chapter5

7 0 0
                                    

Andy's POV
Nandito ako ngayon sa bahay namin dahil tinawagan ako ng magaling king ate.
"Buti nalang at nandito kanang bruhiya ka."sinamaan ko lang sya ng tingin dahil sa tawal nya sa akin.
"Pwede ba kung may kailangan ka sabihin muna dahil may gagawin pa ako."smabit ko dito. Bigla namang sumeryoso ang kanyang mukha.
"Nandito na sila sis."seryoso nyang sambit na naging dahilan ng pagkagulat at di naglaon ay naiyukom ko ang kamao ko. Sa tagal na panahon ngayon lang kayo bumalik, sisiguraduhin ko pag nagtagpo ulit ang mga landas natin hindi na kayo sisikatan ng araw.
"Saan ka pupunta."pigil ni ate ng malaman nyang aalis ako.
"Kung saan mailalabas ko ang galit ko."at iniwan syang nakatulala doon. Wala na akong pake kung tawagi nya pa ako. Sumakay ako agad sa bigbike ko at pinaharurot ito ng mabilis.
Dumating ako sa agency namin ang Lee's Agency. Agad na iniscan ng computer ang mga mata ko bago bumukas ang malaking gate.
"Welcome agent A."sambit nung computer, agad akong pumasok sa loob at tinungo ang daan papunta sa training room. Nadaan ko ang ibang agents na busy sa kanilang mga ginagawa.
"Hello agent A long time no see."mapang-asar na sambit ni Cassy. Hindi ko nalang sya pinansin dahil wala akong time para makipag-usap sa kanya.
"Badtrip na naman yata si agent A."bulungan ng iba. Nagtuloy-tuloy lang ako papasok sa loob at hindi ko man lang pinansin yong ibang agents na bumabati sa akin. Pagpasok ko sa training room ay agad kong kinuha ang baril ko at nagpunta sa shooting gun at nangmakarating ako doon ay walang pasabi-sabing tumira ako.

Chelsey's POV
Nakatingin lang ako kay Princess habang nagpapaputok sya. Kita mo talaga ang mga hinanakit nito. Naiyukom ko ang kamao ko, siguro alam nya na na dumating na sila. Hindi ko sila mapapatawad sa pagkitil nila sa buhay ng taong mahalaga sa akin at ang nag-iisang pamilya ko. Humanda kayo dahil  ngayon palang nagsisimula na ang kalbaryo ng buhay nyo. Sana hindi nalang kayo bumalik kung mahal nyo pa ang buhay nyo, ngumiti ako ng napakalawak at syaka tinahak ang daan paalis sa training room.
"Chelsey!!!"tinignan ko si Kaeisha.
"Anong kailangan mo?"tanong ko dito.
Ngumiti naman ito, tsk alam ko na ang balak nya gusto na naman nitong isama ako sa pamamasyal.
"Iba nalang ang isama mo Kaeisha may gagawin pa ako."hindi ko na sya hinintay na magsalita pa dahil agad na akong naglakad palayo dito.

Andy's POV
Nang matapos ako ay nagtagaktak ang mga pawis ko. Hindi na ako nag-abalang punasan pa ito at lumabas na sa training room. Pagkalabas ko nagulat nalang ako ng may kung anong  bagay ang tumakip sa mukha ko. Napahawak ako dito at kinuha ito sa mukha ko, isang towel lang pala.
"Dapat punasan mo yang pawis mo kababae mong tao hindi ka marunong magpunas ng pawis."sinamaan ko lang ng tingin si Nate. Ngumiti lang ito at lumapit sa akin.
"Bunso dapat alagaan mo ang sarili mo wag mo itong pababayaan baka magkasakit kapa. Kahit ito lang bunso pwede mo bang gawin para sa amin."malambung nitong sambit. Napabuntong hininga nalang ako at tumango syaka sya nilagpasan. Wala ba akong msyadong modo masanay na kayo dahil ganyan talaga ako sa kanila kaya nga ganyan sila ka alala sa akin eh. Lumabas ako sa agency at tinahahak ang daan papunta sa bigbike ko para umuwi na.
Pagdating ko sa condo ay agad akong napahiga sa sofa dahil kumikirot na naman ang aking ulo. Ano bang nangyayari sa akin bakit ganito nalang palagi ang ulo ko. Kahit namimilipit sa sakit ay dahan-dhan akong humakbang papunta sa aking kwarto para makapagpahinga kahit papano ang katawan ko.

THE NEXT MORNING
Naalinpungatan ako ng tumunog ang orasan ko. Napatingin ako sa orasan at kitang 6:00am na pala. Hindi man lang ako kumain kagabi. Tumayo na ako at naghanda para sa pagpasok sa paaralan. Kagapon pala wala kaming pasok dahil may mga inaayos ang mga guro namin. Pumasok na ako sa banyo at tumingin sa salamin. Nagulat nalang ako ng makita ko ang hitsura ko na ang putla. Kinapa ko ang leeg ko at wala naman akong lagnat hah. Tinitigan ko ulit ang mukha ko bago ako naghilamos para mawala ang pagkaputla nito. Napabuntong hininga nalang ako syaka ginawa ang daily routine ko.
Matamlay ako habang naglalakad papunta sa bus station. Bakit parang feeling ko lalagnatin ako pinilit ko lang ang sarili ko na maglalakad kahit na parang feeling ko nakalutang ako.

Tyron's POV
Binabagtas ko ang daan papuntang paaralan ng may mapandun akong isang babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada. Sandali parang pamilyar sya sa akin. Agad kong inihinto ang sasakyan ko sa kanyang tabi. Lumabas ako sa kotse at nilapitan sya parang hindi nya nahalata yon.
"Sabay kana sa akin."malamig kong sambit. Napahinto sya sa paglalakad at tinignan ako. Napakunot ang noo ko ng makitang ang putla nya, agad kong hinawakan ang kanyang noo at doon ko nakumpirma na may lagnat sya.
"Ayos kalang ba?"tsk malamang hindi ang init nga nya eh tapos tinanong ko pa kung okey lang sya tsk mag-isip ka nga Tyron.
"T-Tyron-."nagulat ako ng matumba sya kaya naman sinalo agad sya. Buti nalang hindi sya natumba sa semento. Agad ko syang ipinasok sa kotse saka ako oumasok at pinaandar ito. Bumalik ako sa bahay ko, oo bahay ko may sarili na kasi akong bahay. At ayaw kong umaasa sa pamilya ko kaya habang nag-aaral ako inaasikaso ko din ang kompanyang pinapatakbo ko. Bumukas ang gate ng bumusina ako.
"Senyorito bakit po kayo napabalik may naiwan po ba kayo?"tanong ni manang.
"Manang pakikuha ako ng maligamgam na tubig at dalhin nyo sa kwarto ko."sambit ko dito ng makalabas ako ng kotse.
"Anong nangyari dyan senyorito?"pag-alala ni manang.
"Manang mamaya na po kayo magtanong basta po kuhanan nyo ako ng maaligamgam na tubig at dalhin sa aking kwarto.
"Masusunof po senyorito."umakyat ako ng hagdanan at dinala si Andy sa kwarto ko. Pinahiga ko sya syaka niluwagan ang kanyang blosa, wag kayong ano ginawa ko lang yon para makahinga sya ng maayos.  Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si manang.
"Heto na po senyorito."kinuha ko naman ito.
"Salamat manang."sambit ko syaka kinuhaaang towel at ibinabad sa maaligamgam na tubig.
"Manang pwede nyo po bang bihisan muna si Andy dahil baka po mas lalong lumala ang kanyang sakit pag ganyan ang suot nya."sambit ko sa kanya.
"Opo senyorito."lumabas muna ako sa kwarto para intayin na matapos si manang sa kanyang pagbibihis kay Andy.
Maya-maya lang ay bumakas na ang pinto kaya pumasok na ako.
"Kung may kailangan pa po kayo senyorito tawagin nyo lang ako nasa baba lang po ako magdidilig ng mga halaman."tumango lang ako kay manang. Lumapit ako kay Andy syaka pinunasan ang kanyang braso nung towel na may aligamgam na tubig. Habang pinupunasan ko sya ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang mukha. Sinuri ko ang maganda nyang mukha at napangiti nalang bigla. May sira na talaga ako. Itinabi ko sa may pintuan yong may maaligamgam na tubig syaka lumapit kay Andy at pinaglandas ko ang darili ko sa maamo nyang mukha. Ang mga haba ng pilik mata nya, ang tangos ng ikong at napalunok ako ng makita ko ang mapupulang labi nya that's kissable lips, damn it its tempting me. Uminit bigla ang paligid, malakas naman ang aircon hah. Makaligo na nga ulit para mawala itong pawis at init na naramdaman ko

WHEN A GANGSTER'S FALLS IN LOVEWhere stories live. Discover now