TUPA
[Tula]
Minsan na rin akong napatanong--
Kung tatalon ba ako sa balon,
Sasagipin ba ako ni ama?
Mag-aalala ba ang aking ina?
O baka mas isipin nila ang tubig?
Ang nadumihan kong tubig
Ng aking sariling dugo--
Dugong minsang dumaloy sa aking puso.
Pusong manhid na at di makadama
Ng pag-ibig ng aking sariling pamilya.
Bakit nga ba? Bakit nga ba?
Kelan niyo ba ako tinuring na mahalaga?
Mahal nga ba o utusan niyo?
Mas tinuturing niyo pa akong aso.
Nakatali at walang kalayaan,
Kaya ito'y hinanap ko kahit saan.
Lugar na kung saan dama ko,
Ang kalayaan na hangad ng puso.
Ngunit may bulong sa aking isipan--
Bumalik ka sa iyong pinanggalingan.
May namuong pag-asa na baka
Magbago kapag ako'y muli nilang makita.
Sinimulan kong maglakad pauwi--
Nagdarasal at nagbabakasakali.
Malayo palang ay tanaw ko na,
Nakatitig sa akin si ama.
Si ina ay tumakbo papalapit sa akin,
Natutupad na ba ang aking panalangin?
Ngunit nang makalapit na siya,
Sampal ang natanggap ng aking mukha.
"Saan ka nanggaling? Saan ka nagpunta?
Wala ka talagang silbing bata ka".
Ang bisig ko'y handa na sana
Upang tanggapin ang yakap nila.
Ngunit suntok lamang sa tiyan ang nakamit,
Nagpatuloy kahit dumadaing na sa sakit.
"Pakainin mo yung mga baboy,
Huwag kang tatamad-tamad, totoy"
Buti pa nga yung biik may nag-aalagang ina.
Ako ba? Kelan ba matatagpuan ang Tunay na Pamilya?
Date: December 22, 2017
Author: Bannie BandibasComments:
A. : Nakaka-relate ako sayo, kuyaB. :LodiC. :HaiZtnaalala ko ang nakaraan!D. Akii Dox: Hays. Kailan matatagpuanang tunay na pamilya?
Kauna-unahang tula na talagang nagpaiyak sa akin at hanggang ngayon ang pinapaluha pa rin ako sa tuwing ito'y aking binabasa. Base ito sa isang kwento sa bibliya na "The Prodigal Son" ngunit iniba ang kwento at "180degree turn" ang ending. Sa mga hindi pamilyar, sa TPG ay ibinigay ng ama ang pangangailan ng kanyang nakababatang anak ngunit hindi ito nakuntento at hiningi ang kanyang mana upang waldasin. Ngunit naubos ang mana nito at naisip na nagkamali siya. Nang maisipan niyang bumalik sa ama at humingi ng tawad ay pinatawad siya nito't tinanggap muli bilang anak.
Sa tulang ito naman ay, inaalila ang anak ng kanyang mga magulang kaya nagpasya siyang maglayas. Ngunit may nagtulak sa kan'ya na bumalik, dahil sa pag-iisip na maging maayos ang lahat kapag umuwi siya at isang pagkakamali ang iwanan ang kanyang pamilya. Subalit mali ang kanyang iniisip, sinaktan lamang siya ng kanyang mga magulang at inalipusta. Karaniwang nangyayari sa mga mahihirap na pamilya sa panahon ngayon. Isang reyalidad na hindi natin maitatanggi. Maa-apply din sa ibang aspero ng buhay na may mga tao talagang hindi ka tanggap kahit kadugo mo pa sila.
Date: December 22, 2017
Author: Bannie Bandibas
Theme: Labis na Kaligayahan o Kalungkutan
Genre: Slice of LifeAward: 5th Place
ForbiddenPoetry
Entry #1
BINABASA MO ANG
TUPA
PoetryKauna-unahang tula na talagang nagpaiyak sa akin at hanggang ngayon ang pinapaluha pa rin ako sa tuwing ito'y aking binabasa. Base ito sa isang kwento sa bibliya na "The Prodigal Son" ngunit iniba ang kwento at "180degree turn" ang ending. Sa mga hi...