo sa C.R. Shit! Malelate na ko! After 5 minutes nagbihis na agad ako at pumunta sa kusina. Nakita ko si Mama nagreready ng breakfast.

Kumuha na lang ako ng tinapay at kiniss si mama at Baby Nela. "Bye Ma! Late na ko!"

Bigla akong kumaripas ng takbo papuntang school habang kagat kagat ang tinapay.

Pumunta agad ako sa locker ko para ilagay ang bag ko at dumeretso sa gym. Pagdating ko sa gym nagwawarm up na sila.

"Congratulations Ms. Alvarez you're 15 minutes late." Sermon sakin ni Ethan.

Hays. Sabi ko na nga ba :<

"Sorry Captain." Sabi ko habang nakayuko.

"Do 50 push-ups!" Utos niya na nagpatakbo sakin palapit sa kanila at sinimulan ng magpush-up.

*********

"49, 50." Sabi ko at napahiga sa floor. Hinabol ko ang hininga ko. Tumayo na ako at kinuha ang towel ko. Umupo ako sa isang bench at pinunasan ang pawis ko. Nilapitan ako ni Ethan at bigla akong napatayo.

"Makisabay ka na sakanila magpractice" Sabi niya kaya sinunod ko naman.

~~~~~~~~LUNCH TIME~~~~~~~~

Kumuha ako ng pagkain ko at pumunta na sa isang table.

Nakita ko si Ethan na palapit sakin nang biglang umupo sa tabi ko sila Alex at Gordon at sa harap ko naman sila Lucas at Collin. Tinignan ko ulit si Ethan pero bigla siyang tumalikod at nakisama sa mga barkada niya.

Kumain na lang ako at hindi pinansin ang apat na kasama ko.

"Pst beybe Renz." Tawag sakin ni Collin.

"'Wag mo'ko tawaging beybe Renz, tigilan mo'ko Collin." Pagbabanta ko sa kanya at tinuloy ang pagkain ko.

"Okay. Babe na lang." Sabi niya pa at kinindatan ako. Inirapan ko lang siya.

"May gusto ka naman din saken aayaw pa. Tch." Rinig Kong bulong ni Collin.

"Hoy lalaking malaki ang ilong, ano nanaman pinagsasasabe mo dyan?" Inis na tanong ko sakanya.

Nakita ko siyang nagsmirk at tinignan ako.

"Hindi mo ba naalala yung nangyare kagabe?" Nakangiting tanong niya saken. Kagabi? Anong nangyari kagabi?

"Anong nangyari kagabi?"

"Hoy anong ginawa niyo?"

"Gumamit ba kayo ng proteksiyon?"

Narinig ko namang biglang sumingit yung tatlo sa usapan namin. Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at binatukan silang tatlo.

"Mga gunggong, kung ano ano nanaman naiisip niyo." Sabi ko at umupo na sa upuan ko. Napahawak sila sa ulo nila at yumuko. Ayan.

"I'll let you find it out yourself." Sabi ni Collin sabay kindat. Pft. 'Yan nanaman siya.

"Hay nako. Ewan ko sayo!" Sabi ko at tumayo na. Naiinis nako. Pupunta na ko sa room ko. Bahala sila. Naramdaman ko naman silang sumunod saken. Sumabay sa paglalakad ko si Collin.

"Galit ka?" Hindi ko siya pinansin.

Tinignan ko yung relo ko. Shit. Malapit na kong malate. Tumakbo na ko at pumunta sa next subject ko. Humabol sakin silang apat hanggang sa makapunta na kami sa room.

Falling For The Basketball Princess (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon